(Ten years ago)"Nilagyan mo sana ng apoy 'yung harap ng peashooter para mas malakas. 'Yan tuloy, talo ka na naman ng zombie," sabi ng walong taong gulang na si Albrent. Katabi niya ngayon si Daezen na naglalaro ng Plants vs. Zombies sa iPad nito.
"One torch wood will cost me 175 suns, masyadong mahal. Ang bagal pa mag-produce ng sun 'yung sunflower," nakanguso namang pahayag ni Daezen. Pinisil tuloy ni Albrent ang nguso nito.
"Just take the risk, laro lang naman 'yan. Malay mo manalo ka pa kapag sinunod mo ang sinabi ko," saad niya at tumayo na. "Maggagabi na pala, uuwi na siguro ako."
"Okay, see you na lang bukas," nakangiting paalam ni Daezen kaya napangiti rin siya. Hindi niya talaga maiwasang ma-cutan sa kaibigan, lalong-lalo na kung ngumingiti ito. Palagi siyang nahahawa.
Umalis na siya at umuwi sa kanilang bahay na ilang hakbang lang naman mula kina Daezen. Ang convenient nga dahil kapag gusto niyang makipaglaro ay makakapunta siya kaagad dito.
Hindi pa man siya nakakalapit nang tuluyan sa kanilang bahay ay may naririnig na siyang mga boses sa loob. Nabosesan niya na ang mama at papa niya ang mga ito.
Na-excite naman siya dahil maaga silang nakauwi mula sa trabaho.
Bubuksan na sana niya ang pinto ngunit nakarinig siya ng sigawan mula sa loob. Akala niya ay simpleng usapan lang ang nagaganap, 'yon pala ay nag-aaway na ang mga ito.
Ngayon niya lang narinig ang mga ito na nag-aaway nang seryoso. Kadalasan kasi ay joke-joke lang kung sila ay magkasagutan, pero ngayon ay ibang-iba ang nangyayari.
Naiiyak siya. Gusto niyang pumasok at tanungin ang nangyayari ngunit nanginginig ang mga tuhod niya. Pakiramdam niya ay matutumba siya anumang oras pero tinatagan niya ang sarili niya at nakinig sa usapan ng mga magulang.
"I just want to try again, okay?! I've taken all necessary measures para gumaling na ako nang tuluyan sa sakit ko, siguro ngayon ay pwede na."
"No! I won't allow you to make your life at risk again. Ayoko nang mangyari ang nangyari noong ideni-deliver mo si Albrent."
"Eight years have already passed, paano kung hindi na kagrabe kagaya ng dati? Tsaka I've been taking my meds, hindi ko kinakaligtaan."
"Ayoko pa rin, hindi tayo nakakasigurado."
"Pero gusto ko nang bigyan ng kapatid ang anak natin. Hindi mo ba napapansin? He's lonely."
"I understand. I'm just worried. Lumalaki na siya, kaya mas lalong ayoko na mawala ka sa piling niya. We would never know what will happen, that's why I'm just being careful."
Sa mga narinig ay hindi mapigilan ni Albrent ang mapaluha. Alam na niya na may komplikasyon noong ipinapanganak siya dahil may sakit sa puso ang mama niya. Hindi ito lingid sa kaalaman niya dahil ikinuwento iyon sa kanya ng papa niya. Kaya ang bilin nalang nito sa kanya ay huwag pasakitin ang ulo ng mama niya at palagi dapat itong pasayahin.
Nanatili muna siya sa labas nang ilang minuto. Pinunas ang mga luha at pinakalma ang sarili. Ikinurba niya ang kanyang labi pataas. Ngumiti siya ng pagkalaki-laki na para bang wala siyang narinig kanina at pumasok na.
"Ma! Pa! Ang aga niyo ata ngayon?" umarte siyang nagulat at lumapit sa kanila upang yumakap. "May bago po ulit kaming nilalaro ni Daezen. Alam niyo 'yung Plants vs. Zombies? Palagi kaming natatalo, but what matters the most is that we are having fun, right? Kayo po? Kumusta ang araw ninyo?"
Sa gabing iyon ay nagkwentuhan sila buong magdamag at masayang kumain nang magkakasama.
Pero nang pumasok na si Albrent sa kanyang kwarto ay bumalik na naman sa kanya ang mga narinig mula sa mga magulang. Hindi siya nakatulog nang maayos kakaisip at nagmukmok na lang sa kanyang kwarto kinabukasan.
BINABASA MO ANG
Beauty and the Beki
Teen Fiction"I Love You... Gurl." Series #1 "She's my frenemy, I hate her and like her as well. Nakakainis!" Date posted: May 9, 2020