Chapter 15: The Deal

1.7K 133 42
                                    

Austin's POV

Namilog ang mga mata ko nang makita ang sarili sa salamin.

Shems is dis me? Ba't ang gwapo?! Hi selp kaw na lang kaya jowain ko?

Kakabigay lang kahapon ng mga uniform namin kaya ngayon ang unang araw na makakapagsuot ako ng uniform ng Maximillion High. Pares siya ng Gray na slux saka coat na may nakaembroid na logo ng school sa may kaliwang dibdib. Sa loob naman ay plain white polo saka pulang necktie. Halata namang medyo nilakihan ang kaunti ang uniform ko para lumaki ng kaunti tignan ang katawan ko.

Nagtaka din ako kasi dapat nung Tuesday pa nabigay ang uniforms namin, pero ang sabi nadelay daw dahil sa daming inaasikaso at ginagawang uniforms nung supplier kaya kahapon lang nadeliver nung babaeng mukhang model kumpara sa delivery girl yung mga uniporme.

"Hey, you okay there? Kanina ka pa nakatitig sa salamin ah.", natatawang sabi ni Crimson, agad naman akong napaharap sa kanya.

"May nakita kasi akong gwapo sa salamin, sharap jowain hihi.", sagot ko na ikinangiwi n'ya

"I'll prefer you boyishly. Nakakasuka ka tignan pag ganyan eh, mas mukha kang tunay na bakla kumpara sa lalaki.", pang-iinsulto n'ya dahilan para mabilis na maglaho ang ngiti ko.

Langya! 'tong mukhang 'to, mukhang bakla? Dzuhh!

"Panira ka talaga, tara na nga!", Inis kong aya saka kinuha ang mga gamit ko at nangunang lumabas ng kwarto namin. Ngingiti-ngiti lang naman syang sumunod sa'kin.

Pagkadating sa room namin ay napangiti ako sa ganda ng nasaksihan. Dahil sa mahiwagang uniform ay tumino at mga kaklase ko at mahina lang na naguusap 'di gaya dati na pagbukas mo pa lang ng pinto sasalubong agad sayo ang binilog na papel o di kaya papel na eroplano, 'tas minsan shoot pa sa ilong mo.

Napatingin ako sa upuan kong katabi ni Wes na ngayon ay inu-upuan ni Clinton. Napailing ako bago lumapit sa kanila at pinalayas ang bumbay.

"Tabi d'yan. Bumalik ka na sa upuan mo!", mahina ko s'yang tinapik sa braso gamit ang likod ng palad ko. Tinignan n'ya 'ko mula ulo hanggang sapatos.

"Bakit, sa'yo ba 'to? Wala namang pangalan ah.", pamimilosopo n'ya na siyang ikinangiwi ko.

Napangiti naman si Wes at nakipag-apir sa kanya. "Nice one!"

Napahawak ako sa magkabilang bewang ko at seryoso s'yang tinignan. Mukha namang na-gets n'yang unti-unti na 'kong nawawala sa mood kaya napabuntong hininga s'ya.

"Anong kailangan mo?", nagpintig ang tenga ko nang bigla s'yang magmaang-maangan.

"Upuan ko 'yan, bumalik ka na dun.", mariing utos ko saka tinuro pa ang bakanteng upuan sa tabi ng Dos por dos. Napasilip s'ya dun bago ibinalik ang paningin sa'kin.

"Baliktad, dun ka dati naka-upo kay do'n ang upuan mo. Dito ang vacant kaya dito ako.", pagmamatigas n'ya. Akmang babatukan ko na sana s'ya nang bigla namang dumating si ma'am Duran at mapabalik sa mga kanya kanyang upuan ang lahat.

Wala tuloy akong choice dahil ayaw talagang umalis ng bumbay sa upuan ko. Napalunok naman ako nang makitang naka-abang na agad sa'kin ang kampon ni kadiliman.

Boys Dormitory (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon