Chapter 12: Villamonte Clan

23 4 0
                                    


Nasa daan ngayon sina Hajima at Tanya papunta sa main house ng Dela Vega Clan.



Nakatanggap sila ng tawag galing kay Mr. Lopez, siya ay secretary ng lola ni Tanya.



Nang sabihing tungkol ito sa problema niya ay agad na silang tumungo ni Hajima sa main house upang alamin ang sasabihin ng matanda.



Seryosong nakatingin sa kalsada si Tanya, iniisip niya kung ano ang ibabalita ng lola niya. Pinapanalangin na sana ay maganda ang impormasyong ibabalita sa kaniya.





TANYA'S POV

"Yeah. We're almost there Granny. Yes..... Okay." Sagot ko sa kabilang linya bago patayin ang tawag.


Napabuntong hininga ako. Ewan ko pero nawawalan ako ng gana ngayon, pati mood ko ay hindi maganda.



Ilang minuto pa at nasa harapan na namin ang isang malaking itim na gate.



Dela Vega Main House....



Bumukas ang gate at nag bow ang mga nadadaanan naming mga guards na nagbabantay at mga maids na naglilinis.





Dumiretso na kami sa office ni granny pagkababa namin ng kotse.



Nasa likuran ko lang si Hajima na may seryosong mukha, butler mode siya ngayon dahil nasa pamamahay kami ni granny.




Sumusunod lang siya at tahimik lang, hindi gaya kapag kami lang dalawa ang magkasama ay salita ng salita.




"Good morning, Miss Tanya." Sabi ng isang body guard na nagbabantay sa labas ng office ni granny.





Nag bow pa muna ito bago buksan ang pintuan para sa amin.





Tumango lang ako at pumasok na sa loob ng opisina.




Nadatnan namin si Granny na naka upo sa swivel chair niya at may hawak na documents.



Kahit nasa mid 80s na ang edad niya ay malakas pa rin at nakakaya niya pa magwork. Nakakabilib ang lola ko.




"Good morning, Granny." Pagbati ko at lumapit sa kaniya para humalik sa pisngi.



Umupo ako sa harapan na upuan ng mesa niya. Habang tumayo lang ng tuwid si Hajima sa likuran ko na medyo distansya.



"Oh, you're here." Sagot naman niya.



Nag bow naman si Hajima kay granny ng mapatingin ito sa kaniya.



Nilapag niya ang hawak na documents kanina, pinagsalikop niya ang mga kamay sa ibabaw ng mesa at tinitigan akong mabuti na may seryosong expression ang mukha.




Nakipagtitigan din ako pabalik sa kaniya. Magtititigan lang yata kami dito maghapon. Tsk.




"Granny." Pagtawag ko.




Napabuntong hininga naman siya at pumikit sandali bago nagmulat muli ng mga mata.



"Tamara." Tawag niya sa pangalan ko.


"Yes granny?" Sagot ko.



"Pinapunta kita rito dahil may mahalaga akong sasabihin sa iyo." Panimula niya.



"What is it, Granny?" Seryosong tanong ko.




"Still remember the reason why i transfered you in St. Luke Academy?" Tanong niya.



The Ruthless Unseen Side of Tanya SantivañezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon