27

28 6 2
                                    


Isa sa pinakaayaw ko sa lahat ay ang paggising ng maaga. You know the feeling na didilaan mo na sana ang favorite flavor ng ice cream mo nang bigla na lang itong mahulog? Gano'n na gano'n ang pakiramdam kapag nauudlot ang tulog ko. I'm messed up right now kaya wala ako masyado sa mood.

"Fall in line, kids," instruct ni Sir Rodriguez na kung itrato kami ay parang mga batang paslit. Well, he's not that wrong. Marami pa rin naman kasing mga walang respeto at isip bata sa amin. He said that he will not stop calling us "kids" until we were able to practice proper decorum.

Niyakap ko ang sarili ko dahil napakalamig ngayong madaling-araw. Paano ba naman kasi, 4:30 AM daw ay nandito na dapat kami. If wala pa, hindi na kami makakasama sa Marasigan Island.

Ito ang naisipang reward ng school para sa naging successful prod namin. Mag-i-stay kami roon ng two days and one night.

Ang Marasigan Island ay isa sa mga pinakadinarayong isla dahil sa ganda at linis ng mga tanawin doon. They have clear waters, white sand, large hotels, healthy trees, and have sky, water, and land activities. Malayong-malayo ito sa tanawin at atmosphere ng siyudad.

As much as I'm excited to go there, hindi ko pa ma-feel ngayon dahil inaantok pa ako. Wala na rin akong time na maligo kanina dahil minamadali na ako ng babaita na sensitive sa oras. Ayaw niya raw kasing ma-late. Napaaga nga kami dahil ngayong nakarating kami, kailangan pa naming maghintay ng iba pang mga darating. Hays, natutulog pa sana ako ngayon eh.

Speaking of babaita, bigla na lang niya akong iniwan kanina. Paglingon ko ay nakapila na pala siya sa mga papasok sa bus, hindi man lang ako sinabihan. Ilang estudyante rin ang layo ko sa kanya.

Ang kaibigan ko namang si Leila ay nawala rin bigla. Nakita ko lang siya kanina rito and then, poof, hindi ko na alam kung saan na nagpunta. Lahat na lang ay iniiwan ako eh.

Pagkaraan ng ilang minuto, umusad na rin ang pila. Mag-a-alas singko na pero nandito pa rin kami. Ang tagal ah.

Pagpasok ko ng bus ay nagulat ako nang makita ko si Leila na naroroon na. Hindi lang 'yon ang nakakagulat, katabi niya pa ang president namin ng drama club na si Rupert. Hindi ako updated ah, close na pala ang dalawang 'to?

Civil lang kasi ang trato ng dalawa sa club kaya hindi ko alam na friends pala sila.

Sinamaan ko siya nang tingin ng mapadako ang tingin niya sa 'kin. Sinasabi ng mata ko na, "Walang'ya ka, bakit mo ako iniwan?"

Nag-make face lang siya kaya naghanap na lang ako ng mauupuang iba. Namataan ko pa si Daezen na nakaupong mag-isa sa may gitnang row pero hindi ako umupo roon. Badtrip din ako sa pag-iwan niya sa 'kin kanina.

Napupuno na ang bus at umiinit na ang puwet ko sa upuan nang makita ko si Lerdon na palinga-linga sa harapan, mukhang naghahanap ng mauupuan. Tumigil ang tingin niya sa pwesto ni Daezen.

Bago pa siya makahakbang palapit ay tumayo kaagad ako at pumunta kay babaita.

At kaya pala wala pang umuupo sa tabi niya ay dahil may bag na nakapatong sa may upuan. Inalis ko 'yon ng walang pasabi at umupo. Ibinigay ko 'yon sa kanya dahil sa kanya naman talaga 'yon.

Natanaw ko namang nanlumo si Lerdon at umupo na lang sa pwesto ko kanina. Hah, I won't give him the satisfaction, pero may nararamdaman naman akong kaunting guilt sa ginawa ko. Nawala bigla 'yung saya ng mukha niya eh. Pero umiling-iling na lang ako at kinalimutan ang nangyari.

"I thought you're not gonna seat here?" Napalingon ako kay Daezen nang magtanong siya.

"Hindi ba pwedeng mag-iba ng isip?" I answered with another question. Baka asarin niya kasi ako kung malaman niya ang dahilan kung bakit ako lumipat.

She shrugged, "Well, that seat was meant for you anyway."

Napatitig ako sa kanya pero kaswal lang siyang nag-i-scroll sa kanyang Facebook. Ang ibig ba niyang sabihin ay hindi siya magpapaupo rito hanggang sa hindi ako ang magiging katabi niya?

Aish! Get back to your senses, Albrent! You're overanalyzing things!

"Pero badtrip pa rin ako sa pag-iwan mo sa 'kin kanina," sabi ko at umiwas ng tingin. Kinagat ko ang loob ng pisngi ko, mukha akong nagtatampo. Naki-cringe ako sa inaakto ko, shet.

"Here." Napatingin ako sa inaabot niya. Huh? V-Cut? Tatanungin ko na sana kung para saan 'yon pero naunahan niya na ako. "That's a compensation for what I've done earlier."

Kumunot ang noo ko at tinanggap iyon, "Pwede namang mag-sorry ka na lang eh."

"Yep, pero para 'yan sa ginawa ko kanina. And what I'm gonna say next is the things I've done these past few weeks."

"Huh? Ano'ng ibig mong sabihin?"

Tumigil siya at huminga nang malalim, mukhang inire-ready ang sarili. "I'm sorry for taking advantage of your efforts to be friends with me again. I've realized that sometimes, I'm taking you for granted. Minsan pa ay nagiging out of hand na ang mga inuutos ko sa 'yo pero persistent ka pa rin na gawin ang lahat ng 'yon. And I really really appreciate that. You're so thoughtful."

Hindi ko alam ang sasabihin. I'm left speechless. Tama ang mga sinabi niya pero ang iba namang ginagawa ko ay hindi dahil sa inuutusan niya lang ako, it's my own will to help her or give her needs and wants. Parang automatic na kasi sa akin na kapag alam kong gusto niya ang isang bagay, ibibigay ko 'yon without her commands. Parang noong mga bata pa kami, gano'n ang palagi naming scenario.

"We mutually wants to be friends again just like the old times, kaya what's the wait 'di ba? I'm really sorry for giving you a hard time sa mga pang-uutos ko sa 'yo. But now, I want to be officially friends with you."

Inilahad niya ang kamay sa harapan ko, asking for a handshake. She smiled softly, giving me an expectant look. Namumula rin siya, but I'm not sure, sa paningin ko lang siguro.

Kanina ko pa gustong pigilan ang ngiti ko pero hindi ko na nakayanan. Ang bad mood ko kanina ay napalitan ng saya sa mga sinabi niya. I'm really really happy. Parang naging bata ulit ako na palaging masaya lang at walang pinoproblema.

Nangingisi kong tinanggap ang kamay niya and then shook it, "Well, deserve ko rin naman na maghirap. After all those years that you've tolerated my attitude, it only took a few weeks for me to pay for what I did."

"Gusto mo bang dagdagan pa natin?" biro niya na kaagad ko namang inilingan.

"No way! I promise na gagawin ko na lang ang best ko para i-maintain ang friendship natin and not to do stupid things again to wreck it."

Ngumisi siya at tumango, "Good."

Nang dahil sa naging pag-uusap namin, hindi na maalis ang ngiti ko sa labi hanggang sa umandar na ang sasakyan.

Beauty and the BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon