C h a p t e r – S e v e n
Stress ako ngayon kaya andito ako ngayon sa OMR tutugtog ng piano. Stress reliever. Tinugtog ko yung grow old with you. Gustong gusto ko talagang tinutugtog ito maliban sa first love. Ang ganda gandang pakinggan.
Sinabayan ko ng pagkanta. Pero medjo mahina lang yung boses ko. After kong tumugtog ay may biglang pumalakpak. Paglingon ko si V at tinatago na yung cam niya.
“Hoy don’t tell me vinideohan mo ako?!” nahihiyang tanong ko.
Ngumiti siya tsaka nagbelat
“Anla! Delete mo yan! Baka ma virus yang videocam mo!” sabi ko. Nakakahiya! Ayaw na ayaw ko pa naman yung may nakakakita na kumakanta o tumutugtog ako.
“Anong ide’delete. Remembrance na ito. Pati ang galing mo kaya at ang ganda ng boses mo. Bakit dika sumali sa banda?” tanong niya. umiling lang ako.
Ayaw kasi akong payagan ni Mama, dahil always late na umuuwi at delikado daw pag nagabihan ako ng uwi. Lalo na at wala akong kasamang umuuwi.
“Kung gusto mo I’se’send ko ito kina Jamie para naman madiscover ka.” Bigla ay napasigaw ako.
“WAG! AYOKO! Aish! Delete mo na lang yan!” ramdam na ramdam ko na ang sobrang pamumula ng pisngi ko.
“O.A mo ha. Osige wag ko na lang ipagkalat. Basta hindi ko ito ide’delete.” Sabi niya sabay ngiti. Aish. Nakakainis naman!
“Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah. Dika ba hinahanap ni tita?” tanong niya. I just shrugged.
He sigh. “May problema ka?” tanong niya. napailing lang ako. hindi ko kasi alam kung anong nangyayari sa akin.
Parang kasi naa’abnormal na ang puso ko. Nagsimula lang naman kasi ito kahapon nung parang nag act siya na para kong boyfriend. napaka over protective niya at yung para siyang nagseselos sa mga lalakeng nakatingin sa akin.
“Hatid na kita. Gumagabi na oh.” Sabi niya. hahawakan n asana niya ako sa kamay pero agad akong tumayo para ayusin yung gamit ko.
“Sige tara na.” sabi ko sabay labas na ng room
Paglabas ko wala yung motor niya tinignan ko siya at nakapamulsa lang siya. Bakit ang cool niya at ang lakas ng dating niya?
“Wala yung motor mo?” tanong ko. Ah nga pala may bago na naman siyang motor. Kasi doba nung nagvandal kami noon ay dina niya nabalikan yung motor niya at dina niya binalak binalikan pa. at eto may bago na naman siyang motor. Ilan ba motor ng lalaking ito? Napakamayaman ah!
“Wala. Na kay Kuya.” Sabi niya. nauna siyang naglakas kaya sinabayan ko siya. Ang hirap naman niyang habulin ang lalaki kasi ng hakbang. Nakakapagod maglakad.
BINABASA MO ANG
Scared To Death [BTS-V FF] [COMPLETED]
Fanfiction“I’m dying… and if I know that I will die soon, I wish I’d never met him. I wish I’d never love him. I’m scared to death… yeah I’m scared to leave him. He’s everything to me and I’m his everything. What will happen to us? What would I do if I’m alre...