C h a p t e r – E i g h t
Hindi ko mapigilang mamula at itago ang mukha ko gamit ang buhok ko. Eh kasi naman holding hands kami ni V habang naglalakad dito sa hallway at halos lahat ng mga mata nila ay sa amin ang tingin. Ngayon lang ba sila nakakita ng mag couple? Tss.
“A-ano V d-dito na lang ako. A-ano..” shit! Bakit ngayong lang ako naging awkward sa kanya kung kelan kami na?
Nakita kong ngumiti siya at mas hinigpitan yung pagkakahawak niya ng kamay ko tsaka ako hinarap.
“Masyado ka namang kinakabahan sa akin!” Sinamaan ko siya ng tingin. Inayos niya yung buhok ko tsaka inabot sa akin yung panyo niya.
“Lagi ka kasing walang dalang panyo. Baka may tutulong uhog. Hehe.” Binatukan ko na siya. Ang sama eh >_<
“Akin na libro ko.” Sabi ko pero hindi niya binigay sa halip ay nauna siyang pumasok sa loob ng classroom kaya dali dali ko siyang sinundan at nakita ko ang mga classmate ko na gulat at yung mga malalanding babae ay nagpapacute.
Pinatong niya sa desk ko yung mga libro ko. Nakita kong lalapitan na sana siya nung isang malandi kong classmate ng sumigaw ako “Mako late ka na sa klase mo.” Sabi ko sabay taas ng isang kilay sa kanya.
Napangiti siya ng malawak at lumapit sa akin “Mako? Mahal ko? Kinilig ako. Hihi. Sige Mako I love you. See you later. Mwah!” naiwan akong nakatulala doon. Naiwan akong tulala dahil sa tatlong salitang binitawan niya. I love you.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at napahawak ako doon. Feeling ko sobrang pula na din ng mukha ako. Kaagad akong nagbalik sa realidad ng dumating ang professor at nagtungo na ako sa upuan ako.
Habang tahimik ako na nakikinig sa klase ay nakaramdam ako ng matining hilo. Medyo nagbu’blur din yung paningin ko. Napahawak ako ng mahigpit sa ballpen ko. Medyo humihina na din ang pandinig ko.
“O-okay ka lang Irish?” tanong nung nasa tabi ko. I shook my head slowly. Ramdam ko ng pasikip ng pasikip ang dibdib ko at yung paunti unting pagclose ng mata ko.
Blank…
*
“Ma’am nurse si Irish po? Gising na siya?”
“Tulog pa siya eh. Puntahan mo na siya sa kwarto niya.”
“Sige po salamat.”
/door open/
“Irish? God! Ano bang nangyari sa’yo? dika ba kumain kaninang umaga? Diba kabilin bilinan ko sa’yong kumain ka sa umaga? Bawal magdiet? Baka naman nagpuyat ka kagabi? Diba pinatulog kita ng maaga kagabi?” I felt someone’s hands on my hand.
BINABASA MO ANG
Scared To Death [BTS-V FF] [COMPLETED]
Fanfiction“I’m dying… and if I know that I will die soon, I wish I’d never met him. I wish I’d never love him. I’m scared to death… yeah I’m scared to leave him. He’s everything to me and I’m his everything. What will happen to us? What would I do if I’m alre...