Austin's POV
"Uy, Austin! wag mo kalimutan pasalubong ko ha." pasipsip agad ni ate Quin. Napangiti ako.
"Oo na, oo na! Size seven diba?" sagot ko naman.
"Hoy, Austin! Wag ka magpapasaway dun kay tita mo, saka umayos ka. Tantanan mo na pagiging tomboy mo." saway naman ni mama sa 'kin dahilan para mapawi ang ngiti ko.
"Ma naman eh! Hindi nga sabi ako tomboy! Wala akong planong mang-jowa nang kapwa ko babae 'no!" asar na sagot ko habang nagiimpake.
"O s'ya! Dalian n'yo na dyan at may pupuntahan pa daw na emergency meeting ang tita mo. Austin!" singit ni papa sa usapan. Napatango naman ako saka sinuot ang backpack ko.
"Bye pa. Kita-kits na lang sa susunod." paalam ko saka yumakap sa kanya. Sa huli ay nag-group hug din kami.
"Uy, Austin! Pag nagpaka-babae ka wag moko kalimutan ha, magshare ka nang pampa-beauty mo." pahabol pa ni ate Debbie dahilan para matawa kami.
"Ate, magaaral lang ako hindi lalandi. Saka asa ka! Di ka nga nagshe-share nang tawas mo ako pa kaya." sagot ko. Napasimangot naman siya kaya mas lalo kaming natawa.
Nang mailagay na ang lahat ng gamit sa kotse ay nagpaalam na ako kanila mama, bago tuluyang pumasok sa kotse ni tita. Huminga ako nang malalim at nilanghap ang mabangong amoy ng loob ng sasakyan, saka todo sa pagpipigil ng ngiti.
Grabe! Hindi ako makapaniwalang makakapunta na din ako nang Maynila!
Bwahahaha! Humanda ngayon yung malanding ingeterang Brent na yun! Mag-a-aral ako sa Maximilion High! Kaya mamatay na s'ya sa inggit!
"Ready ka na Austin?" tanong ni tita, napatango na lang ako saka nag-lagay ng headset sa tenga.
Pagdating sa airport ay pinasuyo na ni tita ang kotse nya sa driver, 'di rin nagtagal at sumakay na kami nang eroplano.
Sh*t naman oh! Nakakakaba men! Baka mag-crash kami sa bulkan, ma-deds agad ako! >~<
"Iha, kalma lang. Hindi pa umaandar." natatawang saad ni tita nang mapansin ata ang paninigas ko sa kina-u-upuan. Nahihiya naman akong tumawa saka napatingin kay tita.
"Hehe, pasensya na po, first time eh." sagot ko sabay kamot nang ulo.
Maya-maya pa ay sinabihan na kaming ikabit ang seat belt namin. Nang maramdamang gumalaw ang sinasakyang eroplano ay agad akong tumingin sa gilid nang bintana at namangha sa nakita ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/257006947-288-k520507.jpg)
BINABASA MO ANG
Boys Dormitory (UNDER REVISION)
Teen FictionSi Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OKAY TAKE TWO! Si Austin Louis Vermilion, ang main character na mukhang pang side character. Ipinangan...