Chapter 8: Stolen Kiss

36 3 0
                                    

Lumipas ang mga araw at tahimik lang sina Hajima at Tanya sa pag-aaral sa St. Luke Academy.


Hindi lingid sa kaalaman nilang dalawa na may nagmamasid din sa kanila, dalawang pares ng mata na pinag-aaralan din ang bawat galaw nila.



TANYA'S POV

Bakit hindi ako komportable sa nakalipas na ilang araw? Ayoko ng ganitong pakiramdam. Tsk.


Napasandal ako sa pader at napapikit. Hinawakan ko ang ulo ko dahil bigla itong sumakit.


Nasa girl's restroom ako ngayon, si Hajima ay nakabantay sa labas medyo distansya sa cr upang hindi magmukhang mamboboso.



Mag-isa lang ako sa restroom, pumasok ako sa isang cubicle at umupo sa bowl habang hawak pa rin ang ulong sumasakit.



"Aaaahhhhh." Daing ko at napapikit.


Nasasabunutan ko na rin ang buhok ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.



"M-my me-medicine." Mahinang usal ko sa sarili ko.



Na kay Hajima ang bag ko at laman noon ang mga gamot ko. Kainis! Bakit ngayon ka pa sumakit! Aaarrggghh!



Tarantang kinapkap ko ang phone ko sa bulsa ko para tawagan si Hajima, i need him right now.



Nagbublurred na rin ang paningin ko at nanghihina. Nanginginig kong dinial ang numero ni Hajima kahit hirap na hirap na ako.



"Oo nga girls, akalain niyo iyon? Hahaha." Nakarinig ako ng boses ng kababaihan na pumasok sa cr.


"Hello? What's wrong Miss Tanya?" Narinig ko ang boses ni Hajima sa kabilang linya.


Dahan-dahan akong tumayo at pumikit para pakalmahin ang sarili. Pilit kong inayos ang sarili. Hihingi nalang ako ng tulong sa mga babaeng nandito.



Tinulak ko ang pinto ng cubicle at sa hindi inaasahang pangyayari ay bumigay na ng tuluyan ang katawan ko at bumagsak sa sahig.




"Aaaaaahhhhhhhhh!" Narinig ko pa ang sigawan ng mga babae bago ako tuluyan mawalan ng malay.




****


HAJIMA'S POV

Bakit ang tagal naman yata niya lumabas ng cr? Ang sabi niya saglit lang siya pero halos magkalahating oras na siya sa loob.



Pinagtitinginan na rin ako ng mga ibang estudyante dahil sa bitbit kong bag na black pero may red, white and blue roses na keychain. Haaays.




Sa kakahintay ay biglang nag vibrate ang cell phone ko na agad kong kinuha.


Rumehistro sa screen ang pangalan ni Miss Tanya at litrato niya kaya mabilis ko itong sinagot.


"Hello? What's wrong Miss Tanya?" Tanong ko kaagad pagkasagot sa tawag.



Nagtaka ako dahil walang sumasagot sa kabilang linya, napaayos na ako ng tayo dahil pakiramdam ko may hindi magandang nangyari sa amo ko.



Ilang segundo pa ay nakarinig ako ng kalabog, parang may nahulog sa sahig. Wait? Hindi kaya........



Napatigil ako sa pag-iisip ng makarinig ako ng mga sigawan sa kabilang linya. Hindi tama ito!.





"This is bad!" Naiinis na usal ko sa sarili ko bago tumakbo.




Dahil sa malakas na sigawan ay nakakuha ito ng atensyon kaya may ilang estudyante ang nasa labas ng girl's restroom.



The Ruthless Unseen Side of Tanya SantivañezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon