C h a p t e r – T w o
Habang nasa hallway ako may narinig akong chismis. May transferee daw galing sa St. John. At ang sabi gwapo daw tapos chinito, matangkad, maputi. Sus! basta pag may transferee laging laman ng usapan. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ng biglang may tumawag sa akin sa di pamilyar na boses.
“Miss na nakabag pack ng rilakkuma!” napalingon ako. Ako lang naman kasi ang nakabag pack ng rilakkuma sa school.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino yung tumawa sa akin. Si Koya na nakahoodie kahapon! Si Koya Adele. Hehe Adele na tinawag ko kasi yung kanta ni Adele yung kinakanta niya kahapon. Nagbalik ako sa ulirat ko ng lumapit siya sa akin at biglang may mga nagtilian at nagbulungan.
Napakseryoso niya. At ang cool niyang maglakad. “A-anong ginagawa mo dito?” takang tanong ko. Sa halip na sagutin ako ay bigla na lang niya akong hinila papunta sa kung saan.
Hala saan niya ako dadalhin? Don’t tell me kidnapper siya? Waahhh! No! Bata pa ako!
“T-teka lang po Koya! Saan mo ako dadalhin? Kidnapper ka no?” agad kong binawi yung kamay ko. Andito na kami sa labas ng school. Hala bawal akong mag absent!“Kidnapper ako? Ang gwapo ko namang kidnapper. Tss. Taehyung. Taehyung ang pangalan ko! Wag mo din akong matawag tawag na kuya dahil magkasing edad lang tayo! Tsk!” bigla siyang naglakad palayo sa akin kaya ako naman agad ko siyang sinundan.
“Bakit mo ba ako hinila? Alam mo bang may pasok ako? Pati bakit ka nakapasok sa school namin?” tanong ko sa kanya. Patuloy lang siyang maglakad at patuloy lang din naman ako sa pagsunod sa kanya.
“Transferee ako sa school niyo.” Sagot niya. teka---Siya yung sinasabi nilang transferee?
“Saan ka ba pupunta?” tanong ko. Bigla siyang lumiko sa may eskinita at ganun din ako. Syempre nakasunod ako sa kanya.
“Sa abandoned music room.” Sagot niya. bigla namang na enlighten yung mukha. Pupunta siya dun? Parang bigla nangati yung kamay ko.
Pagkapasok namin sa room binaba ko agad yung bag ko at mga libro ko. First time kong mag cut class.
Bigla siyang umupo sa may upuan at pumindot sa mga keys.
“Mahilig kang tumugtog?” tanong niya sa akin. Lumapit ako sa kanya at tumabi sa sa kanya. Humawak ako sa keyboard.
“Oo. Gusto mo tugtogan kita?” tanong ko sabay tingin sa kanya. Bigla siyang tumingin sa akin. Bigla ko na naman naramdaman yung kakaibang feeling sa loob ko. Yung biglang bumibilis yung pintig ng puso ko at tila nakukuryente ako sa titig niya.
“Sige nga.” Sagot niya sabay ngiti. Ang ganda ng mga ngiti niya.
BINABASA MO ANG
Scared To Death [BTS-V FF] [COMPLETED]
Fanfiction“I’m dying… and if I know that I will die soon, I wish I’d never met him. I wish I’d never love him. I’m scared to death… yeah I’m scared to leave him. He’s everything to me and I’m his everything. What will happen to us? What would I do if I’m alre...