At St. Luke Academy.....
TANYA'S POV
Mag-isa kong tinungo ang room namin. Hindi ko na inantay pa si Hajima dahil gusto kong mapag-isa ngayon para makapag-isip ng maayos.
It was like a normal day for me, wala naman bago sa mga nagaganap sa SLA kundi bullying na walang katapusan.
Malapit na ako sa room ng mapahinto ako dahil sa isang bagay na tumama sa ulo ko.
Napahawak ako sa part ng ulo kong tinamaan at nakita ko sa lapag ang isang bola ng basketball, at dahil matigas iyon at masakit ang kalalabasan sryempre.
Humarap ako sa mga taong dahilan ng pagsakit ng ulo ko. Mga babae sila na naka jersey, hmmm..
Mukhang papunta pa lang sila sa try out nila. Oww, malapit na pala ang intrams. Bilis ng araw.
Kamusta kaya sina Kuya Tantan at Kuya Renren? Bigla ko sila namiss, madalaw nga sila minsan.
"Oppps. Hindi namin sinasadya." Sabi ng isang babae na may number 9 sa jersey.
"Nadulas sa kamay ko, hindi ko namalayan na may tao pala sa harapan namin." Sabi naman ng may number 18 na jersey.
"Pasensya na ha." Dagdag naman ni number 49.
Pero bakit pakiramdam ko hindi sila sincere at lalong halata naman na sadya iyon. Madulas? Hindi ako tanga para maniwala sa excuse nila.
"Ahem. Pwede bang pakibato dito yang bola?" Plastic na ngiting utos ni number 49.
Binalingan ko naman ng tingin ang bolang nasa paanan ko, tinapakan ko ito at tinignan muli ang tatlong kababaihan sa harapan ko.
"Heto ba?" Tanong ko.
"Yes." Sagot ni number 18.
Ngumiti ako ng nakakaloko sa kanila na dahilan ng pagkunot ng mga noo nila.
Sa inis ko ay bigla kong sinipa palayo ang bola na ikinagulat ng tatlo.
"Oppppss. My bad, nadulas sa paa ko e. Pasensya." Sarcastic na sabi ko.
Nakanganga silang nakatingin sa akin at hindi makapaniwala sa ginawa ko.
"Bye." Sambit ko at tinalikuran na sila.
"What the hell."
Rinig ko pang sabi nila. Tsk. Sino sila para utusan ako? Mga walang manners.
Nang medyo malapit na ako sa room namin ay bigla akong nahila kaya napakapit ako sa railing ng hagdan.
Nasa huling baitang na ako ng bigla akong nahilo. Epekto na yata ito ng pagkakatama ng bola sa ulo ko.
"Pambihira." Tanging nausal ko at pumikit para pakalmahin ang sarili.
Ang lakas yata ng impact ah. Kumikirot na ulo ko, aish!
Mabilis kong kinuha sa bag ko ang gamot ko at ininom ito kaagad. At pumikit para hindi ako masyado mahilo.
"Miss, are you okay?" Napamulat ako ng mata sa narinig kong nagsalita.
Hindi ko na ito nilingon pa at naglakad na papasok sa room. Ayokong may ibang tao ang nangingialam sa kalagayan ko. Tsk.
Pero napahinto ako sa pintuan mg room namin dahil bigla ko narealize na familiar sa akin ang boses na iyon.
Mabilis kong nilingon ang lalaking nagtanong sa akin kanina pero sa kasamaang palad ay wala na ito doon at hindi ko na makita kung saan siya nagpunta.
Siya iyong lalaking sa hagdan noon, lalaking tumawag sa pangalan ko. Parehas sila ng boses. Tsk.
Hinayaan ko na lang siya at pumasok na ng tuluyan sa room namin na halos walang laman na estudyante. Ang aga pa naman kasi kaya bilang lang mga kaklase ko dito.
Ilang minuto ang lumipas ay dumating si Hajima na pinagpapawisan. Nangyari dito?
May hinahanap ang mga mata niya at tumigil ang mga ito sa kinaroroonan ko. Nang makita niya ako at napabuntong hininga ito at yumuko habang naiiling.
"I thought something wrong happened to you. I woke up this morning without you in the house, i'm worried." Seryosong sabi niya ng makalapit sa akin.
Kinuha ko naman sa bag ko ang tissue at inabot sa kaniya.
"Here." Sabi ko.
"Thanks, Miss Tanya." Sagot naman niya at kinuha ang tissue para punasan ang pawis niya.
"Let's visit my brothers." Sambit ko.
"Now?" Tanong naman niya.
"No." Seryosong sagot ko.
"Then, when?" Tanong ni Hajima.
"The day after tomorrow." Simpleng sagot ko.
"Okay, Miss Tanya." Sagot niya.
Hindi ko na siya kinausap pa at naghintay na lang ng first subject.
At ilang minuto pa ay dumating na si sir na may ngiti sa mga labi. Nag start na rin siya maglesson pagkadating niya.
********
Ngayon ay wala ng klase maghapon para raw makapag prepare para sa intrams.
Lahat ay may kaniya-kaniyang sinasalihang sports pero kami ni Hajima? Not interested.
"What are we doing here if were not interested in any sports?" Curious na tanong ni Hajima.
"Nothing." Simpleng sagot ko.
Nagpalinga-linga ako at nagmamasid. Mga excited sa darating na sports. Tsk. Anong masaya doon kung pagpapawisan ka lang naman at worst ay madalas nasasaktan ka.
"Masaya bang masaktan?" Tanong ko sa sarili ko. Tsk.
Napatingin ako bigla sa isang direction. May naramdaman nanaman akong mga matang nakatingin sa akin. Tsk.
Nakita kong may dalawang kapwa namin estudyante na may suot na cap kaya hindi ko maaninag ang mga mukha nila.
"Miss Tanya? Is there any problem?" Tanong ni Hajima habang hawak ako sa balikat.
"Nothing. Let's go." Saad kong sa dalawang lalaki pa rin ang tingin.
Sinundan ni Hajima ang tinitignan ko at nakita ang dalawang kahina-hinalang mga lalaki pero mabilis na nakatakbo ang mga ito palayo.
Susundan sana ito ni Hajima pero hinawakan ko siya sa kamay para pahintuin.
"I said let's go." Seryosong saad ko.
"Yes, Miss Tanya." Sagot naman niya at sinundan na ako.
"Who are they?" Tanong bigla ni Hajima.
Pauwi na kami sa bahay ngayon. Wala rin lang klase kaya mas mabuting umuwi na lang kami, gusto kong matulog.
"Hmmm." Tanging nasambit ko.
"Do you want me to report them to the old lady?" Tanong niya.
"No. Let them be." Seryosong sagot ko.
"Yes, Miss Tanya." Sagot naman niya.
Pagdating sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko at nagkulong. Medyo nasasanay na rin ako sa ambiance, hindi pa naman sa gusto na ang kulay Pink pero nasasanay na mga mata kong itong kulay ang nakikita mula paggising sa umaga at bago matulog sa gabi.
Maybe tomorrow i will have an impressive day. I hate it, having a boring life. Tsk.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Unseen Side of Tanya Santivañez
ActionTanya Santivañez. Babaeng Akala mo simpleng tao lamang, napaka tahimik at gusto palagi sa isang lugar na hindi crowded. Paano na lamang kung sa isang iglap ay magbago ang lahat? as in LAHAT. Ano na ang mangyayari sa kaniya? Malalaman ba ng lahat ang...