A/N: So ayun guys I just want to say sorry na hindi ako agad nakapag-ud and pag nag-uud ako is sobrang layo ng gap bago ang next ud.
***********************************************
Kinabukasan pagkagising ko ay nakita ko si Luke na nasa sala namin kausap si mama bakas ang lungkot sa mga mukha nila pero napalitan agad din yun ng pekeng ngiti nang makita nila ako.
Meron ba silang tinatago sakin??
Ipinagwalang bahala ko na lang iyon at dumirestso na sa kanila at sabay sabay kami pumunta sa dining table para kumain. Ilang minuto na ang lumilipas pero tahimik pa din silang dalawa ng mommy hanggang sa matapos na kami kumain at ganun pa din ang sitwasyon.
Kalaunan ay nagpaalam na kami at umalis ng bahay.
Pagdating sa school ay sinalubong kami nung lima at kasunod nila ay ang dalawa kong kaibigan at sabay sabay kami pumasok sa school.
Natapos ang tatlong oras naming klase na tahimik lang si Luke pero ipinagwalang bahala ko lang iyon at kumagat na lang sa Sandwich na kinakain ko ngayon sa canteen. Maya maya pa ay may biglang nalapag ng gatas sa lapag ko at bigla ko nakita si Luke na seryoso pa din ang mukha kaya napakunot ako ng noo at nang tumingin siya sa akin ay bigla syang tumawa ng malakas kaya nagsi-tinginan sa table namin ang ibang estudyante.
"Wag ka nga magkunot ng noo mo, ang panget mo." sabi nya pagkatapos nya ako pitikin sa noo.
Hinayaan ko na lang sya tutal dun naman sya masaya. Hanggang sa pumunta na kami ng science lab dahil science ng next naming klase ay tawa pa din siya ng tawa.
Habang naglelecture ang prof namin sa science ay may nagbato sakin ng papel at pagkabukas ko ay may naka drawing na stick figure ng babae na may guhit sa noo. Agad ako napatingin kay Luke na palihim tumatawa at hinampas ko sya sa balikat pero tawa lang sya ng tawa kay nainis ako hinampas ko sya ng notebook.
"Ms. Villafuerte at Mr. Veria GET OUT!!!" malakas na sigaw ng prof namin.
"Pero--" di na namin natapos ang sasabihin namin nang muli siyang sumigaw.
"Wala ng pero pero GET OUT!!!" wala na kaming nagawa at lumabas na lang nagsisihan lang kami ng nagsisihan hanggang sa nakaabot kami sa canteen.
Bumili kami ng makakain pero pagkatapos nun ay nagtatalo pa din kami kung sinong may sala dahil pareho kaming mataas ang pride. Pero maya maya pa ay sumuko na sya at nanghihingi ng sorry sa akin sa wakas ako din ang nagwagi.
Natapos kami kumain at akmang babalik na sa room kaso umuulan eh ang room namin na ginamit namin ay ang science lab, kailangan mo pang dumaang ng field dahil nasa kabilang building ang science lab at malayo layo iyon sa building ng canteen.
Wala kaming nagawa kundi tumakbo na lang at mag habulan sa ulan pero maya maya pa ay bigla akong nanghina pero naglakad pa din ako hanggang sa natumba na ako at narinig kong sinigaw ni Luke ang pangalan ko bago ako mawalan ng malay.
Luke's POV
Nandito ako ngayon sa labas ng room kasama si tita dahil kailangan nya daw ako makausap.
"Iho nabanggit ko naman sayo na malala na ang sakit ni Schizane, hindi ba?" nagaalala niyang sabi.
* Flashback*
Papunta ako ngayon sa bahay nila Chichi dahil may sasabihin daw sa akin ang mama nya.
Nang makarating ako sa bahay nila agad akong sinalubong ni tita medyo maaga pa at sinabi nya din sa akin na tulog pa si chichi.
"Iho mag-kape ka muna" abot nya sa akin ng isang tasa ng kape at umupo sa kaharap ko na upuan. 'Di talaga ako nagkakape pero nakakahiya naman, bahala na.
"Ano nga po pala yung sasabihin nyo sa akin tita?" tanong ko pagkatapos humigop ng kape
"Iho, lumalala na ang sakit ni Schizane.... Nakausap ko ang doctor kailangan nya na daw maghanap ng donor sa lalong madaling panahon." sabi ni tita na sya naman ikinabigla ko
" Nakahanap na po ba kayo ng donor?"
"Hindi pa iho, pero ang sabi ng doctor kung wala kaming mahahanap na donor. Kailangan namin syang itransfer sa states kung saan may mga pwedeng mag donor doon."
*End of Flashback*
Ilang oras na ang nakalipas pero hindi pa din nagkakamalay si Chichi, balak ko pa sana ang mag stay pero sabi ni tita mag rest na lang daw muna kami.
Nagpaalam na ako kay tita at umuwi na. Pagdating sa bahay ay agad na akong dumiretso sa kwarto at kinuha ko ang phone ko para ipaalam sa iba ang nangyari kay chichi.
Muli kong naalala ang sinabi ni tita kanina, na kapag hindi sila agad nakahanap ng donor ay kailangan na niyang pumunta ng states.
Hindi ko hahayaan yun. Kung pwede na ako na lang ang magdonor kay Chichi, pero hindi pwede dahil baka magkaroon din ng komplikasyon sa sakit ko. I was diagnosed with stage 3 Sarcoma, since I was fifteen years old.
[A sarcoma is a type of cancer that starts in tissues like bone or muscle. Bone and soft tissue sarcomas are the main types of sarcoma. Soft tissue sarcomas can develop in soft tissues like fat, muscle, nerves, fibrous tissues, blood vessels, or deep skin tissues. They can be found in any part of the body.]
Kinabukasan ay tumawag si tita at sinabing hindi pa nagigising si Chichi. Minarapat ko na pumunta dun kasama si Keith at Josh, pagdating ko doon ay may nakita akong dalawang lalaking nakatayo sa labas ng room ni Chichi at nang lumingon sila sa direksyon ko ay laking gulat ko ng malaman ko kung sino iyon. Ang mga kuya nya.
Lumapit ako agad sa kanila at ipinaliwanag nila ang lahat at halos gumuho ang mundo ko sa sinabi nila
Schizane is comatose...
BINABASA MO ANG
Game Of Destiny
RomanceIf ever we fall in love again, let's never tell the world. The worls tends ruin beautiful things, so let it be our little secret. (On-Going) @McSicphoria @All Rights Reserved. Since 2020 Photo is not mine, credits to the rightful owner.