—Play the song [Can't Cry Hard Enough para dama niyo itong chapter na ito]
C h a p t e r - T w e l v e
Taehyung's POV:
Alam ko. Nung sinabi kong magpahinga na siya kahit masakit ay tinatanggap ko na. Kailangan ko ng tanggapin na hindi na siya magtatagal. Ayaw kong ipilit. Ayokong pilitin na mabubuhay pa siya kong ang totoo naman ay kelangan na siyang kunin.
Pinagmamasdan ko siya ngayon habang himbing na himbing sa pagtulog. Ang tanong natutulog lang ba siya at magigising din? O tuluyan na siyang natulog panghabambuhay?
Hinaplos ko yung ulo niya. wala na siyang buhok tanging sombrero na lang ang tumatakip sa ulo niya.
Super payat na din niya pero kahit ganun ay maganda pa rin siya sa paningin ko.
Nagulat ako ng pumasok si Tita sa loob at nagsisigaw
"Taehyung!!! Anong ginagawa mo? Kanina pa tumutunog yang ventilator! Patay na ang anak ko! dika man lang ba tumawag ng nurse? Dika man lang ba—Irishhhh!" humagulgol na si Tita at patakbo siyang lumapit sa katawan ni Irish. At niyakap ito.
Kanina pa pala ito tumutunog pero bakit diko man lang nairinig? Pag ba narinig ko agad at nagtawag ng nurse nabuhay ka ba?
"Tita I'm sorry!" pero sa halip na magalit siya at sampalin ako ay niyakap niya ako.
"Wala na ang anak ko! pero kahit ganun alam kong nasa payapa na siya. Nasa tahimik na siya."yeah. she's already in peace.
Napatingin ako sa katawan ni Irish. Bakit ganun? Bakit parang namanhid na ata ako? kanina panay yung tulo ng luha ko kaninang buhay ka pa? pero bakit ngayong patay ka na tila naubusan ako ng tubig sa katawan?
Lumabas ako ng silid at nagtungo sa lugar kong saan alam kong tahimik.
I'm gonna live my life
Like every day's the last
Without a simple goodbye
It all goes by so fast
"Wala na siya. Kinuha mo na talaga siya sa akin. Bakit ganun? Pero kahit ganun tatanggapin ko. Kahit masakit. Yun naman ang nararapat diba? Sana okay siya diyan. Pakisabi sa kanya na mahal na mahal ko siya at miss na miss ko na siya." Sabi ko.
Tumayo na ako at lumabas na ng chapel.
And now that you've gone
I can't cry hard enough
No, I can't cry hard enough
BINABASA MO ANG
Scared To Death [BTS-V FF] [COMPLETED]
Fanfiction“I’m dying… and if I know that I will die soon, I wish I’d never met him. I wish I’d never love him. I’m scared to death… yeah I’m scared to leave him. He’s everything to me and I’m his everything. What will happen to us? What would I do if I’m alre...