Chapter 16: Nerdy Playboy

25 3 0
                                    

Si Thunder Brent Dela Vega ay kilala bilang isang Nerdy Playboy sa San Vega College.



Para lang itong nagpapalit ng damit kung magpalit ng girlfriend. Pero kahit napaka playboy ay nasa Dean's lister pa rin siya at nangunguna. Kaya binansagan itong Nerdy Playboy.

Pero ang problema ay hindi ito makapang babae sa harapan ng nakababatang kapatid niyang si Tanya.



Wala naman pakialam si Tanya pero ang ayaw niya lang ay makitang harap harapan na nambababae ang kuya Tantan niya.



Gaya na lamang sa mga oras na ito. Nagkataon na nag surprise visit si Tanya sa SVC at malas ni Thunder dahil makakaharap niya ang kapatid niya ngayon.


"THUNDER BRENT SANTIVAÑEZ DELA VEGAAAAA!"



Nangibabaw sa tahimik na paaralan ang boses ni Tanya dahil sa pagsigaw niya sa buong pangalan ng kapatid na lalaki.



Napatigil naman si Thunder sa ginagawa at napatulala ng ilang minuto bago dahan-dahan humarap sa pinanggalingan ng boses kanina.



Napaatras siya sa gulat, at naitulak ang babaeng kalandian na naging dahilan ng pagkakahulog nito sa kinauupuan.



"B-baby?" Alanganing usal ni Thunder habang kinakabahan.



Tumayo ang babaeng kalandian niya at isang malakas na sampal ang iginawad niya sa tulalang si Thunder.



"What the fuck!?" Galit na sigaw ni Thunder at napatayo sa gulat ng pagsampal sa kaniya.



"Uh-oh." Tanging nasambit ni Terenz at Miller.



"Hmmm." - Hajima.




TANYA'S POV

Naningkit ang mga mata ko sa nasaksihan kong sampalan.



"Who is she." Tanong ko sa mga taong nasa likuran ko.



"According to my secret files, she is Frencheska Manuel. A second year high school transfered student from Atkinson High." Sagot ni Miller na may access sa personal informations ng bawat students sa SVC.

"A transfered student huh, she needs to know her limits and her place here. She have a guts to do such things like this? Poor woman." Seryosong sabi ko at naglakad na palapit sa dalawang nagbabangayan.


Akmang sasampalin ulit ng babae ang kuya Tantan ko ng pumagitna ako sa kanilang dalawa at hinawakan ang kamay nitong nasa ere.



Gulat siyang napatingin sa akin at marahas kong binitawan ang kamay niya, magsasalita sana ito pero syempre hindi ako papayag. Kaya bago bumuka ang bibig niya ay isang malakas na sampal ang iginawad ko.



Magsasalita sana siya pero inunahan ko ng isang malakas na sampal ulit, at dahil iisang side lang ako sumampal ay namula ang pisngi niya.




"How dare you.... You don't have the right to hurt him inside this campus." Walang emosyon kong sabi.



"What a flirt transfered student. Tsk." Dagdag ko.



"Who the hell are you?!" Galit na sigaw niya.



"Tan--" Kuya Tantan at hinawakan ako sa balikat.



"Shut up." Seryosong sabi ko sa kaniya kaya binitawan niya ang balikat ko.



"Hajima, where's my alcohol?" Tanong ko kay Hajima na tumalima para iabot sa akin ang alcohol.


The Ruthless Unseen Side of Tanya SantivañezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon