CHAPTER 7: Blackout

2.2K 154 25
                                    

Austin's POV

Natapos ang PE sa at 'di man lang kami nakapaglaro ng maayos dahil sa nangyari. Sabi ni coach next Wednesday na lang daw since every Wednesday lang naman ang P.E. namin.

Naging usap-usapan din nang karamihan ang nangyari sa gym, ka-kaunti na lang ang tumatawag sa'king bakla at meron na ding nakikipagkaibigan sa'kin na mga kaklase ko bukod kanila Eros, Rent at Crimson. Pero syempre hindi ko pa rin sila ipagpapalit, sila na tropa ko eh!

Natapos ang klase at kasalukuyan akong gumagawa ngayon ng assignment sa Math. Kakatapos lang din namin kumain kaya ngayon ay biak-biak naman ng ulo kakaisip.

Napakamot naman ako sa ulo ko habang tinignan ang equation. Grabe! Number lang 'yan pero halos mabiyak na ulo ko kakaisip pano sasagutin. Napatingin ako sa katabi ko na busy sa pakikinig ng music suot ang headset niya.

"Pst!" sinitsitan ko siya, pero hindi n'ya 'ko kinibo.

Agad naman akong lumapit at padabog na umupo sa kama niya na siyang kinagulat n'ya. Agad siyang bumangon at tinanggal ang suot na headset.

"What?" Nagtataka niyang tanong.

"Hindi ka gagawa nang assignment?" tanong ko.

"Tapos na ko." mabilis na sagot niya na siya namang ikinalaki ng mga mata ko.

Luh! Ni hindi ko nga s'ya nakitang tinignan man lang ang notebook n'ya eh!

"'Nungaling! Sige nga kung nakagawa ka patingin." paghahamon ko. Napataas ang isang kilay niya pero di kalauna'y napangiti lang saka umiling.

"I'm not dumb" sagot nya, napakunot naman ang noo ko.

"Huh?"

"I said I'm not dumb, alam kong mangongopya ka lang. " sagot n'ya. Napakamot naman ako sa ulo ko.

Ay! Wa-epek!

"Hehe, edi paturo na lang. Wala akong naintindihan kanina eh." request ko, nakita ko namang napailing siya saka agad na kinuha ang notebook sa may drawer niya.

Ah... so dun pala nakalagay ang mga gamit niya, akala ko talaga di siya nag-a-aral eh. Wala man lang kasi siyang dalang bag sa school o ano.

"Get---" napahinto kami sa ginagawa nang biglang mamatay ang ilaw.

Dinig ko agad ang 'uy!' at samot sariling reaksyon ng mga estudyanteng nasa kabilang kwarto. Nangangapa naman akong tumayo nang may biglang humila sa'kin.

"Ay shetemaru!" gulat na reaksyon ko nang bumagsak ang katawan ko s kung saan.

"A-Austin?" dinig kong tawag sa'kin ni Crimson.

"Oh? Asan ka?" kinapa ko ang pinagbagsakan ko kanina para sana bumangon nang mapansin kong parang hugis tao ata yung na-landing-an ko.

Boys Dormitory (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon