I didn't know what to feel the whole ride. Nanghihina pa ako galing sa nangyari kanina sa birthday ni Tito Thiago at sa nangyari sa condo ko. Ngayon naman, nasa byahe ako kasama ang lalaking 'to.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi ko na rin tinatanong sakaniya. Maaga pa naman at kahit naman gabihin ako, ayos lang. I prefer this rather than staying at the party or crying in my unit.
I missed my parents. I missed my sister. I really wanna be with them but I won't force myself if I'm not welcome. Ayokong kawawain ang sarili ko. But there's really a question everytime...
Why do they treat me like this? Anak din naman nila ako, ah? Ang sabi noong private investigator na hinire ko noon, Alfaro ako! Anak nila ako!
Or is it because of what happened three years ago? Pakiramdam ko kasi hindi. Dahil bago pa naman mangyari ang nangyari tatlong taon na ang nakakalipas, ganito na sila sa 'kin. Mas lumalala lang pagkatapos noon pero ganito na rin sila noon.
Kaya bakit? Am I not really easy to love? Bakit si Lolo at Lola, mas naging magulang ko pa? But since they're gone, here I am now. Alone.
I always said I'm not used in dramas but it's funny because I have a very dramatic life. At hindi ako vocal na tao. Madalas, sinasarili ko lang lahat. Kaya hindi ko alam kung bakit komportable ako laging sabihin kay Benj ang ganito.
I even remember I already cried infront of him before. Noong unang beses kaming nagkart racing. I can easily tell him the things I can't tell to anyone. I don't know why.
Basically, he had seen everything in me.
"You won't ask where we're going?" Tanong bigla ni Benj noong huminto kami sa traffic light. Palabas na kami ng Manila.
"Not anymore." I answered.
"Why?"
I sighed heavily. Tanginang panghihina 'to, kailan ba matatapos?
"Surprise me." Ani ko na lang.
At kahit saan naman, ayos lang. May tiwala naman ako sakaniya.
I watched the traffic light. May mga kasabayan kaming motor na nakatingin sa banda namin. Well, Benjamin Zuriel's motorcycle is flashy! It's not a simple one. Ito 'yong mga motor na madalas gamitin sa action movies.
Umayos ako sa pagkakaupo at kinalas ang pagkakayakap mula sa likod niya. Tinanggal ko rin muna saglit 'yong helmet na suot para itali ang buhok. Matagal pa naman bago kami umandar kaya ayos lang.
My hair fell on the side. Sinuklay ko 'yon pataas at agad na tinali. Nakita kong nakatingin sa akin 'yong mga lalaking nasa motor din nila. Tumaas ang kilay ko at ipinagkibit balikat 'yon.
Nga lang, nagulat ako dahil habang tinatali ko ang buhok, pinatong ni Benj ang kamay niya sa hita ko. I'm wearing jeans so my legs are not exposed. Pero kita ang bandang tyan ko lalo pa ngayon dahil tumaas 'yon habang nagtatali ako ng buhok. At mas nagulat ako noong hinimas niya ang hita ko. At wala siyang pakialam kung makita 'yon ng mga nakatingin sa amin!
"What are you doing?" Nagtataka kong tanong.
He didn't answer me. His hands are still on my thigh. Hindi niya na hinihimas pero nakahawak pa rin. He's holding it possessively. Problema nito?
"Tinanggihan mo ako tapos nanghahawak ka ngayon?" Napapaos kong bulong.
Nahihiya pa rin ako kapag naiisip kong tinanggihan niya ako kanina. Unang beses kasi 'yon. At pakiramdam ko, wala talaga siyang balak gawin 'yon ngayon. If he wants to do it somewhere, sana sa hotel kami dumiretso. Kaso hindi at palabas na nga kami ng Manila ngayon.
BINABASA MO ANG
Still Chasing You (Still Series #4)
RomanceZerline Alfaro had always felt invisible to everyone around her, including her own family. She moved through life like a wind, always present but never truly seen. Pain remains unheard and her struggles unseen. And it was okay as she was already use...