Kinabukasan, pagpasok ay dumiretso na muna ako sa library dahil masyado akong maaga at wala pa ang mga kaibigan ko at wala naman akong gagawin.
Naisipan kong pumunta sa pinakalikuran na upuan kung saan walang tao at duon ako magbasa. Habang nagbabasa ay naisipan kong maghumming dahil wala namang makakarinig at nagulat na lang ako nang may biglang magsalita.
"Tsk ang ingay mo naman Zariyah"sabi ng nagsalita at agad naman akong naplingon sa kanya.
"Wow ah! Maka- Zariyah, close tayo beh?!" singhal ko kay Luke
"Tsk! Bakit hindi ba? Eh bestfriends nga tayo 'di ba? Ako nga tinawag mong Luke eh"
"Eh Luke naman talaga pangalan mo ah!"
"Alam mo bang ayaw kong tinatawag akong Luke, ha? Dahil iilan lang ang pinapayagan ko'ng tawagin ako sa pangalan na yun" sabi nya kasabay ng aking pagtayo dahil sa unti-unting paglapit ng mukha nya saakin. "Pero dahi ngal 'bestfriend' kita pumapayag ako pero sa isang kondisyon."
Nahihibang na ba sya para lang sa panglan nya susundin ko sya, ano akala nya sakin tanga ?!
Dali dali kong inayos ang gamit ko at umalis na lang . Paglabas ko ng library ay ay nahulog ang salamin ko nang may nabunggo ako, kinapa kapa ko ito at sa wakas nakuha ko na pero laking gulat ko nang makita ko kung sino ang nabangga ko.....Si Samantha?!
"Ikaw nanaman ?!"turo ko sa kanya.
"Wtf!!! hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaan mo?!" pasigaw nyang sabi kaya halos lahat ng estudyante ang atensyon ay nasa amin na.
"Pasensya na, 'di ko sinasadya" sabi ko at kinuha ang panyo sa bulsa, nang akmang pupunasan ko na ang natapon na juice sa damit nya ay tinabig nya ang kamay ko.
"Kilala mo ba ako ha?"
"Hindi" maikling kong sagot at nagtawanan ang lahat kasabay naman non ang pagkairita sa mukha nya
"Ang laki laki ng daanan dyan ka pa talaga dumaan sa harap ko! Sa susunod wag kang tatanga-tanga" ngiti nya pa kahit halata naman sa mukha niyang naiirita siya.
"Kung tatanga-tanga ako, ano ka pa? Eh nakita mo naman palang hindi ako nakatingin sana umiwas ka na lang" muli kong narinig ang tawanan.
"Sumasagot ka ah, yan sayo" sabi nya at isinaboy ang juice na hawak ng kasamahan nya "Para sabihin sayo kung sino ako....Ako lang naman ang nagiisang Queen Bee ng University na ito ang pinaka maganda, pinaka sikat at ang pinaka mayaman sa buong university na ito." tsk alam ko na yan.
"Eh ako kilala mo ba ko?" mataray kong tanong sa kanya
"Oh bakit sino ka ba?" sabi nya at tinaasan ako ng kilay
"Ba't ko naman sasabihin sayo kung sino ako, baka magulat ka pag nakilala mo ako."
"Abay--"akmang sasampalin nya ako ng dumating si Luke at hinawakan ang kamay nya.
"Babe " sabi nya at kumapit sa kamay nito pero agad tinggal ni Luke ang kamay ni Samantha sa braso nya.
"Wag mo ko matawag-tawag na babe" sabi nya at tinalikuran si Samantha at agad pinulupot sa akin ang jacket nya sa katawan ko "Zariyah halika na" at hinila nya na ako paalis.
Habang naglalakad kami patungo sa kung saan ay hindi ko na napigilang hindi maiyak dahil sa nangyari.
"Bakit mo ako dinala dito sa rooftop?" naiiyak kong sabi
"Di naman kita pwedeng dalhin sa bahay ko kaya dito na lang " sabi nya at naglabas ng isang sandwich at chuckie sa bag nya upang ibigay sa akin agad kong binuksan iyon at kumain.
Umalis sya saglit dahil may kukunin lang daw sya, at pagbalik nya ay may dala na syang isang palda at blouse.
"Oh magpalit ka hindi pwedeng papasok ka nang ganyan ang itsura mo."sabi nya.
Tinapos ko na ang pagkain ko at dumiretso nang cr para magpalit . Sabay kami pumasok ng klase at ganoon den pag-uwi dahil baka daw abangan ako ng grupo ni Samantha .
"Lu- este Aster salamat nga ulit dun sa kanina ah."sabi ko at hinawakan nya nag taas ng ulo ko.
"Wala yon bayaran mo lang yung pinakain ko asyo kanina takaw mo kase eh" sabi nya at tumawa.
"Kayaman yaman na tao kuripot dyan ka na nga andyan na sundo ko " sabi ko at nagwave sa kanya upang magpaalam.
Luke's POV
Habang naglalakad ay tinext ko ang anim na magkita kami ng mall dahil mukhang may kalaban na nakasunod sa akin .
"Oh pre ano nanaman ba yung pinasok mong gulo at sinusundan ka ngayon" pangaasar ni Jay
"Aba malay ko " sinalampak ko ang headset ko sa tenga ko at natulog.
Nang natapos na namin ang plano namin ay agad kaming umalis .Napagdesisyonan nung anim na mag sleepover sa bahay kaya dumaan kami sa isang shortcut na wala gaanong dumadaan na tao pero mukhang pati dito ay nasundan kami.
"Ang pagkakataon nga naman oh... mga bata sugod!"sigaw nya at nagsisugudan na ang mga alaga niya siguro nasa bente ang kasma niya ngayon pero bagsak na silang lahat.
"Ano bang kailangan mo?" sigaw ko
"Ikaw! wala kang karapatan na ipahiya ang girlfriend ko pagbabayaran mo toh Aster!" sigaw nya at sumugod na ang mga natitira nyang kasamahan
habang nakikipaglaban ay bigla na lang nandilim ang paningin ko ng may isang matigas na bagay ang humampas sa ulo ko.

BINABASA MO ANG
Game Of Destiny
RomanceIf ever we fall in love again, let's never tell the world. The worls tends ruin beautiful things, so let it be our little secret. (On-Going) @McSicphoria @All Rights Reserved. Since 2020 Photo is not mine, credits to the rightful owner.