Chapter 19: I - Gemini (Maverick & Margarette Torres)

51 4 0
                                    

Habang naglalakad pabalik sa sasakyan nila si Tanya at Hajima ay may humarang sa kanilang isang police officer dahil sa sitwasyon nila.


Nagmumukha kasi silang kidnapper dahil sa paghingi ng tulong ni Margarette habang sumisigaw na siyang dahilan kaya napupunta sa kanila ang atensyon ng lahat ng madaanan nila.


Masama ang tingin ni Tanya kay Margarette dahil sa ginagawa nitong scene. Habang walang imik naman si Hajima na nagbubuhat kay Margarette. Malaking tao si Hajima kaya walang magawa ang bata upang makatakas.



TANYA's POV

"Alam niyo bang ilegal ang ginagawa ninyo? Pwede ko kayong arestuhin." Sita ng police officer na lalaki.



Napa rolled eyes ako, as if he can. Baka kapag makilala ako ay magsisi siya sa ginagawa niya.



"Get out of our way." Malalim na boses na sabi ni Hajima.



Sinulyapan naman siya ng police officer. Mukhang naiinis na ito dahil hindi namin siya nirerespeto, ako dapat ang irespeto niya dahil isang salita ko lang pwede siya mapatalsik sa pwesto niya. Tsk.




He is wasting our time. The fuck!



"Hajima." Sambit ko at nag cross arms na.




"Ano bang ginagawa nila?"

"Kawawa naman iyong bata."

"Kidnapper ba sila?"

"Nakakatakot naman sila."

"Parang papatay."

"Hindi na sila naawa sa bata. Batang gusgusin na nga tapos ganiyan pa gagawin nila."

"Dapat sa mga iyan hulihin."




Marami pa akong naririnig na kung ano-ano pero hindi ko nalang binibigyang pansin. Tsk.



Itong police officer naman e may tinatawagan ata.



Hinayaan ko na siya at naglakad na kami paalis at nilagpasan siyang busy sa kausap.



"T-TULONG! PARANG A-AWA NIYO NA POOOOO!" Sigaw ni Margarette.



Nakakairita!!!


"STOP! BOTH OF YOU ON YOUR KNEES!" Sigaw ng police officer at nakarinig ako ng isang pagkasa ng baril.


As if matatakot ako sa baril niyang pang beginner lang.


Lumingon ako sa kaniya at tinaasan ng kilay, sino siya para tutukan ako ng baril? Tsk. Hinugot ko rin ang aking baril at itinutok sa kaniya.



"AAAAAHHHHHH!" Sigawan ng mga tao sa paligid nang maglabas ako ng baril.


Nakita kong napalunok ang police officer kaya napangisi ako. That's right, i love the fear that I see in your face.



"Hello? I need back up. Right now." Sabi nito gamit ang walkie talkie habang nakafocus sa amin ang kaniyang mga mata na parang sinasabing baka makatakas kami.



Hindi ko ugaling takasan ang isang problema. Iyong problema ang tumatakas sa akin. Tsk.



Nanatili kaming nakatayo, habang walang sawa sa pagsigaw si Margarette. Konti na lang ay masasapak ko na ito nang manahimik. Tsk.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Ruthless Unseen Side of Tanya SantivañezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon