Hakbang 31

22.9K 492 291
                                    

Anong dapat maramdaman kapag nalaman mong nabubuhay ka sa kasinungalingan?

Should I cry? Should I shout? Should I be angry? What am I suppose to fucking feel?! Because right now... the only thing I can feel... is nothing.

I feel nothing!

I bit my lips hard and drove fast. Gustong gusto ko na makauwi sa La Union at malaman ang totoo! Gustong gusto ko na kasi parang sasabog ang utak ko kakaisip kung totoo ba ang sinabi ng lalaking 'yon!

For the first time since what happened last December, I fucking wanna go home to La Union!

"Ayaw mong maniwala? Nagsasabi ako ng totoo! Ang tagal ka na naming binabantayan at ayaw kong patagalin pa! Kapatid kita! Kahit ipa-DNA niyo pa! Basta kayo ang gagastos dahil wala akong pera para sa lintik na prosesong 'yan. At subukan mo ring itanong sa pamilya mo nang magkaalaman na tayo rito!"

Suminghap ako nang maalala ang pinagsasabi ng lalaking 'yon kanina. Kung makapagsalita siya ay parang siguradong sigurado siya...

Dapat ba akong maniwala?

I shouldn't believe him in the first place, but it's hard to ignore it. Kahit ayaw kong maniwala... sa likod ng utak ko... pakiramdam ko nagsasabi siya ng totoo!

Kung kapatid ko siya, paano?! Am I an orphan?! Am I living a life full of lies?!

Hanggang kailan ako puro tanong lang at walang makuhang sagot sa lahat ng tao?!

Ayaw ko na ng ganito! Sawa na ako! Pagod na ako!

Mariin kong tinitigan ang daan habang inaalala ang lahat. The first time I saw them, I noticed that they're kinda familiar. And it weirded me out because I was so sure I've never met them before!

Paano magiging pamilyar sa'yo ang mukha ng isang tao kung hindi mo naman sila nakita bago ang lahat?

It's because I saw my eyes... I saw my eyes in them...

We have the same fucking eyes!

Sa nanginginig na labi, nilingon ko ang litratong binigay ni Erickson sa akin, iyong lalaking nagsasabing kapatid ko siya!

"Ipakita mo 'to sa magulang mo. Ewan ko na lang kapag hindi pa sila nagsabi ng totoo. Ang babae sa litratong 'yan ay ang ina nating dalawa. Siya si Eva Mendoza. Zerline Alfaro, kapatid kita..."

And no matter how much I try to deny, when I saw her picture, I know... that I'm living in lies...

Kamukha ko siya...

Ilang porsyente ang posibilidad na may kamukha kang hindi mo naman kamag-anak?

I smiled bitterly while driving. Palapit nang palapit pauwi, palinaw nang palinaw din ang katotohanang pilit kong tinatanggihan. Iniisip ko na lang, baka manloloko lang ang lalaking 'yon. Kailangan kong tanungin sila Mommy at Daddy.

They are my family. Yes! They're my family even though we're not really okay! Kahit pagod at ubos ako sakanila, pamilya ko 'yon, eh.

Pamilya ko pa rin ba pagkatapos ng araw na 'to?

I drove fast. I drove while feeling nothing... and thinking about everything.

Elias Joseph Mendoza... Erickson Mendoza... Eva Mendoza... Kapatid...

While thinking about them, I received a text from someone who's also fucking up my mind for the past days. I slowed down so I can read it.

Zuriel:

Are you with Vernon already?

Pagak akong natawa sa nabasa. No, I'm not with him... And you're with her...

Still Chasing You (Still Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon