Chapter 18: Finding Twins

16 3 0
                                    

Abala sina Tanya at Hajima sa pagpiprepara ng kanilang mga gamit dahil tumawag ang Lola ni Tanya na ngayon na sila mag uumpisang maghanap sa zodiac signs.


May nangyaring hindi maganda sa pinsan nitong si Dale Esteban, anak nina Billy Esteban at Amanda Dela Vega na pinsan ni Kyzer. Nasa bakasyon ang binata nang makaharap nito ang tauhan ng Villamonte Clan at nagkataon na mag-isa lamang ito ng mga oras na iyon.


Ngayon ay nagpapagaling ito sa isang pribadong ospital na pagmamay-ari ng Dela Vega. Samantalang galit na galit naman ang mag-asawang Esteban sa pamilya ni Tanya dahil sa sinapit ng nag-iisang anak nila sa kamay ng Villamonte.



Walang magawa si Tanya kundi sundin ang ipinag-uutos ng kaniyang Lola, kapag hindi pa sila kumilos ay baka sugurin siya ni Amanda dahil sa galit. At nag-uumpisa nang gumawa ng hakbang ang kabilang partido laban sa pamilya nila.


Pinayagan na rin ng SLA na magleave muna ng klase ang dalawa, dahil sa utos at kagustuhan ni Ysabelle Dela Vega.



TANYA's POV

"Okay na ba ang lahat?" Tanong ko.


Nasa labas ako na nakasandal sa isang puno habang malalim ang iniisip. Kalalabas lang ni Hajima kaya tinanong ko na siya agad, naiinip na rin kasi ako ditong nakatayo habang nag-aantay.



"Yes Miss Tanya, handa na ang lahat." Sagot naman nito na may seryosong mukha.



Napabuntong-hininga ako at umayos na ng pagkakatayo.



"Okay then. Alis na tayo." Sabi ko at nauna nang maglakad patungong sasakyan.


Pero naramdaman kong hindi pa siya naglalakad kaya huminto ako at nilingon ko siya nang nakataas ang kilay.


Nakita kong nakatingin siya sa kaniyang wrist watch na nakakunot ang kaniyang noo.


"What?" Tanong ko sa kaniya.



"4 o'clock in the morning. Gusto mo muna bang kumain Miss Tanya?" Tanong nito at nagsimula nang maglakad palapit sa akin.



Bigla naman akong nakaramdam ng gutom sa katanungan niya. Tinignan ko ang sasakyan namin at naroon na lahat ng gamit namin at mga importanteng mga bagay na kailangan naming dalhin saan man kami magpunta, as a self defense sometimes.



"Drive thru." Tanging sambit ko at pumasok na sa loob ng sasakyan.



Pumasok na rin sa driver's seat si Hajima at pinaandar na ang sasakyan. Nanahimik na rin ako ng magsimula nang umandar ang kotse namin.





"Miss Tanya." Hajima.



Nagising ako sa pagyugyog sa akin ni Hajima. Hindi ko namalayan ay nakatulog pala ako sa byahe. Pagtingin ko sa bintana ay nasa jollibee kami huminto.




"Anong gusto mo Miss Tanya?" Tanong ni Hajima.




"Ikaw na bahala." Walang ganang sagot ko.


Inaantok pa kasi ako, hindi pa rin sumisikat ang araw ngayon. Hays, nakakatamadkapag ganitong oras.



Ilang minuto lang ay naka order na si Hajima. Huminto kami sa isang kalye at kumain na muna ng aming almusal.



"Saan ba ang unang destinasyon natin?" Tanong ko habang kumakain.



"Hmmmm." Sagot ni Hajima at may kinuhang isang piraso ng papel.



The Ruthless Unseen Side of Tanya SantivañezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon