Hakbang 6

25.1K 469 675
                                    

Nanginginig pa ang tuhod ko at hinihingal noong mas inayos ko ang sarili, para hindi mahalata ng mga pinsan. I fixed my hair and immediately freshened up myself. Pinunasan ko pa ang kaunting pawis na namuo sa dibdib dahil sa ginawa. Si Benj, ganoon din at inaayos ang sarili.

Wow, Davina Zerline Manila Alfaro! Ni hindi ka na nakapaghintay at sa kotse na talaga ginawa! Nakatikim ka lang at ganyan ka na?

I can't fucking believe myself especially when I am with this man! He can wake my senses up in just a snap!

Tahimik akong nag-ayos ng sarili at noong medyo nakuntento na, huminga ako ng malalim at nilingon si Benj. Nagkatinginan kami ng ilang sandali at umiwas din kaagad ako. Nahihiya na ngayon kapag naaalala lahat ng ungol ko kanina at pakiusap sakaniya!

What the hell am I doing with myself?!

Fuck buddies na naman kami kaya walang problema! Iyon na lang ang iisipin ko para hindi mahiya!

"Let's greet your cousins." Baritonong boses niyang sabi.

I brushed my hair upwards while looking at my two cousins. Nakasandal sila sa sasakyan at parehong naghihintay sa akin. Hindi nila alam, nandito ako at nakatingin sakanila.

"Ayos lang sa'yo?" Tanong ko.

"It's fine. I've met them before." Aniya.

I nodded and bit my lips. Ayos lang kung ganoon kadali pero kasi... alam ko ang takbo ng utak ng mga pinsan ko.

"Baka akalain nila... tayo." Diretsahan kong sabi.

He remained silent for a few seconds. His dark brown eyes are piercing through me.

"I'll stay here, then?" Tanong niya.

Kinagat ko ulit ang labi at hindi makapagdesisyon. I know I needed him outside but I also don't want my cousin to question our relationship. Paniguradong magtatanong si Alexio at Ferran at wala naman akong masasagot kung ano kami. Maybe I can tell them we're friends but I doubt they'll believe that.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na fuck buddies! I mean... my cousins have probably done this set up but... I don't know. I feel like I can't tell them.

"They might ask me who I am with. At makikita nilang dito ako galing kaya baka... katukin ka." Ani ko.

Tumango siya. "Let's face them."

Agad akong kinabahan ngunit tumango na lang din. Wala rin naman akong choice kundi ganoon ang gawin. Kapag hindi ko sinama si Benj sa labas, mas magdududa sila. Bakit ba kasi ang wrong timing naman?!

Nilingon ko ulit sandali ang mga pinsan bago tinignan si Benj. Naghihintay lang siya sa kung ano mang plano ko.

"Let's just tell them we're friends. Kapag tinanong ka, kaibigan lang."

"Alright. Kaibigan." Aniya.

Tumango ako at tinignan muna ang sarili sa salamin bago tuluyang lumabas.

"Do I look... uh... freshly fucked?" Tanong ko sakaniya.

I looked at him and saw amusement in his eyes. Nangingisi sa bulgar kong salita. What? I'm just asking!

"No..." May nahimigan akong tuwa sa boses niya.

"Sure ka? Baka mahalata nila!"

"Hindi 'yan."

"Okay. Ikaw din naman hindi mukhang freshly fucked. Fresh lang," Tawa ko naman.

Napailing siya at natawa rin sa sinabi ko. Inayos niya muna ulit ang buhok bago ako tinangunan. We nodded at each other and stepped outside the car. Nakita ko agad ang paglingon nila Ferran at Alexio sa banda namin. I bit my lips hard to ease my nervousness.

Still Chasing You (Still Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon