Chapter 12

37 5 3
                                    

Chichi's PoV

Unti-unti kong iminulat ang aking mata at bumungad sa akin ang isang puting kwarto at ang aking mga kaibigan pati na rin si mommy..

"nasaan ako?" naguguluhan kong tanong

Kinwento nila ang nangyari sakin at ang ginawa kong pagtatanggol kay Luke...

Pero napansin ko na wala sya at agad ko naman tinanong sa kanila ang sagot kung nasaan sya at ang tanging sagot lang nila sa akin ay umalis daw.

.........

Ilang araw na din ang lumipas simula nang makalabas ako sa hospital at ilang araw na din namin hindi mahagilap si Luke. At sa ilang araw na yon ay matiwasay naman ang pakikisalamuha ng mga schoolmate ko sa'kin dito sa school.

Simula noong makalabas ako ng hospital araw araw ako pumupunta sa bahay nila para tanungin kung nakauwi na ba sya pero walang ibang sinasabi sakin ang mga ang maids kundi hindi pa daw at nakikipagtulungan na ang mga pulis sa kanila para mahanap si Aster.

"Huy sis nakikinig kaba?" Sabi sa akin ni Alexa habang kumakaway sa harapan ko "Kanina ka pa tulala dyan eh."

" ah oo, may iniisip lang" palusot ko

" Sus ang sabihin mo namimiss mo lang si Aster" singit ni Josh at tinukso nanaman nila ako

Ganyan sila lagi sa akin pag nakikita nila akong nakatulala pero di ko makakaila na tama sila... saan ba kasi nagpupunta ang kumag na yun?.

Palabas na ako ng gate nang may makita akong isang pamilyar na lalaki na nakatayo sa poste at nakatingin sa akin.

Nang akmang lalapitan ko sya ay tumakbo sya pero dahil pamilyar nga sya at sa kagustuhan kong malaman kung sino ang lalaking yun ay hinabol ko sya. Lumiko sya sa isang kanto at nang lumiko na den ako dun ay di ko na sya nakita.

Akmang babalik na ako nang may humawak sa kamay ko at hinila ako sa isang itim na sasakyan.

Sya yung hinahabol ko kanina!

Maya maya pa ay pinaandar nya ang sasakyan at tinanggal ang kanyang shades at sumbrero at laking gulat ko nang makita ko kung sino ito.... si LUKE!!!!

Walang lumabas na kahit anong tunog sa bibig ko simula nang umandar ang sasakyan. Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang park. Pinatay nya ang makina ng sasakyan atsaka naglakad papunta sa may swing atsaka sya naupo.

Pagkalabas ko ng sasakyan ay nakita ko syang nakayuko habang dinuduyan ang swing. Nilapitan ko sya at sumakay ako sa kabilang swing at dinuyan ito.

"Ang daya mo" sabi ko habang pinipigilan ang pagbagsak ng mga luha ko

Tumingin lang sya sakin at walang kibo.

"Bakit ka umalis? Bakit hindi ka man lang nagparamdam?" Tanong ko kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.

"Kasi natatakot ako" malamig nyang tugon

Bigla akong napalingon sa kanya...hindi ko inaasahang sasabihin nya yun

"Natatakot ako na maulit yun sayo nang dahil sa akin" bakas sa mukha nya ang lungkot

Nanatili kaming tahimik hanggang sa malapit na magdilim.

"Halika na may pupuntahan pa tayo" sabi nya at unti unting naglakad pero nanatili parin ako sa aking kinauupuan.

Ilang minuto ang nakalipas ay di pa din ako tumayo sa kinauupuan ko hanggang sa hawakan nya ang kamay ko at hinila ako papuntang sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon dahil hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Tatawagan ko sana si mommy ng bigla siyang magsalita.

"Wag mo ng tawagan si tita, naipaalam na kita" sabi nya pa at hinawakan ang kamay ko.

"Teka saan ba talaga tayo pupunta?"

Di sya muli nagsalita at deretso lang ang tingin nya sa daan. Nanatili akong nakatitig sa kanya at nuon ko lang napansin na may mga luha na pumapatak mula sa mata nya kaya naghanap ako ng panyo sa bag ko at pinunasan yun napatingin pa sya sakin pero saglit lang iyon at bumalik na ang tingin nya sa daan.

Dumaan muna kami sa isang fast food chain at kumain duon saglit.

"Aster, Thank you" sabi ko at sumubo ulit ng pagkain.

"For what?" Sabi nya nang hindi tumitingin sakin.

"For this, for giving me a chance to see you again...all of this time simula nang makalabas ako sa hospital akala ko di na kita makikita eh"

"No. Ako ang dapat magpasalamat sayo. Thank you dahil pagbalik ko andyan ka pa din"

Pagkatapos nun ay wala nang lumabas na salita sa aming mga bibig hanggang sa matapos kami at dumiretso na sa sasakyan. Pagpasok namin sa sasakyan nya ay inabot nya sa akin ang isang grey na unan at isang kumot.

"Oh, baka inaantok ka umidlip ka na muna gigisingin na lang kita pag-nakarating na tayo don"

Gaya nang sinabi nya ay naidlip na ako at fumaan ang ilang oras ay nagising ako sa boses nya.

"Chi....gising na andito na tayo" sabi nya at napatingin ako sa bintana nasa tapat kami nang isang sementeryo.

Lumabas na kami sa sasakyan at isinuot nya sakin ang jacket nya dahil medyo lumalamig at dumiretso kami sa isang puntod.

Gina Antonette Veria.....

Teka mama nya ito ah, bigla akong napalingon sa kanya at bakas ang lungkot sa mukha nya.

"Hi ma! Kamusta ka na dyan?" Sabi nya habang pinipigilan ang mga luha nya.

Nilapitan ko sya at tumabi ako sa tabi nya at isinandal ko ang ulo nya sa balikat ko.

"Ma si Chichi nga pala....naaalala mo pa ba sya ma?....yung bestfriend ko dati nung maliit pa ako, ma eto na sya ma maliit pa den" sabi nya at tumawa ng mapait.

"Hi tita, kamusta ka na dyan tita? Tita alam nyo ba itong anak nyo pasaway hindi man lang nagpakita sa akin ng ilang araw, nagdadrama ata tita HAHAHAH " biro ko para kahit papano mapagaan ko ang loob nya

Ilang oras den kami nagtagal duon at naintindihan ko na bakit sya hindi nagpakita sa amin. Nang makabalik kami sa sasakyan ay pinaandar nya na ito .

"Sorry hindi ko nasabi sayo" sabi nya pero nakatuon pa rin sya sa daan

"Okay lang ano ka ba...Just don't keep everything from me and your friends , Were always here to comfort you"

"I promise you that I will never leave you again" sabi nya at maya maya ay nakauwi na kami at nagpaalam na sya sa akin.

Game Of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon