CHAPTER 1: Meet Austin!

3.8K 187 50
                                    

17 years, 5 months, 10 days, 8 hours, 40 minutes, and 16 seconds later...

Austin's POV

"Hoy Agustin! Ayos-ayusin mo nga 'yang pag upo mo! Kita na 'yang singit mo oh!", saway nanaman sa akin ni mama. Napakamot naman ako sa ulo ko bago ibinaba ang paa ko mula sa lamesita.

"Ma, Austin nga po kase! Agustin kayo nang Agustin, ta's nagrereklamo kayo sa pagupo ko! Ayusin nyo din kasi tawag n'yo sa'kin!", iretableng reklamo ko.

"Hay nako, Malou! Hayaan mo na 'yang anak mo, para kahit papano ma-feel pa rin nating may Junior tayo, diba 'nak?", resbak naman sa'kin ni papa with matching taas baba pa ng kilay. Napangiti ulit ako.

"Tama, Tama!", pagsang-ayon ko saka nag-thumbs up pa.

"Tama, tama ka jan, tatamaan ka sakin eh! Gusto mo ng lalaki ha? O sige! Mag-igib ka na at wala tayong tubig paghugas nang plato! Bwiset na kuryente yan, nagbayad na nga't lahat lahat puputulan ka pa din nang kuryente!", bwelta naman ni mama. Kamot-ulo na lang akong tumayo saka kinuha ang balde para mag-igib sa may poso.

"Ayos lang yan 'nak, nagme-menopose na kasi yang mama mo kaya palaging masungit", bulong pa ni papa bago pa man ako makarating sa may pinto, natawa naman ako.

"Kaya nga Po eh, nakakatakot talaga maging gurang--aruruy!", bulong ko pabalik nang bigla naman akong hampasin ni mama ng pipino sa ulo.

"Kita mo na? Pati pipino nabali sa katigasan nang ulo mo! Manang-mana ka talaga sa tatay mo.", panenermon niya pa. Hinimas ko naman ang parte nang ulo kong mukhang nagkabukol ata.

"Eh andaya mo ma eh! Anglakas-lakas kaya nung pagkakahampas mo sa'kin! Natural mababali talaga, pati nga ata bungo ko nabiyak eh.", nakasimangot na sagot ko.

"Aba't!--", hindi na ni mama natapos ang panenermon nya nang biglang bumukas ang pinto, kasabay ang pagsalubong samin nang pera--este ni Tita.

"'Di nyo man lang ba ko na-miss?", Pa-cute na tanong ni tita Agnes, agad naman nagsisulputan mula sa kung saan ang dalawang linta kung makapasipsip kong mga kapatid.

"Titaaaa! OMG! Namiss ka namin, supeeeer.", salubong ni ate Debbie sa kanya sabay yakap.

"Tita anong pasalubong? 'Anjan na ba yung pinabili kong shoes?", dire-diretsong tanong naman ni Ate Quin.

Boys Dormitory (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon