Nagulat ako ng may biglang nagsalita mula sa kung saan kaya agad akong napaharap.
"Bakit ka nandito?" bungad na tanong sa akin ng nakasimangot na Luke .
"Ano bang pake mo?!" sabi ko at tumingin sa may kawalan habang umiinom ng gatas .
"Kinakausap kita diba?" pasigaw niyang sabi atsaka tinabig ang gatas na iniinom ko at nahulog sa lupa
Agad akong nag tatakbo sa kung saan hanggang sa hindi ko namalayan na nakaabot ng field at duon unti unting nanlalabo ang mata ko at kasunod non ay ang pag tumba ko na sa lupa.
Pagkagising ko nakahiga na ako sa kama at nakita ko ang "HIGHEST SIX" at ang dalawa kong kaibigan na nakapalibot sa akin.
Teka patay na ba ako?!OMG!!!!!!
Maya maya ay may ibinulong si Keith dun sa anim at umalis silang pito iniwan nila kaming dalawa ni Luke .
"Uy sorry nga pala kanina, napagbuntunan kita ng galit ko" he said in a serious tone, I can see the sadness from his eyes.
I tapped his shoulders to comfort him " Alam mo, may mga bagay na dapat sinasabi sa iba para mapanatag ka. Hindi kailangang sarilihin mo lahat kasi may mga kaibigan ka" napatingin sya sa'kin at yumuko ulit.
Maya maya ay naramdaman kong parang umiiyak sya.
"Umiiyak ka ba ?"tanong ko sa kanya at kunwaring sinisilip ang mukha nya.
"Hindi ah" pagtanggi nya at tumingin sa akin ng nakangiti.
Bigla na lang akong napangiti sa kanya at niyakap sya.
"Alam mo mas bagay sayong nakangiti kaysa nakasimangot" sabi ko sa na siya namang nagpangiti sa kanya. Mukha syang tanga ngumiti.
Lumabas na kami pagkatapos namin magkaayos magkaayos at sumalubong naman sa amin ang mga kaibigan namingv nakangiti na para banag nangaasar
"Kita na lang tayo mamaya sa may park" sabi nya atsaka nauna na pumasok sa classroom
Sa wakas uwian na at nag pasundo ako kay mang Isko. Pagdating sa bahay kumain muna ako at saka nagbihis. Im wearing a yellow oversized tee and white shorts, I partnered it with white sneakers.
Nagtaxi na lang ako papunta sa Park at agad ko naman nakita si Luke na Nakasuot ng black t-shirt and white pants.
Agad ko syang nilapitan at saka kinalabit .
"Andyan ka na pala, dun na lang tayo umupo" hila nya sa kamay ko atsaka tumakbo papunta duon as pwesto na itinuro nya .
Pagdating duon, agad naming inayos ang mga kakailanganin namin atsaka sinimulan na ang dapat naming gawin.Nang makaramdam ako ng gutom nagpaalam muna ako sandali na bibili ng pagkain.
Naghanap ako ng pwede naming kainin at sa wakas may nahanap akong tindahan ng burger. Nang makabili ako ay bumili na din ako ng lemonade sa katabing tindahan, Pagkatapos ay bumalik na ako sa pwesto namen at nilagay ko sa lamesa ang binili ko.
"Andami mo namang binili" sabi nya pero nanatiling nakatuon pa rin sya sa ginagawa nya.
"Tse! kumain ka na lang" sabi ko inabutan sya ng dalawang pirasong burger at lemonade.
Naubos nya na ang isa nyang burger at ako ubos ko na ang dalawa ko .
"Schizane, pakibukas nga nung burger" sabi nya nag di ako nililingon
Pagkabukas ko ay kinagatan ko ito at saka ko iniabot sa kanya pero ngumanga lang sya sa akin at nagpasubo, nang ilalapit ko na ang burger sa bunganga nya ay bigla syang napalingon dito at saka tumingin sa akin pagkatapos ay tumawa.
"tch! takaw talaga" sabi nya atsaka kinuha ang burger sa kamay ko at kinain ito.
Nang matapos kami kumain ipinagpatuloy namen ang aming gawain at nang matapos iyon ay nag prisinta siyang ihatid na ako sa bahay.Habang naglalakad kami papuntang parking area ay bumili ako ng ice cream na favorite ko.
"Takaw talaga" sabi nya at nagpauna na maglakad .
Habang naglalakad ay bigla akong hinigit ni Luke dahilan para malaglag ang kinakain ko at dinala nya ako sa may gilid sa likod ng puno at nang akmang magsasalita na ako ay tinakpan niya ang bibig ko.
"Shh...wag ka maingay sinusundan nila tayo" sabi nya at muling sumilip duon sa puno
"Sinong sila?"sabi ko at muli nya nanamang tinakpan ang bibig ko.
Sinilip ko kung sino yung mga sumusunod sa amin at nakita ko yung mga lalaking humarang sa akin nung isang araw. Nakita ko si Luke na parang may kausap sa telepono at nang mapansing wala na yung mga humahabol sa amin agad akong hinatak ni Luke at papunta sa kung saan.
Nang makarating kami sa parking lot ay agad naming hinanap ang sasakyan ni Luke at sumakay duon. Nagtaka ako na dumiretso kami sa mall at pagpasok namin duon,11., 3 agad kaming dumiretso sa tindahan ng mga damit.
Iniwan muna ako ni luke at dumiretso sya sa women's wear at nang makakuha ng damit duon aya sinabi nyang sukatin ko iyon saka naman ako dumiretso sa fitting room. Nang buksan ko ang kurtina sa fitting room ay nakita ko dun si luke na nakasandal sa pader at nag iba na ang damit nya, ngayon nakasuot na sya ng black slacks at white polo at ang suot ko naman ngayon ay white off-shoulder dress.
"Nice bagay sayo" sabi nya at inabutan ako ng upuan at pinaupo ako duon
Nagulat ako ng may biglang dumating na isang babae at may dalang puting box at iniabot ito kay Luke, Pag-alis nang babae ay pinaupo ako ni Luke sa upuan at isinuot sa akin ang puting high heels na nasa loob ng kahon.
"Perfect "sabi nya at pumalakpak.
Anong trip neto??
"Teka para saan toh?"tanong ko
"Disguise" sabi nya at kumindat.
Pinaligpit niya ang damit naming dalawa at ipinalagay sa isang lalagyan saka binayaran ang mga suot namin. Pagkatapos namin mag 'Disguise' ay pumunta kami sa isang mamahaling restaurant at kumain dun. Nagulat ako ng biglang dumating yung limang kaibigan nitong tukmol na 'toh at saka sinamahan kami kumain.
"Ayos datingan natin pre ah" pang aasar ni Josh kay Luke.
Dumaan kami sa Ice Cream parlor para daw pambawi sa ice cream ko kuno.
BINABASA MO ANG
Game Of Destiny
RomanceIf ever we fall in love again, let's never tell the world. The worls tends ruin beautiful things, so let it be our little secret. (On-Going) @McSicphoria @All Rights Reserved. Since 2020 Photo is not mine, credits to the rightful owner.