Hindi ko alam kung bakit nanghihina ako ngayong naglalakad kami papalabas ng bar. I can feel my emotions all over the place. My mind is in haze.
Pinagtitinginan kami ng mga tao kaya hinatak ako ni Benjamin palapit sakaniya. Sinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya at hinarang ang kamay sa mukha ko para hindi kami pagpyestahan ng mga tao. Ganoon ang pwesto namin habang inaalalayan niya ako sa paglalakad. I don't know if he's doing this because he knows I'm not comfortable with their stares, or because he doesn't want more people to think that we have something.
Ano man sa dalawang 'yon, wala na akong pakialam. Nagpapasalamat na lang ako sa tulong niya.
I don't wanna be emotional. I fucking hate drama. But I don't know why my heart's clenching right now.
"Z, diretso uwi." Si Sorrel na hinarang kami bago pa makalabas sa bar.
I lifted my face and sighed heavily. Kasama niya si Andrus. I know for sure they saw what happened. At alam naman nila kung anong mayroon sa amin ni Benj kaya hindi na 'yan magtatanong. They just want me to go straight home.
"I will. Sorry, Druce." Hingi ko ng paumanhin dahil birthday niya at maaga akong uuwi.
Pumunta pa naman sila rito sa Manila para makapagcelebrate kami. Bakit ba kasi sa rami ng araw, ngayon pa ako nagkaroon? Sobrang hassle tuloy!
"Ayos lang, Z. It's understandable. You should really go home. Dadaan kami sa condo mo bago bumalik sa hotel." Aniya.
Tumango na lang ako. Hindi ko alam pero talagang nanghihina ako. I just wanna go home now and rest. I don't like feeling this way.
Ayokong nanlalambot dahil kumakawala lang lalo ang mga emosyong pilit kong tinatago. Like I said, for years I felt like I'm just an air to my family. And now that someone finally noticed me, hindi ako sanay sa kalingang ibinibigay sa akin. It feels so good that it's making me weak.
Masyado na akong nasanay na sarili ko lang lagi sa mga panahong ganito na ngayon na may tumutulong, naninibago ako. I was used to taking care of myself. And now... someone's doing it for me.
I'm not used to it. But it feels good, I must admit.
And isn't it fucking ironic that I felt it with him? Of all people, I felt it with my fuck buddy? Sa taong ginagamit ko lang at ginagamit lang din ako para sa tawag ng laman?
Sa lahat ng tao, sakaniya ko pa mararamdaman na hindi ako hangin lang.
"Pakialagaan, pre." Ani nila Sorrel, nakatingin na ngayon kay Benj.
I looked at him and saw that his jaw's clenching. Mariin din ang mga mata at malamig. Tumango lang siya sa mga pinsan ko bago kami tuluyang lumabas ng bar. Agad akong binalot ng lamig, buti na lang at nakatulong ang suit na sinuot niya sa akin.
Some people outside the bar are looking at us but I just acted normal. Inalalayan ako ni Benj hanggang sa sasakyan niya. Noong nasa tapat na kami, huminto ako at hindi muna pumasok kahit inilalahad niya na sa akin ang loob.
"Zerline..." Nagbabanta ang tono niya pero umiling pa rin ako.
"I'll stain your front seat." I said.
He licked his lips and looked at me darkly. "Who cares about the fucking seat?"
"Benj-"
"Hop in or else I'll carry you." Banta pa rin niya.
Umirap na lang ako at hinubad 'yung coat saka pinatong sa upuan. Kung tatagusan man ako, mas mabuting dito na lang. I'll have it dry clean before giving it back to him.
BINABASA MO ANG
Still Chasing You (Still Series #4)
RomanceZerline Alfaro had always felt invisible to everyone around her, including her own family. She moved through life like a wind, always present but never truly seen. Pain remains unheard and her struggles unseen. And it was okay as she was already use...