Austin's POV
Nanlaki ang mata ko sa biglaang nangyari kaya agad kong tinulak si Dos para makalayo pero hindi s'ya natinag at hinawakan pa ang batok ko para mas lalong idiin ang halik. Agad naman akong nakaramdam na may humawak sa braso ko at sa isang iglap ay nahatak agad ako ni Crimson palayo sa kaniya. Pinaulanan niya ng malalakas na suntok si Dos. Gustohin ko mang umawat pero ayaw makisama nang mga paa ko. Naistatwa ako sa pagkagulat sa mga nangyayari.
"Fvck you!" Sigaw sa kanya ni Crimson pero tinanggap lang lahat ni Dos ang mga suntok n'ya, buti na lang at dumating sila Rent na agad tumakbo at inawat si Crimson. Dumating din si Tres na agad inalalayan si Dos tumayo, pero tinabig n'ya lang ang kamay nito saka mag-isang tumayo na parang balewala lang lahat ng mga natanggap na suntok.
Mapang asar pa syang ngumiti kay Crimson saka pinunasan ang dugo sa gilid nang labi n'ya.
"See? I told you so. You're not supposed to protect them from me, what you need to do is to make sure that they don't come to me." saad pa ni Dos, kita ko namang mas lalo lang nagwala si Crimson kaya tumulong na din ako sa pag awat sa kanila.
Sa huli nang tuluyan ng makaalis sila Dos ay unti-unti na ding kumalma si Crimson. Binitawan na s'ya nila Rent at Eros nang ako naman ang balingan nya. Agad n'ya kong kinorner sa katabing pader, kaya muling naalarma sina Eros. Nanigas ulit ako sa kinatatayuan ko habang halos maulagutan na ng hangin sa kaba.
"Pre tama na 'yan." awat ni Rent.
"Tama na pre, sige na." si Eros.
Kita ko sa mata n'ya ang matinding galit na may halong sakit, parang may gusto syang sabihin pero hindi nya masabi. Sa huli nasuntok n'ya na lang ang pader sa galit saka padabog na bumalik sa kwarto namin. Agad namang nanlambot ang mga tuhod ko, napaupo ako saglit para pakalmahin ang sarili.
"Ano bang nangyari?"tanong Rent, inangat ko ang paningin sa kanila ni Eros.
"Hindi ko alam." napailing pa na sagot ko. Kumunot naman ang noo nila.
Pagod akong tumayo at akmang papasok na din sana sa loob nang hindi ko mapihit ang doorknob. Napakunot ako saka muling pinilit na buksan ang pinto.
Hala shet! Naka lock!O_O
"T*ngina! Crimson buksan mo tong pinto! Wooiii, wag kang ganyan!"sigaw ko habang hinahampas ang pinto, dinig ko naman ang mahinang hagikhik nila Rent kaya agad ko silang tinapunan ng matalim na tingin.
"Pft---yan kasi, ginalit mo." kantyaw pa ni Eros.
"Nako wala nang pag-asa yan, dito ka na matutulog sa hallway." gatong pa ni Rent. Agad namang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya saka dali-daling kinatok nang paulit-ulit ang pinto.
"Hoy! F*ta na yan! Crimson papasukin mo 'ko, woii! Hoy, hindi ko dala yung susi koooo!" sigaw ko dahilan para mas lalong matawa ang dalawa.
Huhuhuhuhu hindi pwede to! Sa'n ako matutulog?!
![](https://img.wattpad.com/cover/257006947-288-k520507.jpg)
BINABASA MO ANG
Boys Dormitory (UNDER REVISION)
Teen FictionSi Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OKAY TAKE TWO! Si Austin Louis Vermilion, ang main character na mukhang pang side character. Ipinangan...