St. Luke AcademyIsang paaralan o akademya na relihiyoso. Dito ipinatapon si Tanya dahil ito ang magandang naisip ng matanda para maging punishment niya sa ginawa niyang kagaguhan.
Kilala ang akademyang ito sa buong bansa, medyo may kalayuan ito sa dati niyang paaralan kung kaya't hindi siya kilala ng karamihan.
Walang magawa si Tanya kundi ang sumunod sa utos ng lola niya dahil wala ni isa ang pwedeng tumutol sa mga desisyong pinapatupad niya.
TANYA'S POV
"Isang taon lang Tanya. Kaya mong tiisin iyon." Pagpapakalma ko sa sarili ko.
Nasa daan na kami ni Hajima para pumasok sa bago naming school. Pati si Hajima ay pinag-aral kahit graduate na ito pati college.
Iba talaga nagagawa ng pera at connection. Tsk.
Balita ko bawal ang outsider kung walang permiso ng school, wala akong bantay kaya no choice kundi pati si Hajima ay nag-enroll.
"Huwag kang kabahan Miss Tanya. Kasama mo ako." Nakangising saad ni Hajima.
"Huwag kang assuming Hajima." Pagtataray ko at inirapan siya.
Narinig ko naman ang pagtawa niya. Nakakainis, paano ko ba natagalan ang isang to? Mukha siyang manyak pero hindi naman kasi ganun na talaga ang ugali niya.
"Hajima, anong mayroon sa SLA?" Tanong ko bigla.
"Hmmmm. Marami." Sagot niya habang sa daan pa rin ang tingin.
"Like what?" Tanong kong napalingon sa kaniya.
"You know. Chairs, desk, boards, books, etc. Oh! Outside, there's a lot of rocks, trees, buildings. Like that." Cool na sagot niya.
"HAJIMAAAA!"
Sigaw ko ng malakas sa sobrang inis pero tinawanan lang niya ako. Pilosopong sagad. Tsk.
Nanahimik nalang ako dahil wala akong mapapala sa isang ito. Tinutok ko nalang ang mata ko sa labas ng bintana.
"Pero sabi nila ay misteryoso ang school na iyon." Seryosong sabi ni Hajima.
Napalingon naman ako sa kaniya bigla ng nagtataka. Mysterious school? Wow.
"And why?" Curious na tanong ko.
"I don't know." Sagot naman niya.
"Hmmmm, then we will find it on our own." Saad ko.
"Miss Tanya, i'm not allowing you to do something stupid inside the school. Old lady ordered me to check on you, so don't make any troubles or else......." Hindi na niya tinapos ang sasabihin niya dahil alam niyang alam ko kung anong mangyayari kapag sinuway si granny.
Pambihirang buhay to. Tsk.
Pagdating namin sa school ay parang normal lang, may pumapasok, may lumalabas, may naglilinis, may nagmamadali.... At may kakaiba akong nararamdaman.
Napalingon ako bigla sa parteng may kakaiba and boom! May isang grupo na nakacircle ang busy sa pagmemeeting nila. I sense something wrong.

BINABASA MO ANG
The Ruthless Unseen Side of Tanya Santivañez
ActionTanya Santivañez. Babaeng Akala mo simpleng tao lamang, napaka tahimik at gusto palagi sa isang lugar na hindi crowded. Paano na lamang kung sa isang iglap ay magbago ang lahat? as in LAHAT. Ano na ang mangyayari sa kaniya? Malalaman ba ng lahat ang...