Chapter 3

74 19 0
                                    

Ibinaba ko muna ang gamit ko atsaka ipinatong sa table ni Luke ang kapeng binili ko. Inilabas ko muli ang sketchpad ko at nagsimulang nagdrawing.

"Sa'yo ba galing 'toh?" lumingon ako kay Luke at hawak hawak nya ang kapeng binili ko.

"Oo pa-thank you dun sa ginawa mong pagdala sa akin sa clinic kahapon."

"I actually don't drink coffee, but thank you anyways" He sipped from the coffee and left a disgusting face

Dumating ang aming professor at binigyan kami ng activity. Partner ang kailangan at wala akong choice dahil kung sino ang katabi mo yun ang partner mo .Napagdesiyonan naming bukas na lang pagtapos na lang ng klase kami magkita .

Nang tumunog ang bell ay sabay sabay kaming bumaba nila Maxine at pumunta ng cafeteria at this time dinala ko na ang meds ko dahil baka mamaya makasalubong ko nanaman yung impaktang Samantha na yun.

Bumili ako ng sandwich at milk at ganun din kay Maxine at Alexa .Habang kumakain nagulat kami ng lumapit sa amin si Luke .

"Pwedeng maki-join?wala na kaseng vacant seat eh."

"Sure" maikli kong tugon at kumagat ng sandwich.

"Teka bakit hindi ka dun a girlfriend mo naki-upo?" tinuro ni maxine yung upuan nila Samantha kasama yung mga kaibigan nya.

"Tsk !ayoko dun ang ingay nila ng mga kaibigan nya, di ko nga alam bakit girlfriend ko yun" singhal nya at nagpatuloy lang sa pagkain.

Matapos kumain nagpasama muna ako sa CR at pagkatapos ay pumunta kami sa Library. Habang tumitingin ng libro ay akmang kukunin ko sana ang Ugly Love na libro pero bago ko pa ito makuha may nakakuha na dito.

Nang tignan ko kung sino ang nakakuha nito ay nakasimangot na mukha ni Luke ang bumungad sa akin. Akmang aalis na ako nang hawakan ni Luke ang braso ko.

"Oh eto na yung libro" lahad nya sa akin ng librong hawak nya

"Ah wag na nauna ka dyan eh, saka na lang ako pagkatapos mo."

Hinawakan nya ang kamay ko at pilit pinahawak sa akin ang libro.

"Dami pang arte ayan na yung libro bigay mo na lang sa akin pagkatapos mo baka sabihin mo napaka-Ungentleman ko " umalis na din siya.

"Thank you!!" pahabol ko habang kumakaway

Nang matapos ang klase ay tinawagan ko si mommy na pupunta muna kami sa cafe dahil nga birthday ni Maxine .Pagdating ko sa may cafe nakita ko duon si Luke na nagcecellphone at at nakasalampak ang headset sa tenga nya. Kasama nya ang imapaktang girlfriend nya at ang mga alagad nito.

Naupo na kami at nag-order, nag-paalam din ako na lalabas sandali para magtingin sa kabilang store ng pwedeng iregalo kay Maxine, sakto naman na lumabas din si Luke .

"Hoy babae!" tawag nya sa akin kaya lumingon ako kaagad.

"Bakit?!" iritang tanong ko.

"Wala ,saan ka pupunta?" tanong nya.

"Dyan lang" turo ko sa katabing store "Magtitingin lang"

"Pwede sumama?" medyo nahihiyang tanong nya pa.

Anong trip neto??

"Sge lang" sabi ko at pumasok na sa tindahan. Nanatili namang nakasunod lang sakin si Luke. Habang tumitingin ay napatingin ako sa isang gold hairpin na may diamond sa may may gitna at isinukat ito sa buhok ko. Agad akong tumingin kay Luke at tinanong ko kung bagay ba sa akin pero thumbs down lang ang sinagot nya sa akin kaya agad kong binaba ito at tumingin ng necklace na pwedeng iregalo kay Maxine at napili ko ang silver necklace na may red stone sa gitna at bumalik na sa cafe.

Pagpasok ko sa cafe agad kong inabot kay Maxine ang necklace na binili ko.

"Maxine gift ko oh, sorry kung ayan lang gift ko. 'Di ko naman alam na ngayon pala ang birthday mo. Sana nakabili ako ng gift."

"Uy ano ka ba okay lang, atsaka ang ganda kaya. Thank you ah! na-appreciate ko talaga" sabi nya at hinug pa 'ko.

Nang matapos ang celebration namin sa birthday ni Maxine ay umalis na kami agad pero nauna na silang dalawa umuwi dahil inaantay ko pa yung sundo ko. Habang nag-aantay ng sundo ay naisipan kong maupo na lang muna sa bench at maya maya may tumabi sa akin ng tingnan ko nakita ko na naman ang nakasimangot na mukha ni Luke.

"Bakit 'di ka pa umuuwi?" tanong niya sa akin habang nakatingin sa kawalan.

"Inaantay ko pa kasi yung sundo ko. Ikaw? Ba't 'di ka pa umuuwi?"

"Wala lang. Masyadong magulo sa bahay ayoko munang umuwi" bakas sa mga mata nya ang lungkot. "Oh"sabi nya sa akin sabay abot ng isang maliit na box .

"Ano yan?"nakakunot 'kong tanong

"Tignan mo na lang , suotin mo bagay sayo yan" sabi nya.

Hindi ko na ito nabuksan dahil dumating na din ang aking sundo kaya nilagay ko na ito sa bag. Pagdating sa aming bahay ay kumain muna ako saka umakyat sa kwarto. Naligo na'ko at kinuha ang libro sa bag para magbasa, pero nakita ko ang binigay ni Luke na box sa akin kaya kinuha ko ito at binuksan.

Ito yung hairclip na sinukat ko kanina ah?eka bakit niya kaya ito binigay sa akin?Nevermind bukas na lang ako magpapa-thank you.

Pagpasok ko sa school usually inaantay na naman ako nung dalawa kaya sabay kami ulit pumasok. Pero parang may pinagkakaguluhan sila ,anyare kaya?. Pumunta kaming tatlo dun at naki-usyoso pero laking gulat ko nang makita si Luke na bugbog ang mukha, buti na lang may dumating na Guard kaya agad nagsi-alisan ang mga nakikiusyoso .

"Sino ang kakilala nitong batang ito sa inyo?" tanong ng guard.

Walang sumagot kaya no choice akong nagtaas ng kamay nakakaawa naman kase sya kaya ayun sinamahan ko sya sa clinic.

"May alam ka ba sa nangyari?."tanong sa akin ng guard na nagdala kay luke dito sa clinic.

"Wala po, kararating ko lang po ng school nung nakita kong may pinagkakaguluhan kaya lumapit po kami. Sakto naman po'ng nakita ko siya dung nakabulagta at sugatan. Umalis na ang guard at iniwan kami ni Luke sa clinic. Nauna na din si Alexa at Maxine sa classroom at ipinaalam ang nangyari kaya pumayag ang prof namin na samahan ko muna sya dito sa clinic.

Nako naman.. Ilang araw pa lang ako dito sa school na 'toh, andami nang nangyari.

Game Of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon