TANYA'S POV
*kkkrrrriiiinnnggg*
Pinatay ko ang alarm clock ko at sapilitang bumangon sa higaan ko. Dahil kapag na-late nanaman ako ng gising ay baka mabuhusan nanaman ako ng malamig na tubig sa mukha.
Hajima be like. Tssk. Hindi ako makaangal dahil mas magagalit si granny kapag hindi ako umayos.
Dumiretso ako sa banyo para maligo at makapag ayos na bago lumabas sa kwarto.
Nadatnan ko si Hajima na nanonood ng t.v habang may suot pang apron. Seryoso siyang nakatingin sa screen at hindi napansin ang paglapit ko.
"Hajima." Pagtawag ko at tapik sa balikat niya.
Napalingon naman siya sa akin na may seryoso pa ring mukha. Problema niya? May nangyari bang hindi maganda? Feel ko lang.
"Watch the news." Sabi niya at itinuon na muli ang mata sa harapan.
Umupo ako sa sofa katabi niya at nanood ng news. Anong mayroon sa balita at gusto niya akong manood? Tsk.
Kaysa umangal ay sinunod ko nalang ang sinabi niyang manood ako ng t.v, at nabigla ako sa nakita at narinig ko.
"Breaking news. Dalawang kalalakihan ang natagpuang walang buhay sa isang iskinita sa *******, isang karumal-dumal na pangyayari ang sinapit ng dalawa na animo'y isa silang hayop na pinatay. Halos maghiwa-hiwalay ang mga parte ng katawan nila at puno ng saksak na ayon sa mga pulisya ay basag na bote ang ginamit, tila galit na galit ang suspect dahil kitang kita ito sa sinapit ng dalawang bangkay....."
At may nagpop up na cctv footage. Naningkit ang mga mata ko dahil nakuhanan ng cctv ang labanang naganap sa pagitan namin ng mga holdappers.
Buti na lang at hindi gaano malinaw ang camera at may mask akong suot. Pero kita na isang babae ang salarin at isang high school student pa dahil sa uniform na suot. Mukha ngang galit na galit ako sa video pero hindi naman. Haaaay.
Wala si Hajima sa video, nagtago kasi muna siya that time. Then nawala na ang cctv footage, mukhang nasira.
"Makikita sa cctv footage na isang estudyanteng babae ang salarin sa pagpatay ng kalalakihan at may isang binatilyo rin ang hostage ng dalawang namatay. Sa ngayon ay pinaghahanap na ito ng pulisya upang mabigyan ng karapat-dapat na parusa at ang lalaking naging hostage upang kuhanan ng impormasyon sa nangyari. Grace Finuliar nag-uulat, GRF News."
Napasandal ako sa sofa at nag cross arms. Who cares? Hindi ako natatakot makulong, tsaka hindi naman halatang AKO ang nasa cctv footage e.
"Sinira ko ang cctv camera na nakita ko, sakto naman sa start ng laban niyo kaya hindi na nila makikita ang buong pangyayari." Pagbibigay alam ni Hajima sa akin.
Kaya pala biglang nawalan ng signal iyong cctv footage na pinakita sa balita. Kaya rin pala hindi kaagad nagpakita si Hajima.
Napaisip ako ng malalim at binalikan ang mga naganap sa iskinita. Do i really look like a monster?
I used broken glasses to kill them, they badly wanted to stop me and pleased me to spare their lives. But unfortunately, i am Tanya Santivañez the person that doesn't have mercy.
Killing people is normal for me. They even called me heartless, ruthless and merciless.
"Miss Tanya."
Nabalik ako sa reyalidad dahil sa tawag ni Hajima, napatingin ako sa kaniya sa dining.
Naghahanda na siya kasama ang katulong para sa breakfast. We are like family here, maybe i am cruel but FAMILY is what i value the most.

BINABASA MO ANG
The Ruthless Unseen Side of Tanya Santivañez
ActionTanya Santivañez. Babaeng Akala mo simpleng tao lamang, napaka tahimik at gusto palagi sa isang lugar na hindi crowded. Paano na lamang kung sa isang iglap ay magbago ang lahat? as in LAHAT. Ano na ang mangyayari sa kaniya? Malalaman ba ng lahat ang...