Chapter 2

75 20 0
                                    

Nagising ako sa isang malawak na kwarto, at habang nililibot ko ang aking paningin ay nakita ko si Aster na nakatayo sa may pintuan. Akmang tatayo na sana ako sa aking hinihigaan ng biglang tumakbo si Aster sa harapan ko.

"Hoy babae! sabi ng nurse hindi ka pa daw muna tumayo at umalis dahil may ibibilin pa daw sayo yung nurse" singhal nya.

"A-ah ganun ba? sge." inayos ko ang unan ko at sinandal ang katawan duon

Umupo siya sa upuan sa tabi ng. kama ko at isinandal din ang katawan duon. Walang nag-salita ni isa sa'min.

" Nga pala sino nagdala sa akin dito?" pagbasag ko sa katahimikan.

"Ako." maikling tugon nya. "Nag-paiwan ako sa klase kanina, at nagulat ako pumasok ka sa loob ng room hingal na hingal. 'Di kita pinansin pero narinig kong may bumagsak, pagtingin ko sayo nakahandusay ka na sa lapag" wala pa ding emosyong sagot nya. "Ano bang nangyari?"

"Tumakbo kasi ako papunta ng room dahil naiwan ko yung meds ko, eh sakto namang may nakabunggo akong babae. Nagalit sya sakin, tapos sinabunutan ako at sinampal. Tama ba yon? Ni hindi nga kami magkakilala atsaka nag-sorry naman ako sa kanya ang dami pang tinalak" inis kong sabi.

"Tss, Samantha"

Napalingon ako sa kanya "Kilala mo yun?"

"Of course, she's my girlfriend" tumawa sya ng mahina. "Funny right? Girlfriend ko ang umaway sayo pero tinulungan kita.. Bakit nga ba?" nangaasaw ba 'to?

Tama ba yung pagkakarinig ko? girlfriend nya yung bruhang yun???

"Teka girlfriend mo yun?"

"Oo nga "

'di na ako magtataka magjowa nga kayo magkaparehong-magkapareho ng ugali.

"By the way ,thank you for bringing me here."

"Marunong ka den pala magpasalamat dami pa sinabi" pagsungit nya

Sungit! bagay na bagay talaga kayo ng jowa mo.Lumabas muna si Luke sandali at sumunod naman pumasok yung nurse

"Ms.Villafuerte make sure to take your meds and don't forget to bring your Inhaler with you everyday, okay?."

"Okay po nurse, salamat"

After namin mag usap nang nurse, ay pinabaalik niya na kami sa classroom. Nakita ko naman si Luke na naka upo sa may bench sa labas ng clinic kaya tinawag ko sya para bumalik na.

"Luke tara balik na class!" sigaw ko atsaka ako naglakad palayo pero nang maramdaman ko na walang tao sa likod ko agad akong lumingon at ayun si Luke nakaupo at nakayuko pa den siguro nakatulog, agad akong lumapit sa kanya.

Bakit kaya ang hilig matulog nito? lagi bang puyat toh? matanong nga mamaya .

He looks like an angel that came down from heaven when he's sleeping, kabaligtaran nga lang pag-gising. Gwapo na sya nung unang kita ko pa lang sa kaniya, pero mas lalo syang gumwapo sa malapitan. Kaya lang mukhang di marunong magsuklay dahil sa sobrnag gulo ng buhok. Napabalik ako sa wisyo nang narinig ko syang magsalita.

"Stop staring at me" he said in a low voice

"hindi naman kita tinitingan eh" sabi ko at lumayo sa kaniya

"TI-NI-TI-TI-GAN kase, tsk!" sabi nya saka umalis

Sumunod na lang din ako sa hiya. Pagbalik sa room sinalubong ako agad ni Alexa at Maxine na puno ng pag- aalala.

"Okay ka na ba?" agad na tanong sa akin ni Alexa

"okay na ako, wag kayong mag-alala." pag-upo namin sakto naman ang pagdating ni ma'am. Pagkalipas ng ilang oras ay nagring na ang bell hudyat na uwian na kaya inayos na namin ang aming gamit paglabas ng aming professor.

Palabas na ako ng classroom nang tawagin ako ni maxine.

"Uy, Chichi antayin mo kami sabay na tayo lumabas." sabi nya kaya hinintay ko silang dalawa ni Alexa at lumabas na ng classroom.

"Chichi baka gusto mo sumama sa amin pupunta kaming bookstore ngayon." aya ni Maxine

"Next time na lang siguro susunduin kase ako ni mom ngayon eh."

Sabi ko at sakto naman ang pagdating ng sasakyan ni mom sa tapat namin.

"Andyan na pala sundo ko, sige ba-bye kita na lang ulit tayo bukas, ingat!"

kumaway muna ako sa kanila at saka na pumasok sa sasakyan. Pagpasok ko ng sasakyan nakangiti sa akin si mommy ng tingnan ko sya.

"mukhang masaya ka sa bago mong school ah."

"oo nga po eh,ang babait ng mga estudyante sa school na toh" I said and let a fake smile.. yeah mababait

"By the way, what happened? I heard you've rushed to the clinic" may pag-aalala niya'ng tanong.

"Nakalimutan ko kase yung meds ko sa bag ko, hindi ko nadala nung pumunta kaming clinic eh kaya tumakbo ako papunta dun tas naligaw pa ako kaya napagod siguro ako. Nawalan ako ng malay pagdating sa room buti na nga lang may nakakita agad sa akin at nadala ako agad sa clinic " pagpapalusot ko kay mom.

"Oh sya sa susunod wag mo nang kalimutan yung meds mo ah buti na lang at may nakakita sayo dun" meron nga masungit naman

Naku! wag lang talaga malaman ni mom yung nangyari sa sakin kanina kung hindi yari nanaman ako kay mom at sa mga kuya ko, uuwi na naman yun para sermonan ako.

Pagdating sa bahay agad akong dumiretso sa kwarto at nahiga hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako pasado alas tres na ng hapon at bumaba na ako dahil sa gutom. Nasa hagdan pa lang ako amoy na amoy ko na ang cookies na bake ni yaya Linda kaya agad akong tumakbo pababa .

"Ang bango naman niyan yaya, nasaan po pala si mommy?" tanong ko at pumunta sa fridge

"May emergency meeting sya ija at baka gagabihin daw sya ng uwi kaya, magmeryenda ka muna at luto na ang mga cookies na ibinake ko ."

Kumuha ako ng gatas mula sa fridge at ng cookies atsaka umakyat sa kwarto at ipinagpatuloy ang pag dadrawing ko. Lumipas ang mga oras at napagod na ako kaya bumaba na ako at nag-hapunan atsaka bumalik muli sa kwarto.

Hanggang ngayon 'di ko pa rin makalimutan ang mukha ni Luke. He looks familiar pero 'di ko alam kung kailan at saan ko sya nakita.

KINABUKASAN

"Yaya nasaan po si mommy?"agad kong tanong kay yaya ng mapansing wala si mommy sa hapagkainan pagbaba ko.

"Maaga umalis ang mommy mo ija at si mang Isko na lang daw ang maghahatid sayo"

Matapos kumain ay nagpahatid na ako kay mang Isko sa school at bumili muna ng coffee sa malapit na cafe dito sa amin gusto ko kase sanang pasalamatan si Luke sa nangyari kahapon.

Pagababa ko palang sa sasakyan tanaw na tanaw ko na si Maxine at Alexa na kumakaway sa akin. Agad ko silang nilapitan kasunod nun ang pagyakap nila sa akin. Nakakatuwa at ngayon may kaibigan na ako sa school na toh.

"Schizane punta kayo mamaya ni Alexa sa cafe treat ko kayo birthday ko kasi ngayon." sabi ni Maxine.

"Sure!"Agad akong sumang-ayon dahil wala naman si Mommy ngayon. Pagdating namin sa room as usual si Luke nakayuko na naman at natutulog.

Game Of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon