Chapter 15: Campus Fighter

19 2 0
                                    

2 days had passed and today Tanya and Hajima is going to San Vega College to visit her brothers who are currently studying there.

And also SVC was her former school before she transfered at SLA.

They owned the school and that's explained too why her brothers was free to do whatever they wanted to do inside the campus.

SVC was located in Pasay while SLA was in Parañaque City. So it took them time before they reach their destination which is the SVC.

TANYA'S POV

It's still the same.

Binati kami ng mga guards pagdating namin. Pumasok na kami ni Hajima at handa na para hanapin sila kuya.

Mukhang tahimik sa harapan pero for sure sa gitna at loob e magulo pa rin, syempre nangunguna na diyan ang magaling kong kuya. Kuya Renren.



And booom! Sabi ko na nga ba e sa loob ang magulo.

Umagang umaga basagan ng ulo inaatupag ng isang to. Tssk.

Dalawa lang sila ng bestfriend niyang si Miller, anak ng business partner ni daddy.

Tapos isang grupo ang kalaban nila, mga baseball players kasi kita sa uniforms nilang suot. Wala naman pakialam ang mga guro kasi si Terenz ang involved. Babalewalain nalang nila ang kaganapang ito kaysa mapatalsik sa eskwelahang pinapasukan nila.


Pero kahit dalawa lang sila ay halos wala silang galos kumpara sa kalaban nilang ang iba ay hindi na makatayo ng maayos.

Napakalakas nila kuya kung makipaglaban, pero ang problema lang sa kanila ay ang masyado silang focus sa isang target at hindi na binibigyang pansin ang ibang targets. Tsk.


Gaya nalang ng isang kalaban nila na hindi nila napapansin dahil nasa likuran ito at hindi nila nakikita.


Nakita kong may isang lalaking nangahas na mamulot ng isang baseball bat.

Busy sina kuya Renren at Miller sa pakikipagsuntukan kaya hindi nila mapapansin ang isang lalaki sa likuran nila.


Napapailing akong naglakad ng mabilis sa kinaroroonan nila. May ibang natatabig akong mga nanonood na mga estudyante na hindi umaawat. Tsk.


Akmang ihahampas na niya ang bat sa kuya ko ng pigilan ko ito gamit ang pagharang ng isang braso ko sa bat.

Napatili ang ibang nanonood dahil sa ginawa ko. Napatigil din ang mga nagsusuntukin.

"Miss Tanya!" Rinig kong sigaw ni Hajima at tumakbo palapit sa akin.


Napapikit ako sa naramdaman kong sakit. Pero wala lang ito sa akin kumpara sa makitang masaktan ang kuya ko sa harapan ko.

Sino siya para hampasin ang kuya ko? Tssk. Siraulong nilalang.


"Tanya!" Sabay na sigaw ni kuya Renren at Miller.



"A-ah. S-sorry Tanya." Nauutal na paghingi ng paumanhin ng lalaki.


"Sa nakikita kong labanan niyo ay walang armasan, so sino ka sa inaakala mo para hampasin ng patalikod ang kuya ko." Seryosong saad ko sabay ngiti ng nakakaloko.


"A-ano k-kasi." Saad niya na napayuko at ramdam kong natatakot siya.


"Bakit pakiramdam ko natatakot ka? Sinong nakakatakot?" Nakangiting tanong ko.


The Ruthless Unseen Side of Tanya SantivañezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon