C h a p t e r - O n e

849 25 4
                                    

C h a p t e r – O n e

Nakatambay ako ngayon dito sa Mcdo at nagrereview habang kumakain ng mga paborito kong 1-pc Chicken, Large fries w/ gravy sauce, strawberry sundae, hash brown at syempre yung green apple sprite float. Waahh! Hart hart! Hindi naman po halatang matakaw ako no? Hihi.

  

Pinagpatuloy ko ang pagrereview ko nung biglang may nakaagaw ng pansin ko sa labas. May shooting ata ngayon dito? May babae kasi na biglang sinampal si Koyang pogi tapos sumisigaw at dinuduro siya tapos pinagsusuntok sa dibdib. Ang kulang lang ay mga camera. WOW! Ang galing naman nilang gumawa ng scene. Tsk. Mga dina na nahiya. Pinagpatuloy ko na lang ang pagrereview at pagkain ko.

After kung tumambay ng isa’t kalahating oras sa Mcdo napagdesisyunan kong dumaan sa  isang abandoned music room kung saan ako laging natatambay. Tutugtog lang ako saglit.

Bago ako makapasok sa loob bigla akong may narinig na tumugtugtog at may kumakanta. Agad akong kinilabutan. May taong napapadpad dito maliban sa akin? Pinihit ko yung door knob at tumambad sa akin yung lalaki kanina na inaaway ni Ate. Nakapikit siya habang tumutugtog ng piano at kinakanta yung Someone Like You. [play niyo yung video sa side--Someone LIke You: BTS Taehyung Version] Aww ang drama naman ni Koya.

I cleared my throat dahilan para mapatigil siya sa pagtugtog at at mapamulat ng mata. Bigla akong kinabahan sa titig niya. At hindi ko maipaliwanag yung biglang pagreact ng sistema ko. Isang kakaibang feeling ang aking naramdaman nung magtama an gaming mga mata.

“A-anong ginagawa mo dito? P-paano ka nakapasok dito?” nauutal na tanong ko. Kelan pa ako nautal?

Ngumisi lang siya tsaka tumayo.

“bawal bang pumunta dito? Sa’yo ba ito?” tanong niya. He placed his hands on his pocket.

“H-hindi. Kasi ano… A-ako lang kasi yung pumupunta dito. Nakakapagtaka at ngayon lang may napadpad na ibang tao. Akala ko ako lang yung napupunta dito.” bigla akong yumuko. Nakakahiya. Kung umasta kasi ako parang sa akin ito.

Bigla siyang naglakad papuntang pintuan. Aalis na siya? Ay bakit parang naging sad ako?

“A-ang galing mo palang tumugtog.” Bigla kong sabi. Agad naman akong namula sa pagsabi ko nun. Ngumiti lang siya tsaka lumabas na.

Bakit may kakaiba akong naramdaman sa kanya. Biglang feeling ko ang gaan ng loob ko sa kanya? Hayst.

Binaba ko yung mga gamit ko tsaka ako tumugtog. I played the first love by Utada Hikaru. Ang gaan gaan kasi ng feeling yung piano instrumental niya. At ito rin yung kauna unahang natutunan kong tugtogin.

**

“Ikaw na bata ka! Akala ko nakipagtanan ka na! Bakit ginabi ka ngayon ng uwi ha? Sabado ngayon Irish at wala kang pasok! Saan ka naglakwatsa?” sunod sunod na tanong ni Mama sa akin. Napabuntong hininga ako at umupo sa sofa.

“Ma~ natambay kasi ako sa abandoned music room tapos napasarap sa pagtugtog kaya dina namalayan yung oras.” Sabi ko. Totoo naman eh. Ano ano kasing iniisip ni Mama. Akala daw niya nakipagtanan na ako! Tss.

“Minsan magtext ka okay? Lagi mo na lang akong pinagaalala.” Nagpout pa si Mama.

“Opo! Si Mama talaga napakadrama!. Haha. Sige ma akyat lang po ako sa kwarto.”

Pagkapasok ko ng kwarto ko agad akong napahiga. Feeling ko napagod ako ngayong araw na ito eh hindi naman ako gumala. Teka kumusta na kaya si Koyang naka hoodie kanina? Broken hearted pa rin kaya siya? Kawawa naman brinake siya ni GF niya kanina sa harap ng maraming tao. Siguro playboy yun at nahuli siyang may nilalanding iba.

Hayst! Bakit ko ba iniisip yun e di ko naman siya kilala. Tsk.

--

Hello ARMY's and V biases! Sana magustuhan niyo ito. At sana may magbabasa nito. I'm going to post Chapter two and maybe chapter three also tomorrow. Ito po muna sa ngayon. :)) Cute V at the side. Annyeong~ God Bless! ^__^

Scared To Death [BTS-V FF] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon