Zuriel:
Let's meet later.
I pouted as I read his texts. Sa linggong ito, hindi pa kami nakakapagkita at ngayon dapat dahil nagtext siya pero nandito kasi ang mga pinsan ko. Umuwi sila galing La Union para makapagcelebrate kami. It's Andrus' birthday so we'll party tonight. Actually, sa isang araw pa ang birthday niya. We'll just celebrate in advance.
It's been a month since I had this set up with Benjamin. Hindi kami nagkikita araw-araw, siguro mga dalawa o tatlong beses lang sa isang linggo. So far, it's good.
Good sex. Good company.
Wala akong reklamo sa set-up namin. And to be honest, my life here in Manila is pretty boring so having him... is a help for me. He's keeping me entertained kahit puro ganoon ang ginagawa namin.
I mean... of course we fuck but it also comes along with some talking. May nakakausap ako sa mga bagay-bagay at nalilibang. At sa totoo lang din, ang mga pagkikita namin ang madalas kong nilolook forward dahil sa mga panahon lang na iyon ako hindi nag-iisa. Madalas kasi, mag-isa ako sa condo at walang magawa.
Atleast kapag nagkikita kami, we're doing something! Exercise na rin iyon! Pakiramdam ko nga hindi ko na kailangan magwork-out dahil pinagpapawisan naman kapag... ginagawa namin iyon.
So basically, the only thing that's keeping me sane here... is him.
Gusto ko na pabilisin ang oras para magsimula na ang klase at may mapagkaabalahan na ako. Parang mas gusto ko pang maging busy sa schoolworks kaysa sa ganitong wala akong ginagawa. I hate being unproductive. It's so boring here.
Buti nga ngayon, umuwi ang mga pinsan ko kaya masaya ako.
I typed in my reply to him.
Ako:
Can't have sex with you tonight. Meron ako at saka aalis kami ng mga pinsan ko.
Binaba ko muna ang phone sa tukador at tinuloy ang pagsusuklay ng buhok pagkasend noon. Nasa hotel sa malapit nag-i-stay ang mga pinsan ko at susunduin na lang nila ako. Kakatapos ko lang maligo at nag-aayos na ngayon. We'll have dinner first and then we'll go to a bar.
Totoong meron ako. Since I got the birth control shot, naging irregular ang mens ko. The doctor said it's normal so I'm not worried at all. Hassle nga lang dahil hindi ko alam kung kailan ako magkakaroon. Katulad ngayon, biglaan.
Magtiis na lang muna si Benjamin sa kamay niya.
Natigil ako sa pagsusuklay at napasinghap nang naisip na ginagawa niya iyon. I shook my head to erase my dirty thoughts! He completely corrupted my innocent mind! Tumunog pa ang phone ko para sa reply niya kaya mas lalo akong umiling!
Padabog kong kinuha ang phone at nahihirapang lumunok.
Damn it!
Zuriel:
Where are you going?
I quickly typed in my reply but before I could even finish it, he already called me. Bumuntong hininga ako bago sinagot ang tawag.
"Hello?" Bungad ko.
Hindi siya nagsalita agad. Tahimik ang background. He's at work, he told me earlier. Isa ito sa dahilan kung bakit hindi kami madalas magkita. He's busy at work coz he's already handling their business and earning money on his own. Gusto ko na rin ng ganoon pero may isang taon pa ako bago makapagtapos.
"Where are you going?" Napapaos niyang aniya pagkatapos ng ilang sandali.
I pouted and stared at my reflection.
BINABASA MO ANG
Still Chasing You (Still Series #4)
RomansaZerline Alfaro had always felt invisible to everyone around her, including her own family. She moved through life like a wind, always present but never truly seen. Pain remains unheard and her struggles unseen. And it was okay as she was already use...