"Susunduin ka ba namin? Parang wala kang balak umuwi, Z! Susunduin ka na namin!" si Andrus na nagdadabog sa call.
I chuckled and shook my head. Kulit nito! Sabing uuwi ako, eh! Ilang araw na nila akong kinukulit na umuwi sa La Union para roon magpasko. I'll really go home. I just made sure that I'm already done with my school requirements. Also, it's still the 23rd day of December! May dalawang araw pa bago magpasko pero pinipilit na nila akong umuwi!
Sandali lang... May kailangan pa akong puntahan...
"Uuwi ako mamaya. Mga gabi para walang traffic. Tigil tigilan mo ako sa pagdadabog mo, ha!" natatawa kong banta.
Para kasing bata na hindi binigyan ng candy, eh! Well, Andrus is really clingy. Sa aming magpipinsan, siya 'yong laging naninigurado na buo kami. At sa lahat ng buwan na nandito ako sa Manila, hindi 'yan nakakalimot mangamusta.
"Okay. Punta kami sainyo. Hihintayin ka namin doon," aniya.
"'Wag na! Gabi pa nga ako makakauwi! Baka madaling araw na!"
"Alright. We'll still wait."
I rolled my eyes. "Kulit niya, oh,"
Narinig ko ang tawanan nila. Mukhang magkakasama na nga ang mga ugok! Gusto ko na rin umuwi pero may kikitain pa ako...
"Uuwi rin mamaya 'yan. Baka kikitain pa si Ibañez," dinig kong sinabi ni Calum sa background.
What the hell? How did he know?!
"Oo nga. Lagi niya 'yong kasama," pagsang-ayon pa ni Andrus!
They talk as if I'm not listening? And Benjamin and I were not always together! We see each other at times, yes, but not everyday! We're both busy.
"Anong lagi? Tanga ka ba?" singhal ko.
I heard their laughs. These assholes! Pagdating ko sa LU, ang batukan sila ang pinakauna kong gagawin talaga!
"Sus, Z! Deny pa!" boses 'yon ni Alexio.
"Kapag pumupunta ako sa Manila, madalas kasama mo 'yan." Si Sorrel.
"Really? I went to her last time, si Vernon ang naabutan kong kasama niya," ani Ferran.
Ang kakapal ng mukha ng mga 'to na pagchismisan ako, as if hindi ako ang katawagan nila? Kapag hindi ako umuwi ng La Union, iiyak ang mga 'to!
I rolled my eyes for the nth time. "Are y'all done gossiping 'bout me?"
"Umuwi ka na kasi!" tawa ni Andrus.
"Sabing mamayang gabi, eh!"
"Sabing kikitain niya pa si Ibañez, eh!" sabi ng walanghiyang Alexio!
I groaned. Tumawag sila umagang umaga para mambwisit! Ito ba ang pagoodmorning nila sa 'kin? I should've not answer the call!
"Good morning din. Fuck you." Ani ko at binaba na ang tawag!
Pag-uwi ko sa LU ang usapan kanina, bakit napunta bigla sa kung sino ang madalas kong kasama?!
Well, Ferran was right. He did saw me one time with Vernon. Nag-aya kasi noon si Vernon na magdinner kami dahil magiging busy na siya sa kompanya nila. Kailangan niyang pumunta sa probinsya at asikasuhin ang mga 'yon kaya pumayag ako. He's a friend and it was just dinner. He also told me his siblings already came home. He'll be with Gavyn while their younger sibling will stay here.
To be honest, I was really nervous that dinner. Akala ko may sasabihin siya... o aaminin... buti na lang at wala naman. Maybe I'm just really assuming. Mas ayos din 'yon na wala siyang sinabi. I wouldn't know what to say if ever.
BINABASA MO ANG
Still Chasing You (Still Series #4)
RomanceZerline Alfaro had always felt invisible to everyone around her, including her own family. She moved through life like a wind, always present but never truly seen. Pain remains unheard and her struggles unseen. And it was okay as she was already use...