"Mga gago! Bitawan niyo 'yang isang yan!!" sigaw ng kung sino at napalingon kami kung saan nanggaling ang boses
May anim na lalaki na nakatayo dun isa sa kanila ay si Luke ...haysst masermonan nga 'to mamaya pag may nangyari talaga sa kanya .Sinugod ng mga lalaki yung anim, pero napatumba agad silang lahat balak pa sana akong itakas netong tatlong may hawak sa akin pero naharangan agad sila ni Luke at nang isa pa nitong kasama.
"Mga gunggong! Iisa lang 'to tas susugudin nyo ng grupo? Mga tanga!" sigaw ng isa sa kasama nila.
Sinugod nitong tatlong may hawak sa akin yung dalawa pero saglit lang at napatumba na nila yung tatlo at yun tumba lahat! .
"Hoy babae! okay ka lang?"tanong sa akin ni Luke
"Oo tsaka diba sinabihan na kita na wag ka na uulit pa sa mga ganito 'di ba? ang bigat mo kaya! eh kung may nangyari sayo eh di ako na naman magpapakahirap umalalay sayo! tse! ang bigat mo kaya!" sigaw ko sa kanya. psh
"Hoy babae! imbis na magpasalamat ka nanermon ka pa!" sigaw nya pabalik sa'kin.
Magsasalita na sana ako nang may biglang magsalita.
"Ang sweet nyo naman "sabi nung isang lalaking may bandana sa ulo.
"TSE!" sabay naming sigaw ni Luke
Humarap kami sa isa't isa at nagsamaan ng tingin
"HOY WAG MO KONG GINAGAYA!"sabay naming sabi at nagsamaan ulit ng tingin
"ANONG AKO IKA--"di na namen natapos pareho ng may pumunta sa pagitan naming dalawa at tinakpan yung mga bibig namen.
"Tumigil na kayo para kayong mga bata! Isa pang beses na magaway kayong dalawa pagbubuhulin ko kayo." sigaw sa'min nitong lalaking 'di ko naman kilala.Tinignan ko muna ng masama si Luke at ganoon din sya sa akin.
"Sge wag kayo tumigil dalawa yari talaga kayo sa akin."
Napadaan kami sa isang cafe kaya naisipan 'kong magpaiwan na lang muna para mag-breakfast.
"A-ah mauna na kayo, dadaan lang muna ako sa cafe" sabi ko at napalingo naman sila.
"Sama na kami sayo tutal maaga pa naman eh atska mamaya baka harangin ka ulit." sabi ng isa sa mga kasama ni luke, mukha sya'ng mas bata samin.
"Hayaan nyo syang maharang dyan, bagay lang yan sa kanya 'di marunong magpasalamat."
"Isa Aster tumigil ka ha tatamaan ka sa akin" banta nitong mukhang mas matanda naman samin.
Pumasok na kami sa cafe at ngayon kami pa lang ang tao dahil maaga pa naman .
Lumapit sa amin ang waitress at kinuha ang order namen. Pagkatapos mag-order naramdaman ko na sumisikip nang kaunti ang dibdib ko at hindi ako makahinga . Nagdaldalan silang anim pero ako nanatiling tahimik lang. Pagdating ng order namin ay kumain agad ako at sila naman ay isa isang nagpakilala
"By the way ako nga pala si Keith ito naman si Axel, Shawn, Jay, Josh" sabi nung mukhang pinakamatanda samin. Sya din yung umawat sa'min ni Luke.
"Schizane ,Chichifor short ....Thank you pala dun sa kanina ah treat ko na 'toh sa inyo pambawi lang dun sa ginawa nyo."
"Hindi na kailangan, atsaka kahit sino naman ganun din gagawin naming kung sakali"
"Sa kanila nag-pasalamat ka pero sa akin hindi" sabi ni Luke tsaka tumingin sa may bintana.
"Tampo yarn?" sabat ni Axel
Hinila ko sya at pinaharap sa akin tinignan ko muna sya sa dalawang mata atsaka ako nagsalita.
"Thank you po, Mr.Luke ."at pinikit-pikit ko yung mata ko na parang nagpapacute .
"Yuck! ampanget mo, umalis ka nga dyan sa harapan ko tsk!" tinabig nya yung mukha ko at uminom ng gatas.
"Sus, kaya pala namumula ka dyan" pang-aasar ko sa kanya pero parang wala lang syang narinig.
Pagkatapos namin kumain ay nagbayad na ako at dumiretso na kami sa may school.
Nasa gate pa lang kami andami ng tao at parang may inaabangang artista.
*OMG girls andyan na yun anim!!!
*Teka sino yung kasama nilang girl?
*Oh my god diba sya yung transfer?
*Ang landi nya naman.
Bulung-bulungan na naman pero ngayon ako na ang issue nila.
Nang makita ko ang dalawa ay agad akong nagpaalam sa kanila at lumapit kay Alexa at Maxine.
"Tama ba yung nakikita ko kasama mo yung HIGHER SIX ?"
HIGHER SIX? Anong kabaduyan yun?
"HIGHER SIX ? teka ayung anim na kasama ko?"
"oo girl hindi mo ba alam na sila ang anim na pinakamataas, pinakamatalino at pinakamayaman dito sa university?"
"ahh sila pala yun hindi kase kanina may mga lalaking humarang sa akin eh tas ayun nakita nila ako kaya tinulungan nila ako pagkatapos pumunta kami ng cafe."
"OMG!! sanaol Chichi ano haba ng hair mo girl ikaw na ikaw na talaga HAHAHAHA" sabi ni Alexa na hinawakan pa ang buhok ko.
Dumiretso na kami sa klase namin at pagdating namin doon ay nagkwentuhan kami ulit tungkol duon sa anim. Pagkatapos namin magkwentuhan naisip ko na mag drawing na lang muna tatapusin ko yung drawing ko kay Luke .
Maya maya ay dumating na si Luke at naglapag ng isang bottle ng Almond Milk sa harapan ko .
"Para saan yan? Sakin ba yan?" nagtataka kong tanong .
"Hindi sa akin yan, papabuksan ko lang sayo."
Sabi nya at padabog na umupo sa upuan nya.
"Sayo yan ,Tsk!"
Sabi nya at inihiga ang ulo nya sa lamesa at tumingin sa pwesto ko.Uminom ako ng gatas na bigay nya at ipinagpatuloy ang pag dadrawing ko .
Hinayaan ko lang nga tignan nya ako hanggang sa mapatingin ako sa kanya at naka ngiti lang sya sa akin.
Luke's POV
'Di ko maiwasan na titigan sya sa ganda nya,ewan ko ba pero pag tuwing kasama ko sya parang safe ako.
Haystt ano ba tong pinagiisip ko?! atsaka di naman talaga sya maganda imagination ko lang siguro yon .
Nang mapadako ang paningin nya sakin ay agad akong bumangon at umupo. Ngumiti lang sya at bumalik sa ginagawa niya. Napansin kong busy sya sa pagdadrawing nya kaya tinignan ko kung ano ang idinadrawing nya .
Nang makita ko kung sino ang dinadrawing nya ay awtomatiko akong napangiti ang gwapo ko sa drawing nya ---teka AKO?! AKO ANG DINADRAWING NYA?!
"Sino yang dindrawing mo?"agad kong tanong sa kanya.
"Ikaw..." maikling tugon nya at ipinagpatuloy ang ginagawa niya ng hindi man lang ako nililingon.
Hinayaan ko lang sya sa ginagawa nya at pinagmasdan lang ulit sya.
Chichi's POV
Nang tapos na akong magdrawing ay pinunit ko ang papel na pinag drawingan ko at ibinigay kay Luke ito.
"Ano toh?" taas kilay nyang tanong sa akin.
"Papel na drinawingan ko ng natutulog mong mukha "
"'Di maganda "sabi nya pagkatapos nya at nilukot niya.
Ganun na lang ang inis ko sa kanya ng gawin niya iyon. Uwian at nandito ako ngayon sa may library kase binigyan kami ng freetime at umiiyak ako wala feel ko lang umiyak, bwisit kase na Luke yan drinawing ko na nga sya ayaw nya pa di na lang magpasalamat. Opo, mababaw ang luha 'ko
Paglabas ko ng Library nakita ko si Luke na na naglalakad papuntang library kaya ginawa ko ay tumakbo ako at nang malagpasan na namin ang isa't isa ay pumunta ako agad sa canteen para bumili ng milk.
Dahil may two hours pa naman kami na vacant time napagdesisyonan kong tumambay ng rooftop.
Pagdating ko duon ay walang tao at dumiretso ako sa dulo at nilanghap ang sariwang hangin.

BINABASA MO ANG
Game Of Destiny
RomanceIf ever we fall in love again, let's never tell the world. The worls tends ruin beautiful things, so let it be our little secret. (On-Going) @McSicphoria @All Rights Reserved. Since 2020 Photo is not mine, credits to the rightful owner.