Austin's POV
Pagminamalas ka nga naman! Nang dahil tuloy sa nangyari kanina ay napalinis ako ng likod nang school, hindi pa tuloy ako nakapag-recess dahil kailangan kong tapusin ang pagwawalis at pagtapon ng basura. Pagdating ng lunch ay dumiretso agad ako sa cafeteria para sana kumain nang sakto namang may dalawang lalaki ang lumapit sa'kin nang maglakad ako papunta sa may counter.
"Uy! Diba ikaw si Agustin?" tanong nung naka maroon na t-shirt at cream na pants. Mas maliit siya ng kaunti kumpara dun sa isa.
"O-oo" medyo ilang na sagot ko nang bigla niya naman akong akbayan.
"Saludo ako sayo pre!" nakangiting saad n'ya, umakbay din sa'kin yung isa na siyang ipinataka ko.
"Oo nga, ako din! Nung kami kasi pinagtripan ni Dos wala kaming lakas ng loob na pumatol dun kasi anak s'ya nang may-ari nitong school eh." pag-sang ayon nung naka suot ng green na button-down polo shirt. Agad na nanlaki ang mata ko.
Pakers! Anak siya ng may-ari nang school na to?!
"Oh pre, namumutla ka ata? Gutom ka na 'no?" tanong pa nung naka maroon sa'kin. Hindi ko naman magawang umimik dahil sa gulat.
Shutang ina! Nakaka-dalawang araw pa lang ako dito, mukhang mapapalayas na agad ako-teka! Hindi pwedi, sayang yung binayad ni tita!
"Ikaw kasi eh, dapat pinakain muna natin. Ang payat na nga nyan, mas papayat pa lalo." saad naman nung naka green na hindi ko masyadong pinakinggan.
"T-tara, p-pila na lang tayo" matamlay na aya ko sa kanila. Ang kaninang lakas ng loob ko unti-unting naglaho na parang bula. Nai-imagine ko na agad ang sermon sa'kin ni mama kung sakali mang itakwil ako ni tita.
"Oo nga pala ako si Laurent, Rent na lang." pakilala nung naka maroon habang naglalakad kami.
"Ako naman si Eros." pakilala nung naka green. Ngayong natitigan ko sila ng husto ay mas luminaw sa'kin ang pagkakaiba nila.
Bukod sa mas matangkad ay medyo pahaba din ang mukha ni Eros kumpara kay Rent, na medyo maliit ang mukha. Malinis ang gupit ng makapal na buhok ni Rent habang bagsak naman ang makapal na buhok ni Eros. Pagdating naman sa kutis ay mas light ng kaunti ang kulay ni Eros, pero mas mature tignan si Rent.
"Austin." tipid na ngiting pakilala ko na din habang pumipila. Pareho silang napakunot.
"Akala ko ba Agustin?" bulong ni Rent kay Eros na dinig ko rin naman.
"Austin, Agustin pareho lang naman eh! Baka shortcut." sagot naman ni Eros kaya napatango na lang si Rent. Kumunot ang noo ko.
Bakit sila nagbulungan sa likod ko, eh rinig ko rin naman?
Pagkatapos umorder ay dumiretso na kami sa isang lamesa at dun na kumain. Habang tumatagal din naman ay medyo nababawasan ang pag-aalala ko dahil sa kakulitan nilang dalawa. Sa tingin ko nga, mukhang magiging magka-vibes pa kami neto. Parehong-pareho ang mga ikot ng sikmurah namin eh! Aakalain mo talagang mga hindi anak mayaman.
BINABASA MO ANG
Boys Dormitory (UNDER REVISION)
Teen FictionSi Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OKAY TAKE TWO! Si Austin Louis Vermilion, ang main character na mukhang pang side character. Ipinangan...