C h a p t e r - N i n e

284 14 2
                                    

C h a p t e r — N i n e

"Mamaaa~~ Tulong~ Ahhh!" sigaw ko habang nakakapit ako ng mahigpit sa study table ko.

Narinig ko agad ang pagbukas ng pinto at dinaluhan agad ako ni Mama.

"Ito anak oh inumin mo." Agad kong inabot yung gamot at iininum. After nung unti unti ng nawala yung sakit sa ulo ko.

Umayos ako ng tayo at tinanggal yung kamay ko sa ulo ko ng may nalagas na buhok na sumabit sa mga daliri ko. Hindi lang iisa ang nalagas kundi napakadami.

"M-mama..." biglang tumulo yung luha ko at agad akong niyakap ni Mama ng sobrang higpit.

"M-mama! Huhuhu! Ayoko pa pong mamatay! Mama diba gagaling pa ako? Huhuhu." Sobrang higpit ng yakap ko kay mama at ganun din siya sa akin. Narinig ko ang paghikbi niya.

"G-gagaling ka pa anak. Magdasal lang tayo okay? Gagaling ka. Lakasan mo ang loob mo." Bumitaw na si mama sa pagyayakapan namin at pinaupo ako sa kama.

"Bukas dalawin natin ang doctor mo okay? Sige na magpahinga ka na." sabi ni mama. Tinulungan niya akong hiniga sa kama at inayos yung kumot ko tsaka hinaplos yung buhok ko ng marahan.

"Makakapasok na po ba ako next week?" tanong ko kay Mama. Simula kasi Wednesday ay absent na ako. At Friday na ngayon.

After kong madiagnose sa sakit na Leukemia ay ang dami ng medications ang tinetake ko. Hindi ko pa ito sinasabi kay Taehyung dahil ayaw ko siyang mag alala para sa akin. Sinabi ko sa kanyang pumunta akong probinsya kasama sina ate at babalik din next week. magpapalakas muna ako bago ko siya harapin ulit. Para naman di siya mag alala at magduda sa kalagayan ko. Nakakatext ko naman siya. Lagi siyang tumatawag pero hindi ko siya sinasagot dahil ayokong marinig niya na nanghihina ako. magaling pa naman yun mambuko.

**

"I miss you, Mako." Nanghina ako ng bigla akong niyakap ni Taehyung galing sa likod ko at naramdaman yung mainit na likido sa blouse ko. Hinarap ko siya at agad na pinahid yung luha sa pisngi niya

"Kelan ka pa natutong umiyak? Hindi naman ako nawala ng ganun katagal. Andito ako oh. Buhay na buhay. Pati nag enjoy ako sa probinsya." Sabi ko. Pinilit kong ngumiti. Nangiti naman siya so relief na akong naniwala siya sa sinabi ko.

Hinawakan niya yung kamay ko at sabay kaming naglakad papunta sa building namin.

"Bakit ka pumayat? Wala bang Mcdo doon sa probinsya? Hindi ba sila masarap magluto? Baka naman inalila ka nila?" tinawanan ko lang siya sa mga naiisip niya.

"Hindi ah. ANg sarap kaya magluto ni Nanay. At may Mcdo doon kaso wala akong sasakyan papuntang bayan kaya tiniis kong wag kumain ng sundae. Mamaya libre mo ako ah?"  sabi ko sabay nagpacute sa kanya.

"Matitiis ko ba yang ganyang mukha?" natatawang sabi niya sabay pisil sa kamay ko at nagpatuloy kami sa paglalakad patungo sa building ko.

Scared To Death [BTS-V FF] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon