Chapter 7

63 16 0
                                        

Pagkatapos namin manggaling sa Ice Cream Parlor ay dumiretso na kami sa parking lot at inihatid na ako ni Luke sa bahay.

"Salamat sa paghatid! Pasok muna kayo" aya ko sa kanila

"Salamat Schizane, pero 'di na. Makakaistorbo lang kami" sabi ni Axel

'Di ko na sila pinilit dahil mukhang nagmamadali din sila.

Pagpasok ko sa bahay ay bumungad sa akin si mommy na naka-pamewang at nakasandal sa pintuan. Dire-diretso lang ako at ng nasa harapan ko na si mommy ay bigla niya akong niyakap. Di ko alam pero natuwa ako sa ginawa niya nakakamiss din ang yakap nya.

Pumasok muna kami ni mommy sa loob atsaka naupo sa may sala para mag-usap.

"Sorry honey masyado akong naging mahigpit sayo" sabi nya tsaka pinunasan ang luha nya

"Sorry, don't worry di na ulit mauulit lahat ng 'yon, hahayaan na kita sa kung anong gusto mong gawin at susuportahan kita sa lahat ng gusto mo, I love you honey" sabi ni mommy atsaka niyakap niya ako.

Nang matapos ang pagdadrama naming mag-ina ay nagdinner na kami atsaka pumunta sa kanya_kanyang kwarto. Habang nagpapa antok di ko maiwasang mapangiti sa mga ginawa ni Luke haysst...

*Luke's PoV*

"Putcha pre! Kapatid pala nila boss yun eh" tapik ni Jay sa'kin.

"Alam kong may kapatid pa silang isa, pero 'di ko nakilala kahit close ako sa kanila" sabi pa ni Shawn

"Tss.. kailan kaya balik ng mga ugok? Yari talaga si Lexus pag-nalaman nila Zyde yung nangyari"

*Chichi's PoV*

Nagising ako ng 5:00 am at napagdesisyonan kong mag-jogging kaya naligo na ako at nagbihis. Paglabas ko ng bahay ay medyo madilim pa at wala pang gaanong tao.

Grabe sa isang buong linggo ko sa University ang dami ng nangyari, nagkaroon din ako ng mga bagong kaibigan at haters dahil nga dun sa issue na kasama ko yung anim pero masaya pa din kahit papano dahil maganda naman ang trato sa akin sa school. Maliban nga lang kapag kaharap ko si Samantha.

Habang tumatakbo ay may nabangga akong isang lalaki at nalaglag ang aking cellphone, Napatingin ako sa kanya at Luke nga eto. Baka nga destiny ito ehe

Teka ano bang ginagawa nito ng ganito kaaga?

Nagjojogging malamang mag-isip ka nga Chichi naku..

"Ah sorry mi--Chichi ikaw pala yan ang aga pa mag-jojogging ka din ba?"

"Obvious ba?" mataray kong tanong sa kanya.

"Sungit mo naman, meron ka ngayon noh?" sabi nya at tumawa ng malakas.

Agad ko syang pinaghahampas at nang mapagod ay napagdesisyonan kong umuwi na, hinatid niya na din ako sa bahay dahil iisa lang daw ang village namin at pinsan nya kung saan sya natulog.

Pagdating sa may tapat ng bahay ay nakita ko si mama na lumabas para ilabas ang basura namin dahil wala si manang kaya sya ang gumawa.

"Mom!" tawag ko sa kanya at agad naman syang napalingon sa akin.

"Oh anak, andyan ka na pala dalian mo at pumasok na tayo sa loob at mag-almusal ka na."

Niyaya nya din si Luke na kumain, tatanggi pa sana siya pero wala na siyang nagawa at sumama na lang sa loob para mag breakfast.

Pinaupo muna kami ni mama sa Sala at tinapos ang niluluto nya. Habang nasa Sala bigla na lang napatayo si Luke at napatingin sa isang picture frame na punit duon sa lamesa.

"Teka, kilala mo ba tong batang 'to?" turo nya duon sa batang lalaki na nasa larawan.

"Ah oo sya yung bestfriend ko, yan yung huling araw na nagkita kami kaya hinati namin yung picture yung kanya nasa akin at yung akin nasa kanya. Hindi ko nga alam kung nasaan na siya ngayon eh."

"Chichi?" tanong niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Agad nyang nilabas ang wallet nya at duon ay may inilabas syang isang larawan na punit at nang itabi nya yun sa larawan nung batang lalaki ay nakita ko ang mukha ko nung bata pa ako.

SHETTT!!!! Sya si Lulu!!!

Agad ko syang niyakap at bigla na lang akong naiyak sa tuwa.

Nasabi nya sa akin na hinanap nya daw ako sa dati naming bahay dati pag-uwi namen kaso iba na ang nakatira duon, siguro yun ang time na lumipat na kami.

Nang tapos na kami magusap sakto naman na tapos na din ang niluluto ni mommy.

"Ma, naalala mo ba si Lulu yung bestfriend ko nung bata ako? Siya yun ma! Siya yung palagi kong kinekwento sayo na kaibigan ko nung nasa Laguna pa kami ni papa!" tuwang tuwa kong sabi.

"Oh Ijo ang laki mo na! Ikaw na pala yan. Oh kamusta naman na?"

"Okay naman po ako tita" sabi nya at ngumiti

Nang matapos kami kumain ay inilabas ko ang box na may mga laman nung laruan namin nung bata pa kami at yung sapatos na binili sa amin ni daddy pati na den ang mga picture naming dalawa.

Tuwang tuwa kami sa mga itsura namin nung bata kami hanggang sa may tumawag kay Luke at nagpaalam na aalis na sya dahil emergency daw.

"Oh Ijo mag-ingat ka ah, Ikamusta mo na lang ako kay parents mo ah? Bumiista ka ulit dito!" pahabol pa ni mommy

Hinatid ko sya sa may labas ng bahay at nagpaalam na.

Biruin mo yun ang tagal ko syang hinanap at sa wakas nahanap ko na den sya. Nakakamiss sya hihihi childhood crush ko pa naman sya.

*Luke's PoV*

'Di ako kilala nung mommy ni Schizane dahil papa nya ang kasama nya noong nasa Laguna siya. 'Di ko din alam na kapatid sya nila Zyro na kaibigan naming anim.

"Excuse me po, sagutin ko lang yung tawag" paalam ko kay chichi at umalis muna.

"Yoboseyo?" panimula ko

*translation- hello

"Hyung! Pakisundo naman ako dito, nasa guidance office ako. 'Di ko ma contact si Dad"

"Okay, papunta na ako. Wait for me, arasseo?"

*translation - understand?

"Okay"

Ibinaba niya na ang telepono at nagpaalam na din ako kanila Chichi. Pagdating ko sa school ay agad akong dumaan sa guidance office.

"Goodmorning, Mr. Veria. Itong kapatid nyo ho eh kaaga aga nahuli ng guard na pinipintahan ang pader sa likod ng school. Naintindihan naman po namin na mahilig nga magpinta at sadyang magaling iyang kapatid ninyo pero sana naman po sa susunod sa canvas sya magpinta at hindi sa pader." seryosong sabi ng head teacher sa office

Ilang minuto din ako nakipag areglo bago kami lumabas.

"Ano bang pumasok sa isip mo at naisipan mong gawin yun?! 'Di ko 'to sasabihin kay Dad pero once na makarating 'to sa kaniya, sinasabi ko sayo hindi kita kakampihan." kalmado ngungit seryoso ko'ng sabi sa kanya.

"Joesonghabnida"

*translation - sorry

"Oh sya. Pumasok ka na, mag-usap na lang tayo ulit mamaya pag-uwi mo"

Game Of DestinyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon