Chichi's POV
I was busy doing my homework ng tawagan ako ni Keith na nasa hospital daw sila ngayon dahil may nangyari daw kay Luke. Habang nasa taxi di ko maiwasang mag-alala kay Aster...may part saken na gusto ko na sya agad makita at yakapin --
YAKAPIN???Wtf!!!
Mabilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan kaya pagbaba ng taxi ay agad akong pumunta sa Information Desk at tinanong ang receptionist kung may lalaki bang dinala dito na nagngangalang Luke Aster Veria.
"Room 205, Second Floor." sabi sa akin ng receptionist
Agad akong pumunta sa elevator pero sira ito kaya wala akong choice kundi ang gamitin ang hagdan, Hindi na ako makapaghintay na malaman ang lagay nya.
201...202...203...204... yun 205!.
Pagkabukas ko ay ang unang nakita ko ay ang lima na nakaharang sa hospital bed na hinihigaan ni Luke. Nakatunganga lang ako ng ilang minuto sa pintuan, Saka lang ako bumalik sa wastong wisyo nang lapitan ako Keith at nag-usap kami sa labas.
Ni hindi ko man lang nakita si Luke, tch.
"Anong nangyari?" nag-aalala kong tanong kay Keith.
"Kanina kase tinawagan kami ni Aster na may sumusunod sa kanya kaya pinuntahan namin sya, Nagkita kita kami sa mall at napag-desisyonan namin na mag-sleepover sa kanila kaso ayun nasundan kami at habang nakikipag-away nakita na lang namin syang nakahandusay. Sabi ng doctor malakas daw ang pagkakahampas sa ulo nya kaya mga baka matagalan pa daw bago sya magising" mahabang paliwanag ni Keith.
Pumasok na kami sa loob at nakita ko si Luke na nakahiga pa din at walang malay. Umalis muna yung lima para bumili ng pagkain at ako eto naiwan para bantayan sya. Psh sinabihan ko na kasi yung lalaki na 'to na wag na sasali sa mga ganyan.
Akmang tatayo na sana ako ng biglang may humigit sa kamay ko at si Luke yon, Nilagay nya yon sa dibdib nya saka pumikit ulit.
"Stay here" sabi nyang habang nananatiling nakapikit ang mga mata nya.
Nang higitin ko ang kamay ko sa kanya ay lalo nyang hinigpitan ang hawak don kaya wala na akong ibang nagawa kundi umupo sa tabi nya. Nang biglang bumukas ang pinto ay agad kong hinila ang kamay ko at tumayo na.
Lumipas ang ilang oras na kwentuhan hanggang sa inabot na kami ng dilim at pinayagan na umuwi si Luke.
Nasa labas kami ngayon at hinihintay ang driver nila Luke na siya daw magsusundo sa amin.
"Tinawagan ko si tita, Aster papunta na daw dito si kuya Cesar para sunduin tayo" sabi ni Josh.
"Magpapasundo na lang ako sa driver namin baka makaabala pa ako hehe." sabi ko at akmang kukunin na ang cellphone sa bag nang biglang hawakan ni Luke ang braso ko.
"Huwag mo na tawagan driver nyo kami na maghahatid sayo... ikaw uunahin naming hatid para masiguradong safe ka."
Di na ako nakipagtalo pa sa kanya dahil kukulitin na naman nya ako. Pagkadating na pagkadating ng driver ay agad nila akong hinatid sa bahay. Sakto naman at nasa labas si mommy at pinagalitan pa ako dahil bigla na lang daw akong umalis ng walang paalam.
"Nako kang bata ka, saan ka ba nagpupunta at ginabi ka na ng uw!i ni hindi ka pa nagpaalam sa akin o kay manang" sabi ni mommy habang naka pamewang.
"Sorry po, di na mauulit"sabi ko at yumuko pa
"Sorry po tita, tinawagan ko po kasi si Chichi na pumunta ng hospital eh... Di na po mauulit next time." sabi naman ni Keith.
Tita???
"Oh ikaw pala Keith kumusta?" tanong ni mommy kay Keith.
"Okay lang naman po tita"
"Teka magkakilala kayo?" nagtataka kong tanong.
"Oo naman eh kaibigan yan ng mga kuya mo eh" sabi ni mama
Kaibigan sila nila kuya?!pano?!
Pumasok kami sa bahay at nagkwentuhan na muna. Si Keith kaibigan nila kuya tas nakilala nila kuya yung apat dahil kay Keith...Siguro eto yung mga kaibigan nila kuya na kine kwento niya sa akin dati, psh.
"Taena kapatid ka pala ni boss " sabi ni Shawn habang natatawa. Napatingin naman sa kaniya yung lima.
Lumipas ang dalawang oras na puro kwentuhan tungkol kanila kuya hanggang sa nakapag desisyonan na nilang umuwi.
"Paalam na mga Ijo magiingat kayo" sabi ni mommy at kumaway sa kanila.
"Bye tita, bye Chi una na kami salamat po sa dinner" sabi ni Keith.
"Bye po!" paalam nila
Nang makapasok na sila ay dumiretso na ako sa kwarto para matulog. Kinabukasan maaga akong nagising dahil sa sobrang sakit ng ulo. Bumaba na ako matapos gawin ang aking morning routine at kumain.
"Namumutla ka Ija, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni manang.
"Okay lang po ako manang" sabi ko at nagpilit ng ngiti
Nagpahatid na ako sa school at laking gulat ko na lang na sa bawat lakad ko lahat ng nakakasalubong ko ay pinagbubulungan ako.
*Look guys here she is the freaking b**ch. *Ang kapal naman ng mukha nya na humarap sa atin pagkatapos landiin si papa Aster.
Di ko na sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Sa bawat hakbang ng paa ko para akong sinasaksak ng kutsilyo dahil sa matatalim na tingin sa akin ng mga tao.
Pagkapasok ko ng room ay matatalim na tingin ang sinalubong sa akin ng mga kaklase ko.
"Uy chi tignan mo toh" sabi ni maxine pagkaupo na pagkaupo ko.
Litrato yon naming dalawa ni Luke na nasa hospital, Si Luke ay nasa hospital bed habang ako naman ay nakaupo sa tabi nya at hawak nya ang kamay ko na nakapatong sa dibdib nya.
NAKAKAHIYA!!!
Wtf?? Pano nangyari yun? Eh wala naman kaming kasama bukod sa sa aming pito. Dumating si sila Alexa pero medyo late na.
(A/N: Ang titang binanggit ni Josh dito ay ang stepmother ni Aster)

BINABASA MO ANG
Game Of Destiny
RomanceIf ever we fall in love again, let's never tell the world. The worls tends ruin beautiful things, so let it be our little secret. (On-Going) @McSicphoria @All Rights Reserved. Since 2020 Photo is not mine, credits to the rightful owner.