Abala ang mga tao sa loob ng hall, may kaniya-kaniyang trabaho na nakaatas sa kanila.
Napaka-ingay na kahit sa labas ay maririnig ng kahit na sino.
Magulo, natatarantang mga tauhan upang pagsilbihan ang mga bisita.
Bangayan, galing sa mga bisita dahil sa kayabangan ng isa't isa.
Pero may mga tao naman na nasa sulok lamang at nagmamatyag ng galaw ng mga tao sa loob.
Ganyang kaganapan ang naabutan ng pamilya Dela Vega, pamilya ni Tanya.
TANYA'S POV
One word to describe what I saw....
MAIINGAY !!!!
Tssk. Walang pagbabago, maingay noon at maingay parin hanggang ngayon..
Hmmm!.. ayos ang venue ngayon ah, di gaya noon.
Maraming tao, syempre puro kamag-anak ko at service crews and bodyguards everywhere..Kulay silver and black ang theme?????
SERIOUSLY???!!!!
So cuteeeeee.. I love it!Dela Vega Family only wears color Grey/Silver, Black and White. Colorful? Not in our vocabulary..
"Well, well, well." Napatingin kami sa nagsalita. Uminit bigla ang aking ulo. Tsk!
So asa Entrance parin kami nakatayo. Hindi ko alam kung bakit, may trip ata pamilya ko. Psh!
"Hey. May balon pala dito? Hindi ko alam yun ah?" Napangisi ako sa pamimilosopo ng kuya ko. Astig Ren, sige lang. Para makaramdam ang isang to na ayaw natin sa presensya niya. Tsk
"Yeah, sa likod try mo tignan baka sakaling may makita ka." Bawi naman ng isang to. Sarap bangasan bro. Yabang!
"Ganun ba? Akala ko yang bibig mo balon at hininga mo ang lamang tubig. Sarap kasi ubusan ng tubig para wala nang makalapit pa." Cool na sagot ni Kuya Ren.
Sasagot pa sana si Colon pero umalis na kami. Yeah siya si Colon Moriss, pinsan ko. Mayabang! Akala mo naman may maipagyayabang na. Tsk
After 30 minutes........
Nakaupo ako ngayon sa isang silya, nakaharap sa stage. Naghihintay. Naiinip na ako promise! Matagal pa ba? Ano na?? Ano na ganap?? Malapit na ako magutom dito.
"Good Evening my dear children and grandchildren. Sorry to say this but Gracielle is out of country for business purposes." Simula ni Granny, Lola Ysabelle Dela Vega.
Marami ang nagreact sa sinabi ni Granny. Pero poker face lang ako. Paki ko ba?
Tita Gracielle Anderson, kapatid ni Daddy.. bunso nilang kapatid, hmmm. Asa ibang bansa nanaman siya? Naku, feeling dalaga. May asawa na nga, pero wala paring anak. Ewan dun, baog ata?
Mabait naman siya at masayahin kaya gustong gusto siya ng lahat, pero? Lahat nga ng tao may itinatagong baho. Akala mo lang mabait pero sa likod nito ay isang Leon na handang lumapa ng kaaway.
"Listen. Let's just eat our foods, after lunch we will go inside to discuss something." Sabay tingin ni Granny sakin. Whaattt??!! SAKIN???? Ano nanaman ba ginawa ko? Wala akong alam.
Pagkasabi ni Granny nun ay kumain na ang lahat. And yung Inside na binanggit ni Granny? Room siya sa loob ng hall, sa room na yun? Isang Dela Vega lamang ang makakapasok, in short? Bawal outsider. Malawak naman kasi ang DeeVee Hall e. Pwede nang sing lawak ng Soccer Field. Bigatin!
BINABASA MO ANG
The Ruthless Unseen Side of Tanya Santivañez
ActionTanya Santivañez. Babaeng Akala mo simpleng tao lamang, napaka tahimik at gusto palagi sa isang lugar na hindi crowded. Paano na lamang kung sa isang iglap ay magbago ang lahat? as in LAHAT. Ano na ang mangyayari sa kaniya? Malalaman ba ng lahat ang...