Annyeong! Eto na po ang Chapter Ten! Sorry if bumabagal na akong mag UD. Kagagaling ko lang po ng OJT at busy sa bahay ulit :3 Sana magustuhan niyo ang chaptie na ito.
Don't forget to VOTE and COMMENT! hihi! Thank youuu! :)
Chapter - Ten
Taehyung's POV:
Pagkalabas niya sa cubicle hindi ako nasiyahan sa hitsura niya. Magulo yung buhok niya. ang putla niya. sobrang puti ng bibig niya na akala mo naubusan na siya ng dugo at sobrang basa na siya ng pawis. Tatanunging ko sana siya kung okay na siya pero bigla siyang natumba. Nagulat ako and at the same time nag alala. Tinatawag ko lang siya sa kanyang pangalan at pilit siyang ginigising. Binuhat ko siya at tumakbo palabas ng school. Hindi ko nga alam kong paano ko siya nabuhat pababa mula third floor. Adrenaline rush.
Pagkarating naming sa hospital ay agad siyang kinabitan ng oxygen at dinala sa isang room. Pinag stay nila ako sa labas. Habang hinihintay na lumabas yung doctor ay tinawagan ko na si tita at pinaalam ang nangyari kay Irish.
"Nasaan si Irish? Kumusta na siya?" pambungad na tanong ni Tita. Hindi ko alam kong anong isasagot ko. dahil hindi ako sure kong dahil bas a sakit sa tiyan iyon o ano.
Sasagot na sana ako ng lumabas ang doctor at binantaan kami na pag papasok kami sa loob ay magsuot kami ng mask at kinausap niya ng masinsinan si tita.
Pumasok ako sa loob at gaya ng sabi ng doctor ay nagsuot ako ng mask. Pagpasok ko sa loob ay nakahiga siya ng matiwasay. May plastic na kurtina na nakapalibot sa bed niya. ng makita niya ako ay agad siyang bumangon.
"T-taehyung..." tawag niya. anong sakit niya? Anong nangyayari sa kanya?
"H-hey! B-bakit ka nanjan? D-diba healthy ka?" pinigilan kong wag tumulo yung luha ko.
Ngumiti lang siya at lumapit doon sa may plastic curtain at nilagay niya ang kamay niya doon. Lumapit ako sa kanya at pinantay ko yung kamay ko na nakahawak doon sa plastic. Nakadaop ang aming mga kamay kaso may plastic na barrier.
"I'm sorry." Panimula niya. nag umpisa ng tumulo ang luha niya pero nakangiti pa rin siya. Smiling outside but crying inside.
"Everything will be okay. Makakalabas din ako dito diba?" tanong niya. tumango ako.
"Wag kang umiyak. Hindi naman ako patay eh. Ang pangit mo ding umiyak." Medyo natatawang sabi niya pero pati din siya ay umiiyak din. Pinunasan niya yung luha niya at ganun din ako.
"Kung hindi man ako maka survive dito tandaan mo na mahal na mahal kita higit pa sa sobra. Ayaw kong iwan kita pero kung darating man yung time na yun wag mong isipin na ginusto kitang iwan."
"Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Gagaling ka. Okay? Diba strong ka? Diba mas malakas ka pa kaysa sa akin?" tanong ko sa kanya. Pero umiling lang siya.
"Hindi naman ako malakas kong hindi dahil sayo eh. Sayo ako kumukuha ng lakas. Kay asana wag kang umiyak diyan dahil pag umiiyak ka nanghihina ako." sabi niya. pinilit kong wag umiyak.
"Pag nawala ako-
"Sabi ng hindi ka mawawala eh. Sige na magpahinga ka na. Para bukas okay ka na ulit. Hindi ka ba naiirita sa atmosphere ng hospital?" tanong ko sa kanya. Tumango lang siya. Nilapit niya yung mukha niya sa may plastic.
Dinikit niya yung labi niya doon. Napangiti ako. nilapit ko din yung mukha ko doon at dinikit ang labi ko sa labi niya. kahit na may plastic na nakaharang feeling ko magkadikit pa rin ang labi namin na walang harang.
Naramdaman kong ngumiti siya. Wag kang mag alala. Magpapakatatag ako. hindi ako susuko. Kung kinakailangan na lumuhod ako sa harapan niya gagawin ko iyon para lang sa'yo.
Unmalis na ako doon at nagtungo sa lugar na matagal ko ng hindi pinupuntahan.
Pagkapasok ko doon agad akong lumuhod sa may luhudan.
"Alam kong naging masama akong anak sa'yo. Matagal na kitang kinalimutan. At ngayong nangangailangan ako ng tulong mo tsaka ulit ako bumabalik sa'yo. Humihingi ako ng tawad sa lahat ng kagaguhang nagawa ko. Please wag mong pahirapan yung taong mahal ko. Wag mo muna siyang kunin. Kahit hindi niya sabihin sa akin. Alam kong nahihirapan na siya. Alam kong nakikipaglaban na siya ngayon kay kamatayan. Kahit hindi niya sabihin trough verbal ramdam ko namang may mali na sa kanya noon pa." huminga ako ng malalim. Pinabayaan kong bumuhos yung luha ko.
"Sobra ko siyang mahal. Ayoko siyang mawala. Please wag mo naman iyong ipagdamot sa akin. Wag mo siyang kunin. Marami kaming plano para sa isa't isa. Hayaan mo naman akong maging masaya."
After nun tumayo na ako at lumabas ng chapel. Pumunta akong garden para lumanghap ng hangin. Nadatnan ko doon ang isang babaeng nakahospital gown.
Umupo ako sa tabi niya at tulala lang siya dun.
"Girlfriend mo ba siya?" tanong niya. napatingin pa ako sa paligid kung ako ba ang kinakausap niya. "Yung babae ssa room 203?
Napatingin ako sa kanya na nakatingin sa akin. Tumango ako. "Parehas pala kami ng sakit." Sabi niya.
"Nakakainggit nga siya eh. Ang daming dumadalaw sa kanyan. Eh ako? Yung katulong ko lang ang nagbabantay sa akin." Malungkot na sabi niya.
"Pero kahit ganun pinapatatag ko ang loob ko. hindi ako pinanghihinaan ng loob. Pakisabi sa kanyang tatagan niya ang loob niya. at pati ikaw. Wag kang umiyak sa harap niya. dahil sa pag iyak mo pinanghihinaan siya ng loob." Sabi niya bago siya tumayo at iniwan ako dun.
Paano ako hindi panghihinaan ng loob kong yung taong mahal mo nakikipaglaban kay kamatayan?
**
"Mamaaaa! Huhuhu." Bigla akong naalerto ng makita ko si Baby Ysa na umiiyak habang buhat buhat siya ng ate ni Irish. Tumakbo ako palapit sa kanila at tinanong kung anong nangyayari.
"Inatake na naman si rish." Sabi ng ate niya. sumilip ako sa may pinto at hindi ko maintindihan ang pinagsasabi ng mga doctor at kung ano ang pinaggagawa nila doon.
Napaupo ako sa may upuan doon at nagdasal. Nakita ko sa kabilang pinto yung babae kanina na palapit sa akin at inabutan ako ng rosaryo. "Pakibigay ito mamaya kanina." Sabi niya tsaka tumayo at umalis na. tinignan ko yung rosary na iyon at mas lalo akong napaiyak habang sobrang higpit ng yakap ko dun.
Lumabas na ang doctor at sinabing stable na ulit si Irish. Pumasok agad ako at pumunta sa tabi niya. nilagay ko sa kamay niya yung rosary.
"Please wag mo akong iwan. Please stay. Stay with me. Please. I love you Mako." Naramdaman ko yung paghagod ng mama niya sa likuran ko at ang pagiyak niya.
Seeing her lying in the hospital bed and fighting for her life is the most painful sight in the world. Lumabas na ako dun dahil hindi ko na kayang makita siyang nasa ganoon ang kalagayan niya nanghihina ako. kahit anong pilit kong pagpapatatag sa sarili ko sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan, nahihirapan din ako, nanghihina.
-
BINABASA MO ANG
Scared To Death [BTS-V FF] [COMPLETED]
Fanfiction“I’m dying… and if I know that I will die soon, I wish I’d never met him. I wish I’d never love him. I’m scared to death… yeah I’m scared to leave him. He’s everything to me and I’m his everything. What will happen to us? What would I do if I’m alre...