"honey, gising na at baka malate ka!" sigaw ni mommy
"Okay mom, coming!"
Pagkatapos gawin ang aking morning routine ay bumaba na ako agad upang kumain.
"Good morning, mom," lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi.
"Good morning, honey. I have high expectations for you this time, so don't let me down, okay?" she said seriously without looking at me.
"Don't worry mom, I'll try my best" I said and forced a smile.
Ever since I was kid, mom has always been like that. Kailangan lagi akong nanalo, ako dapat ang laging magaling at nasa top. It's a really big pressure for me growing up, pero wala akong magawa. Iniisip ko na lang na para din sa ikabubuti ko 'to, katulad ng palaging sinasabi ni mom. Iniintindi ko na lang din sya kahit madalas nasasakal ako. Mabuti na lang may mga kapatid akong naka-suporta sa'kin palagi.
"Be careful honey, wag mo kalimutan ang mga binilin ko sayo. Mag-enjoy ka sa first day mo!" binigyan niya ako ng mahigpit na yakap bago tuluyang umalis.
"Thanks mom, bye!!" kaway ko pa sa kanya.
Bagong school, bagong kabanata nanaman ng buhay ko.
"Good morning! what can I do for you?!" masungit na tanong sa'kin ng registrar.
"Magpapasa po sana ako ng requirements," sabi ko, sabay abot ng envelop na naglalaman ng id picture, card at kung ano ano pa.
"Transferee," tumingin sya sa'kin at ibinaba pa yung salamin niya. weird
After ko magpasa ay dumiretso na agad ako sa klase ko. According to the registrar Section A ako. Pagpasok ko pa lang ng room ay siya nang tinginan sa akin ng mga kaklase ko siguro dahil nga bago lang ako dito.
Dumiretso ako sa dulong upuan kung saan nakatabi ko ang isang lalaking nakayuko at sa tingin ko natutulog.
Sa wakas mukhang tahimik ang buhay ko dito at mukha namang mababait ang mga estudyante, yung iba nginingitian ako pag dumadaan sa harap ko sana magtuloy tuloy na toh.
Habang wala pa ang aming prof na isipan kong mag-drawing na lang muna pero nagulat ako nang paglabas ko ng sketchbook ko ay nakatingin sakin yung dalawang babae na nasa harapan ko.
"Hello!" sabi nya sa akin sabay lahad ng kamay sa harapan ko. "Maxine nga pala"
" Zhariya Schizane" sabi ko at inabot ang kamay nyang nakalahad "Chichi for short."
Maxine was pretty, from her looks I must say she's doing modeling. She has this long curly hair, fair skin, pointed nose and big eyes that really suits her.
"Ah Chichi, sya naman si Alexa" she introduced me to the girl beside her. She looks totally different from Maxine. Alexa has short almond colored hair, chubby rosy cheeks, white skin, small fox eyes and not so tall height. She looks like some sort of korean or chinese.
"Nice to meet you!" sabi ni Alexa at nginitian ako
Pagkatapos namin magkakilalahan ay nagpatuloy ako sa dapat kong gawin, ang pagdadrawing. Pero dahil sa wala akong maisip na idrawing na isipan kong idrawing itong katabi kong lalaki. I can't totally see his face because of his hair that blocks it.
Nasa kalagitnaan ako nang pagtitig sa kanya nang magising sya.
"What are you doing?" medyo masungit na tanong nya sa akin. Nagulat ako at napatingin sa kanya. Doon ko nakita ang kabuuhan ng mukha nya, at napanganga ako. Tatay ba nito si Aphrodite? Matangos at perpektong hulma ng ilong, perfect jaw line, mapula ang labi, at nag-gagandahang ang mga mata. Maputi din siya at mala-porselana ang balat. Medyo mahaba ang buhok nya na bumagay naman sa kaniya.
"A-ah nothing" utal ko pang sabi. What the heck??
Humarap ako agad sa desk ko at pinagpatuloy ang ginagawa ko sa sobrang hiya. Maya maya pa ay dumating na ang aming professor kaya tinago ko agad yung ginagawa ko.
"Good morning everyone!" nakangiting bati sa amin ng aming prof.
"Good morning ma'am!" sabay sabay naming bati.
Nagsimula na kami magpakilala at nang makarating sa akin ay sobrang kaba ko dahil nakatingin sa akin lahat ng kaklase ko.
"Good morning everyone! My name is Zhariya Schizane Villafuerte, nice to meet you all!" uupo na sana ako nang biglang nagtanong si Ma'am.
"Ms. Villafuerte, by any chance. Are you familiar with Mr. Valkemier Villafuerte?" Sino yun?
"No ma'am"
"Oh I see, you may sit down. Thank you"
Sabi niya at bumaling sa katabi ko. Pag-tingin ko ay natutulog siya!.
"Mrs. Villafuerte, kindly wake up the guy beside you."
Bumaling ako sa katabi ko at dahan-dahan siyang niyugyog. "Hey wake up." maya maya ay bumangon sya na pumupungay pa ang mata. "Introduce yourself daw sabi ni ma'am."
"Good afternoon, Luke Aster Veria." wala sa mood nyang pagpapakilala. "Sorry ma'am, 'di ko namalayang nakatulog ako." dagdag nya pa at bagot na ibinagsak ang katawan sa upuan. Pagkaupong pagkaupo nya ay sinamahan nya ako ng tingin at yumuko ulit sa desk nya.
Lumipas ang ilang oras at breaktime na namin dahil nga bago lang ako dito napagdesisyonan ni Maxine at Alexa na samahan ako sa cafeteria at ilibot ako sa school ng panandalian.
Habang naglalakad hindi ko maiwasang mapatingin kay Aster na syang nakaupo sa ilalim ng puno sa open field.
"Uy Chichi nakikinig ka ba?" kalabit sa akin ni Alexa na nag pabalik sa akin sa wastong wisyo.
"A-ah oo!"
Sabi ko at sumunod ulit sa kanila.
"Ito naman yung library." turo ni Maxine sa bandang kanan namin
Sa paglilibot namin, andaming lugar ang napuntahan namin hanggang sa nakaabot na kami ng cafeteria at kumain.
Pagkatapos kumain ay iinom na sana ako ng gamot kaso lang nakalimutan ko sa classroom kagaya agad akong tumakbo pabalik dun para mainom ko agad ang gamot ko.
Pero hindi pa ako makakarating sa room ay may nabangga akong isang babae kaya natapon ang juice sa damit nya.
"What the fuck!!! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" mataray na tanong niya sa'kin
"Sorry, nagmamadali kasi ako eh."
Tatakbo na sana ako ng may biglang humawak sa buhok ko at hinila ito. Pagkaharap na pagkaharap ko ay siya namang pagkatumba ko nang may biglang sumampal sa akin.
"New student right?" Tinanguan ko lang siya
"For your information, I am the respectable queen bee of this school so mind your words and respect-" 'di ko na pinatapos ang sinasabi nya at tumakbo na'ko dahil masyado nang masakit yung dibdib ko.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom ay agad kong hinanap ang gamot ko pero dahil nanlalabo na ang mata ko at hindi na ako makahinga kaya bigla na lang ako natumba at bago ako mawalan ng malay ay may nakita akong lalaking pumasok at duon na ako nawalan ng malay.

BINABASA MO ANG
Game Of Destiny
RomanceIf ever we fall in love again, let's never tell the world. The worls tends ruin beautiful things, so let it be our little secret. (On-Going) @McSicphoria @All Rights Reserved. Since 2020 Photo is not mine, credits to the rightful owner.