C h a p t e r – F o u r
“Opo lalaki siya. Pero Mama trust me, he is a good guy! Please wag niyo po akong pagbawalan na kaibiganin siya. He is like ate. He is a positive guy, a happy go lucky, at hindi niya ako ipapahamak like what ate always do for me.” sabi ko.
Ewan ko ba kung bakit nagrereact ako ng ganito. Natatakot ako na baka pagbawalan ako ni Mama na ituloy yung pakikipagkaibigan ko kay V.
“Osige. Bukas dalhin mo siya dito. I want to meet him. At mapagsabihan siya na ingatan niya ang prinsesa ko.” Sabi ni Mama sabay haplos sa buhok ko. I pouted.
“Mama! Para naman kung umakto ka, parang boyfriend ko siya.” Natawa lang siya tsaka ako tinanguan at pumunta na ng kusina. “Halika na kain na tayo.” Yaya niya.
Sumunod na lang ako sa kanya. After namin kumain nagdiretso na ako sa kwarto ko. Sana bukas pag pinakilala ko siya kay Mama sana naman wag siyang mamilosopo. Minsan kasi hindi tumatanggap ng jokes si mama. May pagka sensitive kasi siya.
*
“Sige na please! Gusto ka daw makilala ni Mama. Wag kang umarte jan na parang ipapakilala kita as boyfriend ko! Kaibigan lang. Gusto lang niya kasing makasiguro na safe ako sa’yo.” sabi ko.
“Sus baka pagkarating ko dun sabihin mo na ‘Ma si V boyfriend ko! Umamin ka nga may gusto ka ba sa akin?’ he smirked. Binatukan ko sya
“Asa ka bro!” tsaka ko siya tinalikuran.
Hindi pa ako nakakaisang hakbang nung hawakan niya yung kamay ko para pigilan ako. Saglit akong natigilan dahil sa nakaramdam ako ng kuryente na dumaloy sa buong katawan ko. Bigla ding bumilis yung tibok ng puso ko. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay
‘Osige na nga baka umiyak ka pa jan! Tara na!” sabi niya sabay hila sa akin.
Tumigil kami sa harap ng isang motor. I looked at him and he does the same.
“S-sasakay tayo dito? NO WAY!” natatakot ako sumakay ng ganito. It will be my first time kung susubukan ko. Never in my whole life na natry kung sumakay sa motor. Ayaw ni Mama dahil delikado daw at base sa napapanood ko sa TV
“C’mon Irish! You need to do everything na hindi mo pa nasusubukan! Paano na lang kung mamatay ka bukas? Tapos hindi mo pa nata try yung mga bagay na interesting. Like riding on a motorbike. C’mon. Trust me. Hindi ka mapapahamak sa akin.” Natigilan ako.
Oo nga no? Paano na lang kung bukas, o sa makalawa mamatay na ako tapos napakarami ko pang bagay na hindi nararanasan. In my 17 years of existence kulang pa lang ang mga bagay na naranasan ko. Sabi nga nila live life to the fullest because you only live once.
“Okay fine! Basta hindi mo ako ipapahamak. I trust you, V” sabi ko.
BINABASA MO ANG
Scared To Death [BTS-V FF] [COMPLETED]
Fanfiction“I’m dying… and if I know that I will die soon, I wish I’d never met him. I wish I’d never love him. I’m scared to death… yeah I’m scared to leave him. He’s everything to me and I’m his everything. What will happen to us? What would I do if I’m alre...