Tinignan ko ang sarili sa full length body mirror nang matapos na akong mag-ayos.Nakabukas ang isang butones ng long sleeved blue and white stripe polo ko at nakatupi naman hanggang siko ang laylayan nito. Naka-tucked in din ang damit ko sa paborito kong black skinny jeans.
White naman na sapatos ang napili ko para bongga na ang aking get up. Nagsuot din ako ng relo at black na bracelet para sa accessories.
Nang matapos ako ay tinignan ko naman ang mukha ko. Hinayaan ko lang na bagsak ang buhok ko dahil bagay ko naman. Naglagay din ako ng kaunting lip tint sa labi para makita ng mga wafu kung gaano ka-kissable ang lips ko.
Ang pogi naman ng nasa salamin. Omg, crush na kita koya.
Umiwas na ako ng tingin sa salamin dahil baka mamaya ay mabaliw pa ako sa pinag-iisip ko. Bumaba na ako para makapagpaalam na kina mudra.
Nadatnan ko sila ni pudra sa living room. Nakasandal si Mama kay Papa habang nanonood sila ng palabas.
Napangiti ako. Kahit na matagal na ang pagsasama nila ay hindi pa rin nawawala ang sweetness nila sa isa't isa. Sana all. Pero wish ko na makahanap din ako ng taong magmamahal sa 'kin sa kung sino pa ako.
"May lakad ka, anak?" tanong ni pudra nang makita akong papalapit sa kanila.
"Oh my! Ang pogi-pogi talaga ng anak ko." Tumayo si Mama at nilapitan ako. Hinawakan niya ang aking pisngi at pinisil, "Saan pupunta ang baby ko? May date ka ba?"
"Mudra naman eh." Ngumuso ako sa itinawag niya sa 'kin. Baby ba ako? "Wag mo na nga akong tawaging ganyan."
"Saan ka nga pupunta?"
"Sabihin na lang nating may date nga ako."
"Eh?" Nakita ko ang pagkinang ng mga mata niya, "Who?!"
Aba't mukha pang mas excited ang aking mudra kaysa sa 'kin. Supportive kasi siya masyado pagdating sa love life ko. Hindi niya ako pinipigilan sa kung sino man ang mga i-date ko, basta alam ko raw ang limitasyon ko at hindi ako masasaktan. Pero nanghihinayang pa rin sila ni pudra na boylet ang bet ko.
Hindi lang nila alam na merlat ang makakasama ko ngayon.
Magsasalita na sana ako pero narinig namin ang pagtunog ng doorbell. Nariyan na siguro ang kasama ko.
"Kailangan ko na pong umalis," sabi ko at nagbeso sa kanila bago dali-daling lumabas para pagbuksan ng gate ang babaita.
Bumungad sa 'kin ang maaliwalas niyang mukha. Naka-light make up lang siya at may dangling din na kalaki siguro ng singsing. Naka-blue long sleeved siyang damit na pinaresan ng black skirt. Naka-white shoes din siya kagaya ko. Mukhang pinaghandaan ang pakiki-meet sa lalaki ha.
Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Gano'n din ang ginawa ko sa kanya dahil na-weirdohan ako sa tingin niya.
"Bakit?" Hindi ko na napigilang tanong dahil medyo nailang na ako sa scrutinizing eyes niya. Nababaliw na yata ang babaita.
Kumunot ang noo niya at hindi na ako sinagot. "Halika na." Tumalikod siya at sumakay na sa kotse namin.
Aba't siya pa ang nauna mga beks. Eh hindi naman niya 'to kotse.
Sumakay na rin ako at ipinag-drive naman kami ni Kuya Jason, ang driver namin, sa mall.
Habang nasa kotse ay sinasabi niya ang mga dapat kong gawin kapag kaharap na namin ang ka-meet niya—namin pala.
BINABASA MO ANG
Beauty and the Beki
Fiksi Remaja"I Love You... Gurl." Series #1 "She's my frenemy, I hate her and like her as well. Nakakainis!" Date posted: May 9, 2020