Chapter 10: Town Play

29 3 0
                                    



Lumipas ang mga araw at bumalik na sa pag-aaral sina Tanya at Hajima.




Sa paglipas din ng mga araw na pumapasok sila ay nagkakakuha na sila ng atensyon sa mga kapwa nila estudyante sa St. Luke Academy.



Marami ang kumakalat na issues tungkol kay Tanya at Hajima gaya ng inaakala ng karamihan na may relasyon sila.




Mas lumalawak pa ang maling akala ng karamihan dahil ni minsan ay hindi ito dineny ng dalawa.




Hinahayaan lang nila ang mga tao sa mga gusto nilang gawin kahit pa ang gawan sila ng mga kwentong walang katotohanan.





TANYA'S POV


"Hajima..." Tawag ko.


"Yes Miss Tanya?" Sagot naman niya at agad na lumapit sa pwesto ko.


Nasa library kami ngayon na nakatambay dahil vacant 1 hour.



Magkaharap kami ng upuan ni Hajima habang nagbabasa pero lumipat ito sa tabi ko nang tawagin ko siya.



Medyo distansya kami sa mga taong nasa library din para magbasa at magpalipas ng oras.



"I hate their stares..." Seryosong sabi ko pero tutok pa rin ang mata sa librong hawak ko.



Ramdam ko yung tingin ng mga estudyante sa pwesto namin ni Hajima. Tsk.



"Me too." Seryosong sagot naman ni Hajima.



"Tara na." Sabi ko at tumayo na.



Kinuha ko kaagad ang bag ko at naglakad na ng mabilis palabas ng library, nagmadali rin si Hajima para sabayan ako sa paglalakad.



"Where are we going now, Miss Tanya?" Tanong ni Hajima.




"Somewhere.. Just follow me and don't talk." Sagot ko.



Pero napaisip din ako kung saan kami pupunta, biglaan naman kasi pag-alis namin sa library. Tsk.



"What time is it, Hajima?" Tanong ko habang naglalakad.


"It's already 3:20. 4 ang last subject natin. We still have 40 minutes." Sagot niya ng macheck ang relo niya.

"Okay." Sagot ko.


Lumabas kami ng school, buti nakisama ang guard kundi kailangan pa namin umakyat ng pader para makalabas.



Magliliwaliw na lang muna ako dito, nawawalan na ng thrill ang buhay ko mula nung lumipat ako ng school.


Nasa town na kami at medyo marami din ang mga tao. Chill lang akong naglalakad habang nasa likuran ko si Hajima na nagmamasid din sa paligid.


Habang busy kami sa paglilibot ay may narinig akong mga tawanan at may umiiyak?



"May umiiyak Hajima." Pagbibigay alam ko.

"Naririnig ko nga rin Miss Tanya." Seryosong sagot niya.



Kinuha ko sa bulsa ko ang mask ko at ganoon din si Hajima. Ewan ko pero palagi na itong nasa bulsa ko, nakasanayan na siguro.


"Be careful Miss Tanya." Paalala ni Hajima na tinanguan ko lang.


Pumasok kami sa isang iskinita kung saan namin narinig ang ingay. Medyo may kadiliman dahil nasa pagitan ito ng dalawang 4 storeys na apartments.



The Ruthless Unseen Side of Tanya SantivañezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon