Chapter 18: Dalaw

1.5K 111 18
                                    

Austin's POV

Nakatingin pa rin ako kay Crimson mula dito sa upuan ko habang patuloy sa paglelecture si Ma'am. Mula pa kasi kahapon ay hindi n'ya ko kinikibo,ni kahit nga tapunan ng tingin wala eh.

Nakasalubong namin s'ya kahapon habang pa-uwi, at halos magkanda ubos-ubos na ang brain cells ko kakaisip ng palusot. Mabuti na lang din at may kasama akong magaling magsinungaling--malamang kampon ni kadiliman eh! Ang dinahilan na lang namin 'e nabusy kami sa pamamasyal at mga naka-silent ang cellphone namin kaya hindi namin napansing tumawag s'ya.

Medyo na-guilty ako dahil mukhang nag-alala talaga s'ya sa'kin kahapon, pero hindi ko naman magawang sabihin sa kanya ang totoo dahil tyak na sermon nanaman ang aabutin ko nito. Sabihin ko man sa kanya ang totoo o hindi, malamang sa malamang magtatampo pa rin s'ya sa'kin ngayon.

Nagising sa realidad nang may eroplanong papel ang lumipad sa mukha ko. Inis naman akong napatingin sa Dos por dos na nakapangalumbaba. Tinaasan n'ya 'ko ng kilay na para bang sinasabing 'Ano? Palag?!'

Pasalamat s'ya may utang na loob ako sa kanya at wala ako sa mood makipagtalo. Kung hindi baka kanina ko pa pinakain sa kanya yang paper airplane n'yang 'yan! -_-

Napairap na lang ako saka muling bumalik sa pagiisip kung pano magpapapansin kay delubyo--este Crimson.

Oo ako na KSP sa chapter na toh! Haish! Ba't ba kasi matampuhin yung taong yun? Kala mo naman jowa. -_-

Dumating ang recess at papunta na sana ako sa cafeteria nang makaramdam ako nang panghihina, binalewala ko na lang 'yun dahil baka gutom lang pero habang tumatagal ay parang bumibigat ang pakiramdam ko at ano mang oras ay pwedi akong himatayin na lang bigla dito.

Kahit na halos 'di na makalakad ng tuwid ay pinilit kong maglakad nang normal papuntang infirmary para maghanap nang gamot, nang bigla na lang bumigay ang tuhod ko at madapa ako sa malamig na sahig sa kalagitnaan ng hallway.

Napabuntong hininga pa ko bago sinubukang bumangon pero masyado akong nanghihina at nanunuyo ang lalamunan ko. Wala tuloy akong magawa kundi ang hayaan na lang ang sarili kong magpahinga saglit. Ang mga sira ulong estudyante naman ng paaralang to 'e nilampasan lang ako na tila ba may mga sarili silang mundo. Meron ding nagtatapon nang tingin at natatawa dahil akala nila isa akong lalaking sabog na sabog dahil sa trip kong dumapa at matulog sa kalagitnaan ng hallway.

"Anong nangyari d'yan?"

"Ewan? Bigla na lang humiga."

"Patay na ba 'yan?"

"Mukha pa namang buhay, tulungan ba na'tin?"

"Tinatamad ako eh, hayaan mo na! May tutulong din d'yan."

"Uy tabi tayo, baka may naka-video! Baka gumagawa sila ng pelikula."

Mga siraulo! Mukha ba 'kong artista?! >.<

Gusto ko man silang pagmumurahin ay wala akong nagawa dahil sa labis na panghihina, sakto namang dumaan si Clinton at napakunot nang makita ako.

"Anong trip yan?", tanong nya, inipon ko naman lahat ng lakas ko para lang murahin s'ya dahil sa inis.

"T*ng*na mo, eh kung tinulungan mo k-kaya ako.", napangiwi ako nang maramdaman ang pagkirot ng puson ko tuwing magsasalita. Agad namang nanlaki ang mata n'ya at dumapa din para makapantay ako.

Boys Dormitory (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon