8

55 7 0
                                    


"Albie! Oh my! Look at this oh!"

Pagkaupong-pagkaupo ko pa lang sa upuan ko ay niratatat na kaagad ako ni Leila, ang aking bestie.

"Oh, ba't ang laki naman yata ng eye bags mo? Anyare teh?" tanong niya nang humarap ako sa kanya.

"Wala!" inis kong untag at humalukipkip.

Napasimangot ako dahil naaalala ko na naman kung bakit hindi kaaya-aya ang aking feslak. Dahil kay Daezen babaita. Hmp. Hindi na tuloy mai-in love sa 'kin ang mga wafu dahil sa itsura ko.

Nainis ako nang makitang dumaan sa harapan ko ang babaita. Sinamaan ko siya ng tingin nang mapagawi ang tingin niya sa 'kin.

Pagkahinto pa lang ng kotse namin kanina ay lumarga na kaagad ako dito at iniwan siya. Hindi ko kayang i-handle ang atmosphere kanina sa loob ng kotse mga beks. Nakaka-suffocate.

Nakakaimbyerna siya. Kung umasta ay parang walang nangyari. To know na siya pa ang nag-initiate ng kiss kahapon ah. Wala man lang hiya sa 'kin kung magtaray ang babaita. Kalurkey, nakaka-high blood!

"Okay, okay. Pero may ipapakita ako sa 'yo!" Niyugyog niya ang braso ko kaya wala na akong choice kundi ang tignan ang ipinapakita ni Leila.

Nagdadalawang-isip pa ako dahil baka kagaya na naman ng kay Steward ang makikita ko. Na-trauma na ata ako doon. Pero kilala ko 'tong babaeng 'to, hindi siya magpapakita ng gano'n.

"Ano ba 'yan ha? Ba't ganyan na lang ang itsura mo? Mukha kang natatae na ewan."

Nangingiti niyang hinarap sa 'kin ang phone niya. Nagulat ako sa nakita at muntik nang mapatili pero pinigilan ko lang.

Almina: Late post. Wahahaha, ang pogi pogi talaga ng anak ko~

"Watdapak?!" bulalas ko sa mukha ni Leila at inagaw sa kanya ang phone niya. Inilapit ko sa mukha ko ang screen at tinitigan nang maigi ang litrato.

"Sweet niyo diyan ah," asar niya sa 'kin kaya pabalang kong hinagis sa kanya ang cellphone niya.

"Hoy! 'Wag mo namang ibato ng gano'n 'tong cellphone ko. Bagong labas lang kaya 'to." Sinamaan niya ako ng tingin at niyakap pa ang cellphone.

"Tsk." Hindi ko na siya pinansin at umubob na lang.

Ano ba naman si mudra. Kinuhanan niya pala kami ni Daezen. Ako na nakatingin sa labas ng kotse, habang siya ay nakasandal sa 'kin. Ito yung time na papunta kami sa beach resort nung nakaraan.

Maganda naman iyong kuha, pero hindi naman kailangang i-post. Mygahd. And why am I even affected? Picture lang 'yon!

I tried to calm my nerves and looked up nang dumating na ang teacher. Hindi ako maka-focus ng maayos pero pinilit ko ang sarili na makinig.

Bakit nitong mga araw ay ang dami kong iniisip na wala namang katuturan? Ito na ba ang sign na malapit na akong magkaregla?

Pero paglipas naman ng mga araw ay kumakalma na rin ang isipan ko. Nawawala na unti-unti sa mind ko ang mga prinoproblema ko.

I get through the days na hindi pinapansin ang babaita. Wala rin naman siyang pakialam kaya okay lang. Pero iba sa inaasahan ko ang nangyari ngayong araw.

"Hoy! Tulungan mo ako."

Kumunot ang noo ko at pinanliitan siya ng mata. Ano ba ang sasabihin niya at hinila niya pa ako papunta sa labas ng bahay namin?

"At saan naman kita tutulungan?" bored kong tanong at umupo sa bench na nandito sa labas ng bahay.

"Magpanggap ka bilang boyfriend ko," sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at napanganga sa sinabi niya, "W-What?! Are you out of your mind?! Shuding ako, gaga. Bakla, bayut, I'm gay!"

Tinaasan niya ako ng kilay, "Eh ano naman? Magaling ka namang umarte, so madali lang sa 'yo ang ipinapagawa ko." Wow, ngayon lang ako pinuri ng babaita. Kung may kailangan nga naman.

"Baka nakakalimutan mong kilala ako ng karamihan bilang bading? Baka makilala niya ako at mahumaling yung ka-date mo sa 'kin."

Inismiran niya ako at pinaikutan ng eyeballs. "Baklang 'to. Hindi siya tagarito kaya hindi ka niya makikilala."

"I-decline mo na lang kaya yung invitation niya?" I said, hoping na huwag na niyang ituloy ang binabalak. Medyo kinakabahan din kasi ako sa gusto niyang mangyari eh.

"Kapatid kasi siya ng kaibigan ko kaya hindi ko matanggihan. Gusto niya raw ako makilala kahit na sinabi kong may boyfriend na ako. So, I need your support bakla."

"And why me? Pwede ka namang maghanap ng iba. Ang dami mo kayang lalaki," sabi ko pero hindi niya iyon pinansin.

"Baka nakakalimutan mong tinulungan din kita sa problema mo nung nakaraan?"

"What? Yung sa nagchuchukchakang mga gwapings? Eh wala ka ngang ginawa eh, sinampal mo lang ako at hindi mo itinuloy yung—"

Napatigil ako. Napakurap ng ilang ulit. Gosh. It's so embarrassing! Bakit ko naman naisip 'yon?

"Yung?" taas kilay niyang tanong at may ngising pang-asar. Argh! Alam niya naman kung ano 'yon pero nagmamaang-maangan lang siya para mapahiya ako!

"Fine! Tutulungan na kita!" pikit mata kong pagsuko. Gosh. Bakit hindi ako makatanggi sa babaitang 'to? Nyemas! Napaikot na naman niya ang ulo ko!

Beauty and the BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon