Buong klase lutang ako dahil sa masama ang pakiramdam ko dagdag pa ang mga masamang tingin ng mga kaklase ko.
Nang recess na napagdesisyonan kong magpaiwan na lang sa classroom dahil for sure magiging usap-usapan lang ako sa canteen. Naisipan kong makinig na lang ng music nang may biglang mag chat sa akin.
1 message from GC ng mga TAO:
KeithdGreat: Chi nasan ka?wala ka dito sa canteen
SHAWNmendesnapagoda: Kanina ka pa namen inaantay
Luke: Saan ka? pupuntahan ka namin
CHICHIwawa: Okay lang ako, andito ako sa room nagpapahinga.
Yun na lang ang tangi kong nasabi ko at ibinaba ko na ang phone. maya-maya ay may dumating na tatlong babae at pagkapasok ay sinarado agad nila ang pinto.
"Ikaw ba Si Zariyah Schizane Villafuerte? " tanong ng isa sa kanila.
"Ako nga bakit?"tanong ko naman.
May inilabas silang isang mahabang tali at tape saka ito lumapit sa akin.
"teka anong gagawin nyo sa akin?!" pasigaw na tanong ko.
Maya maya ay hinawakan ako ng dalawang babae na kasama nya at sya naman ay tinalian ako sa kamay at paa. Di ko na nagawa pang pumiglas dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak sa akin.
Pagkatapos nila ako talian sa kamay at paa ay nilagyan din nila ng tape ang bibig ko, saka ako pinagsasampal. Natumba ako sa aking kinauupuan ng isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Nagkaroon ako ng pagkakataong makatayo kaya tumakbo ako pero wala pa ako sa pintuan ng isa sa kanila ay mahablot ang ulo ko at inuntog ang ulo ko sa pader, duon na den nagsimulang mandilim ang paningin ko at nawalan na ako ng malay.
Luke's POV
Shit!!! May hindi talaga ako magandang kutob kay Chichi ngayon, Nasa canteen ako ngayon kasama yung lima pero di pa din ako mapakali may masama talagang nangyari kay schizane eh kanina pa sya hindi nagrereply sa text ko , tinext na den siya nung lima pero di pa rin sya macontact.
Nakita ko si Maxine at Alexa na nasa kabilang table kaya nilapitan ko sila para itanong kung nasaan si Chichi.
"Maxine si Chichi?" tanong ko naman sa kanya
"Nasa room nagpaiwan, kalat na kalat na kasi yung isyu nyo ngayon at madami ang nagagalit sa kanya" malamig niyang tugon.
Dahil sa akin???
Bumalik ako sa upuan ko at inayos ang gamit. Umalis ako nang di man lang nagpapaalam dun sa lima at dumiretso sa classroom nila Chichi. Malapit na nang may nakita akong lumabas na tatlong babae kaya pinuntahan ko agad sila at nung makita nila ako ay animo'y nakakita sila ng multo at biglang namutla. Di ko na sila pinansin at dumiretso na sa room, laking gulat ko nang makita si Chichi na may dugo sa ulo at nakalumpasay sa sahig.
Nang makalapit na ako sa kanya ay binuhat ko sya agad at dinala sa clinic. Pinagtitinginan kami ng bawat estudyanteng madadaanan namin. Mukhang alam ko na kung sino ang may gawa nito...Samantha...
Pagkadala ko sa kanya sa clinic ay tinawagan ko agad ang lima. Kinakabahan ako sa kung anong pwedeng mangyari sa kanya and for those who did this to her I will not let them pass, magbabayad sila.
Pagkadating ng lima ay tinanong agad nila ang nangyari kay Chichi at agad ko naman itong ipinaliwanag.
"Sa tingin mo sino ang may pakana nito?" seryosong tanong ni Keith.
"May hinala na ako kung sino." si Samantha... dahil wala namang ibang may galit kay Chichi kundi si Samantha sa una pa lang.
"Tinawagan ko na si tita. Papunta na daw sya, mukha pang galit" sabi ni Maxine pagpasok nya
"Paano natin papaliwanag 'to? Wala pang isang buwan andami nang nangyari sa babaeng 'yan" nag-aalalang sabat ni Keith.
"Paniguradong magwawala sa galit yung mga kapatid niyan" Josh
"What more pag nalaman pa nila yung nangyari nung isang araw. Tch" dagdag ko pa
Nang dumating si Alexa ay nag paiwan na sila ni Maxine ganun din si Josh at Shawn. Kaming apat naman nila Keith, Jay at Axel ay hinanap yung tatlong babaeng huling lumabas sa room nila Chichi, nang makita namin sila ay kasama nila si Samatha sa canteen habang nagtatawanan. Nilapitan ko sila at hinampas ang lamesa kaya agad silang nagsipagtayuan. Namutla yung tatlong babae nang titigan ko sila.
"Kayo ba ang gumawa nun kay Schizane?" galit ngunit mahinahon kong tanong sa kanila.
Hindi sila makasagot saken kaya hinampas ko ulit ng malakas yung lamesa nila kaya lalo dumami ang mga taong nakiki-usyoso samin.
"Napag utusan lang po kami." sagot ng isa sa kanila at siniko naman sya ng kasama nya.
"Hindi ko tinanong kung inutusan kayo! Ang tinatanong ko, kung kayo ba ang gumawa nun sa kanya?!" sigaw ko, naramdaman ko din unti unting dumadami ang tao sa paligid.
"Calm down, Luke. Walang mangyayari kung uunahin mo yung galit" maotoridad na sabi ni Jay."Sino ang nag-utos sa inyo?!".
Walang ni isang sumagot sa kanila. Napatakip na lang ako ng mukha para pigilan ang galit ko. KInausap sila nung tatlo at umalis na sila, pinaalis na din nila ang mga nanonood at bumalik na kami sa clinic upang tingnan ang lagay ni Chichi.
Pagdating namin ay nakita namin si Chichi na nakikipag tawanan duon sa apat kaya lumapit kami agad at kinamusta ang lagay nya.
"Chichi kamusta na ang lagay mo? May masakit ba sayo?" alalang tanong ko
"Ikaw ba naman untog sa pader, di ka masasaktan?" pilosopong sabi nya sa akin.
"Wag mo ginaganyan yan, Alam mo bang nag eskandalo yan sa canteen sa sobrang pagaalala sayo." sabi ni Jay at agad ko naman syang siniko.
"Wag ka makinig sa kanya, ang mahalaga ngayon ang lagay mo. Kinausap ko na yung ibang teachers mo and tinawagan na ni Maxine si tita para masundo ka na." sabi ko naman.
Nang makarating ang mama ni Chichi ay kinausap namin siya ni Keith upang maipaliwanag ang nangyari.
"Jusko, ilang araw pa lang ang anak ko sa eskwelahan na 'to kung ano ano na ang nangyari sa kaniya" mangiyak ngiyak siyang lumapit kay Chichi at hinwakan ito.
Lumipas ang ilang oras at nang dumilim na umuwi na din kami. Pinayagan naman kami ni tita na bumalik bukas. Lumipas ang mga araw at hindi pa din pumapasok si Chichi dahil sa lagay nya. Ano kayang ginagawa nya ngayon?Miss ko na sya...
BINABASA MO ANG
Game Of Destiny
RomanceIf ever we fall in love again, let's never tell the world. The worls tends ruin beautiful things, so let it be our little secret. (On-Going) @McSicphoria @All Rights Reserved. Since 2020 Photo is not mine, credits to the rightful owner.
