Hakbang 22

22.4K 469 249
                                    

Kung nanghihina na ako kanina pa lang dahil sa lahat ng sakit at pagod ko para sa pamilya, ngayong nasa bisig niya ako, parang mas lalo akong nanghina.

I have never let anyone see my weak side but when I'm with Benjamin, I always feel like it's okay to be weak. He can make me vulnerable.

This is not the first time I felt this while I'm with him, but I'm at ease knowing that he's with me... whenever I feel weak.

"Shh..." Alu niya pa rin sa akin habang nasa elevator kami.

Hindi ko alam kung may ibang tao ba kaming kasama rito bukod sa mga pinsan ko dahil nakabaon lang ang ulo ko sa dibdib niya. His shirt's already damp because of my tears but he didn't complain.

"Baba mo na ako," bulong ko, nanghihina.

I lifted my gaze at him. I'm sure I look like shit right now but who cares? I'm so tired of everything. Kahit ngayong araw lang, hahayaan ko ang sarili kong maging ganito kahina.

Nagkatinginan kaming dalawa. I saw pain in his eyes but it quickly faded. He shook his head while looking at me intently.

"I'll put you down later," he said softly.

Hindi na ako nakipagtalo dahil pagod na ako. Ikinawit ko na lang ng mas mahigpit ang braso ko sa batok niya at binaon ulit ang mukha sa dibdib niya. Naramdaman ko rin na mas inayos niya ang pagkakahawak sa akin. Bahagyang sumasakit ang balikat ko pero hindi na ako nagreklamo.

Gusto kong magpahinga. Sa lahat. Kasi tangina... ubos na ubos na ako.

"Z, sabihin mo lang kapag may masakit," dinig kong sabi ni Alexio.

Lahat masakit...

Hindi ko na lang 'yon isinatinig.

I sniffed on Benj's chest and closed my eyes. Seconds after, I heard the elevator rang. Naramdaman ko na rin na lumalakad kami pero hindi ako dumilat. Nasa mga pinsan ko 'yong mga bag at susi ko kaya alam kong sila na ang bahala sa pagbubukas ng pinto.

"Can I sleep here?" bulong ni Benj kaya napadilat ako.

I saw my cousins infront of my unit's door. They are all busy finding the right key. Medyo marami kasi 'yon. Nasa likod kami ni Benj kaya hindi nila kami rinig.

"Bakit? Baka hanapin ka sainyo..." Ani ko.

I remember he told me that he's staying with his parents now. Holidays kasi at pagkatapos pa ng New Year siya babalik sa condo niya. Baka hanapin siya. At saka... ano namang mapapala niya sa akin? I obviously can't have sex with him.

"I... wanna take care of you," mahina niyang sabi at nag-iwas ng tingin.

Napaawang ang bibig ko dahil doon. Namumula ang tainga niya at hindi makatingin sa akin. He wanna... take care of me? Mas gugustuhin niyang dito sa akin... na malungkot at lugmok... kaysa naroon siya sakanila? He won't feel the essence of holidays if he'll stay with me.

At hindi ako sanay... na ako 'yong pinipili...

"Kaya ko naman. You shouldn't worry about me," ani ko, tinatapangan ang sarili na hindi lalong mahulog dito.

"I know you can," sagot niya.

"Right. Kaya umuwi ka na lang-"

He cut me off. "But I still want to," patuloy niya at ngayon, nakatitig na ulit sa akin.

Kumalabog ang puso ko. I looked away and swallowed the lump in my throat. Nakakapanibago... Nakakapanibagong may nandyan para sa akin. Nakakapanibago kasi ni hindi nga 'to magawa ng pamilya ko sa akin tapos siya, gusto niya?

Still Chasing You (Still Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon