Chichi's PoV
Ilang araw na din ang lumilipas na nakakulong lang ako sa bahay at puro pag dadrawing ang ginagawa. Ayaw ako papasukin ni mommy dahil daw baka daw mabinat ako at kahapon pumunta siya dun para alamin kung sino ang gumawa sa akin nito pero hindi naman umamin yung tatlo.
Naglalakad ako ngayon papasok ng room at nagtataka na sa tuwing naglalakad ako ay nginingitian ako ng mga tao at nang makita ko yung tatlo na nanakit sa akin ay nag sorry din sila sa akin, ilang araw lang ako nawala naging weird na ang mga tao.
Nang maupo ako ay agad naman akong kinamusta nung dalawa sa harap ko pero tong katabi ko ay walang imik at nakatingin lamang sa kawalan. Maya maya pa ay dumating na ang prof namen at nag discuss tungkol sa papalapit na Spoken Word Poetry contest para sa mga graduating students, Di ako nag atubiling sumali sa contest dahil chance ko na toh para ipakita ang talento ko.
Nang oras na ng recess ay dumiretso na kaming tatlo nila Maxine at Alexa sa may canteen at sabay sabay na kumain kasama ang anim pero hanggang ngayon wala pa ding imik si Luke.
"Tol tahimik mo ngayon ah." sabi ni Jay sabay tapik sa balikat ni Luke pero ipinagwalang bahala nya lang ito.
Weird.
Natapos ang breaktime ay klase pero hanggang ngayon wala pa din syang imik sa akin o duon sa anim. Pauwi na ako at nagaabang ng taxi dahil walang magsusundo sa akin ng may pulang sasakyan ang tumigil sa harap ko at may lumabas na dalawang lalaki dito. Hinawakan ako ng dalawa sa magkabilang kamay at may lumabas pa ulit na isang lalaki upang takpan ang mukha ko at saka ako isinakay sa sasakyan.
Luke's POV
"Hoy Aster! bakit naman iniiwasan mo naman iniiwasan yung isa kanina?" tanong sa akin ni Keith sabay akbay sa akin.
"Ayaw ako tantanan ng mga kaaway ko at may iba pang nagtatangka na isusunod si Chichi, kaya iniiwasan ko sya para di na sya nadamay sa gulong pinasok ko" sabi ko naman .
Habang papapalabas kami ng gate ay nakita namin si Chichi na may hinihintay at maya maya pa ay may dumating na pulang sasakyan at sinakay sya ito. Agad naman kaming tumakbo ngunit hindi na namin ito naabutan .
Tumakbo kami sa sasakyan ni Keith at saka nya naman ito pinaharurot ng mabilis. Agad ko'ng kinontact ni Josh ang mga police upang humingi ng tulong at maya maya naman ay may di pamilyar na number ang tumawag sakin.
Sinagot ko ito at isang pamilyar na boses kaagad ang narinig ko......si Chichi.
"Wag nyo kong sundan marami sila at may mga ar--" hindi niya natapos ang sasabihin nya ng isang malakas na sampal ang animoy tumama sa kanyang pisngi.
"Manahimik ka!" sigaw ng isang lalaki
"Kamusta ka naman my dear friend" sabi ulit nito.
"Wag mo sasaktan si Chichi, papunta na kami dyan" galit kong sabi.
Di ako mapakali habang nasa sasakyan nang may biglang magbivrate sa bulsa ko at nang tingnan ko ito isang di pamilyar ulit na number ang nagtext sa akin.
Isang address ang nakasulat duon na sa tingin ko ay kinaroroonan nila Chichi.
Pagdating namin sa ibinigay na address ay ay bumungad sa amin ang isang malawak at lumang factory.
May sumalubong sa amin na tatlong lalaki at dinala kami sa likod ng factory. Malayo pa ay tanaw na tanaw ko na si Schizane na para bang hindi natatakot sa kaharap nya..
Agad kaming lumapit at nakita ko pa yung mukha nya na masama ang tingin sa akin.
"Andito na kami pakawalan mo na sya" Sabi ni Keith
Agad nilang kinalagan si Schizane at hinawakan ako nung dalawang tauhan nya. Itinulak ako ng dalawa kasabay ng pagtulak Kay Schizane para kaming akong Pina bayad kapalit ng paglaya ni Schizane.
"Ilayo nyo na si Chichi" sigaw ko habang walang humpay ang suntok sa lahat ng lalapit sa akin
Chichi's PoV
Ilang minuto na ang dumadaan at wala pa ring Luke na lumalabas sa pintuan ng factory.
Gusto kong pumasok sa factory pero pinigilan ako ni Josh at Shawn. Maya maya pa ay umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril.
Di ko maiwasan na mag-alala kay Luke. Ilang minuto ang lumipas at nakita ko na lumabas ang apat kasama si Luke na parang wala man lang nangyari sa kanya.
Nang malapit na sya sa amin ay tumakbo ako kaagad at niyakap sya, at di ko na din mapigilan na umiyak.
"Shh.. Tahan na, wag ka mag-alala okey na ang lahat" sabay tapik sa ulo ko at niyakap nya ako ng mahigpit.
Nang mahimasmasan ako ay bumitiw na ako sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan nya ang mukha ko. Nang mapatingin ako sa direksyon kung saan sila lumabas nakita ko ang isang di pamilyar na lalaki at may hawak na baril at babarilin nya si Luke.
"Sa likod-" sigaw ko at tinulak palayo si Luke upang di sya matamaan.
Maya Maya pa ay unti-unting pagdilim ng paningin ko kasunod ng pagkawala ng malay ko.
BINABASA MO ANG
Game Of Destiny
Roman d'amourIf ever we fall in love again, let's never tell the world. The worls tends ruin beautiful things, so let it be our little secret. (On-Going) @McSicphoria @All Rights Reserved. Since 2020 Photo is not mine, credits to the rightful owner.