Habang nagaantay bahagyang napalingon ako kay Luke nang magising sya at uminda ng sakit.
"Nasaan ako? Bakit ako nandito?"tanong nya habang nakahawak sa ulo nya.
"Nasa clinic ka. Nakita ka naming nakahandusay kanina, kaya dinala ka namin dito. Teka ano bang nangyari ha at nakalumpasay ka dun kanina habang duguan?"
Luke's POV
Andito ako ngayon sa clinic kasama si --teka sino nga ba toh?ah basta classmate ko sya .
Tarantadong yun porket magisa lang ako gumawa sila ng paraan para gantihan ako, isa pa yung Samantha na yun ginamit lang pala ako ,tsk!
*Flasback*
Naglalakad ako ngayon papuntang school dahil day-off ng driver namin at walang maghahatid sa'kin.
Kanina ko pa napapansin na may sumusunod sa akin kaya binilisan ko ang lakad ko at pagdating sa school ay tumakbo na ako laking gulat ko ng may tatlong lalaking humarang sa daanan ko.Tatakbo sana ako sa likuran pero may humarang den sa akin sa likod at ngayon napapalibutan na nila ako.
Bigla na lang may sumipa sa akin pero nahawakan ko ang paa nya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na tadyakan sya.
Ngayon andami na nila at ako lang mag-isa pagod na ako pero andami pa nila ,tsk bahala na.Nang matumba ako bigla na lang may humawak sa dalawa kong braso at dahil sa sobrang pagod hindi na ako nakapalag pa sa kanila.
"Well ,humihina ka na ba at naisahan ka ng mga tauhan ko?" Isang pamilyar na boses ng isa sa mga kaaway ko .
Lumapit sya sa akin at bigla nya akong sinipa sa sikmura dahilan para mapayuko ako. Ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko.
"Tsk, ganyan ka ba kaduwag kaya gumanti ka ng magisa lang ako?!" sigaw ko sa kanya at sinampal nya ako
"Boys kayo na bahala sa kanya, halika na babe." nagulat ako ng makita ang babaeng tinawag niyang babe. SI SAMANTHA!
"Walang hiya ka Samantha ginamit mo lang ako! "sigaw ko sa kanya pero tinalikuran nya lang ako at umalis na sila ng tarantadong Lexus na 'yon.
Pagkaalis nila ay saka naman ako binugbog ng mga tauhan nya hanggang sa nawalan na ako ng malay.
*End of Flasback*
"Hay nako sa susunod kase mag-ingat ka para di ka napapahamak!" sermon nya habang ginagamot ang sugat ko sa labi.
"Tsk! "yun na lang ang tanging nasabi ko
Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa babaeng toh hindi ko inakalang ganto pala kaganda 'toh.
Nang matapos nya gamutin ang sugat ko ay sakto namang dumating ang nurse at binigyan ako ng gate pass para pwede na akong makauwi at magpahinga, pero hindi ko tinanggap dahil wala lang naman sa akin 'tong mga sugat na 'toh. Kung andito lang kase yung limang kumag sana hindi ako nagkaganito.
Teka bukas na pala sila babalik, sa wakas babawi ako sayong hayop ka!
Pinayagan na kami bumalik ng nurse at eto ako ngayon inaalalayan ni Chichi yun na lang itatawag ko sa kanya tutal yun naman ang tawag sa kanya nila Alexa.
"Uy Luke thank you pala dun sa binigay mo ah ang ganda."sabi nya sa akin habang nakangiti.
Hindi ko sya sinagot at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Chichi's POV
Parang nagsisi ako sa pagpresinta ko kanina ang bigat pala nitong lalaking ito jusmiyo parang mababali buto ko sa kanya.
Habang naglalakad kami sari-saring mga bulungan ang naririnig ko.
*uy pre ,kawawa naman si Aster
*oo nga pre
*girls kawawa naman si papa Aster huhuhu
*bagay lang sa kanya yan mayabang kasi!
Nang makarating sa classroom ay unti lang ang tao duon siguro dahil wala namang teacher at nagkanya-kanya silang labas.Agad kong pinaupo si Luke sa upuan nya . Tinupi ko ang dala kong jacket at inilagay sa lamesa nya para magsilbing unan nya sakali mang matulog sya.
Nang maayos ko na ang lahat sakto naman ang pagpasok ni Alexa at Maxine.
"Chichi ano kamusta, okay ka lang ba?" tanong ni Maxine
"Hindi ka ba hinihingal o sumasakit yang dibdib mo? baka mamaya atakihin ka nanaman nyan." sabi naman ni Alexa
Oo nga pala nasabi ko na sa kanila yung tungkol sa sakit ko sa puso. Dumaan ang ilang oras at uwian na ngayon kasabay namin si Luke na umuwi dahil baka balikan nanaman sya ng mga bumugbog sa kanya kanina.
Pagdating sa gate nagpaalam na ang dalawa at sakto andyan na ang sundo ko.
"Teka sino kasabay mo umuwi?" tanong ko kay Luke.
"Wala, day-off kase ng driver kaya walang maghahatid sa akin." sagot nya
"Sabay ka na samin hatid ka na namin sa inyo" wala na syang ibang nagawa kundi ang sumama sa akin at sumakay sa kotse.
Paghatid namin sa kanya napanganga na lang ako sa laki na ng bahay nila o mas tama atang sabihin na mansyon grabe sobrang laki nito. Inalok nya pa akong pumasok pero tumanggi na ako dahil baka hanapin na ako ni mommy.
Pagdating sa bahay ay pinuntahan ko si mama sa office nya dahil pinapatawag nya daw ako
"Honey kamusta ka naman ?yung studies mo kamusta?"
"Okey lang naman ako mom"sabi ko sa kanya
"Yung palagi kong sina--"di ko na sya pinatapos sa pagsasalita at sumagot na ako
"Mom I know, okay?, 'di na ako bata for god's sake" sagot ko sa kanya at isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ko .
"Kailan ka pa natutong sumagot ha?! hindi kita pinalaking ganyan!" sigaw ni mommy .
Papatakbo akong lumabas ng office nya at dumiretso na ako sa kwarto. Naririnig ko pa ang ang pagtawag nya sa pangalan ko pero hindi ko na ito pinansin.
Pagpasok ko sa kwarto nahiga ako agad sa kama at umiyak hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Namumula pa ang mata ko pagkagising ko dahil sa sobrang pag-iyak ko kagabi . Pagkatapos ko maligo at magbihis ay bumaba na ako, nakita ko si mom na nasa hapagkainan naisipan ko sa labas na lang kumain .
"Alis na po ako sa labas na lang ako kakain" sabi ko at wala ng atubiling lumabas.
Naisipan kong mag-commute na lang papasok sa school pero nasa daan pa lang ako ng may humarang na mga lalaki sa harap ko. Tatakbo na sana ako pero hindi ko alam na may tao din pala sa likod ko .
"Sino kayo? Anong kailangan nyo sa akin?"
hinila nila ako sa isang eskinita at lalapitan na sana ako ng isang lalaki bigla itong matumba matapos tamaan ng bote sa ulo na nanggaling sa kung saan.

BINABASA MO ANG
Game Of Destiny
RomanceIf ever we fall in love again, let's never tell the world. The worls tends ruin beautiful things, so let it be our little secret. (On-Going) @McSicphoria @All Rights Reserved. Since 2020 Photo is not mine, credits to the rightful owner.